19

2281 Words
Kinaumagahan, maagang nagising si Ricky. Dahan-dahan syang bumangon at pinakiramdaman ang sarili. Nataon naman na pumasok si Mike sa higaan nya dala ang dalawang mug. "Magandang umaga. Mabuti at gising ka na," bati ni Mike na inabot ang isang mug kay Ricky. "Salamat," ani Ricky na dahan-dahang uminom mula sa mug. "Tsaa iyan. Pinaiinom ng lolo mo sa'yo para bumuti ang pakiramdam mo," wika ni Mike. "Kamusta si Lady Joey?" tanong ni Ricky. "Maayos na sya. Gising na rin si Joey. Medyo maga pa rin ang paa nya pero nasa Green House na. Tumutulong na sya sa paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ni Mariko. Doon na rin naghanda ang Tita June mo ng agahan," kwento ni Mike. "Ayaw talaga papigil," sambit ni Ricky na napapailing. "Parang si Aly lang," pabirong wika ni Mike na natawa. Pahigop sana ng tsaa noon si Ricky nang mapatigil sya at mapatingin kay Mike nang banggitin nito ang tungkol sa namayapang dalaga. "Pasensya na," wika ni Mike. "Mainit pa rin pakiramdam ko," wika ni Ricky. "Humupa lang ang lagnat mo nitong madaling araw. Ang mabuti pa ay ubusin mo na iyan para makababa na tayo. Ipaligo mo na muna 'yan sabi ni Drew para tuluyan nang mawala yang init na nararamdaman mo," ani Mike. Humigop muli si Ricky ng tsaa sa mug para ubusin ito. Kumilos sya para makapaghanda na sa labas. Pagdating sa Green House ay naabutan nilang abala ang lahat sa pag-aayos ng dekorasyon. Isang surprise party ang ihinanda nila para kay Mariko kaya doon nila ito ginawa. "Good morning, Tita June! Anong maitutulong namin?" tanong ni Ricky na humalik muna sa tiyahin. "Good morning, Honey. Grab a sandwich at tulungan nyo sina Rissa at Joey sa pagkakabit ng dekorasyon," wika ni June. Kumuha ng tig-isang sandwich sina Mike at Ricky bago nagtungo sa kinalalagyan nina Rissa at Joey.  Nakita nila si Joey na nakatuntong sa isang hagdan at nagsasabit ng banderitas sa puno. "Marigesh neri, Joey. Kaleda behusha. Lemira eshi Luke tanederuma nebi (Bumaba ka dyan, Joey. Baka mahulog ka. Hayaan mo si Luke na ang maglagay nyan)," ani Rissa sa wikang Sapiryan. "Beria neri asae. Huania? Depinase asae ti (Kaya ko naman. Ano ka ba? Madali lang naman ito)," paniniguro ni Joey. "Mag-ingat kayo, Jan," saway ni Jun sa mga bata. Hindi sinasadyang umalog ang hagdan nang masagi ng nagtatakbuhang sina Jan at Troy ang hagdan. Nawalan ng balanse si Joey ng matuunan nya ang masakit nyang sakong at nahulog sa hagdan. Napansin iyon ni Ricky na mabilis na kumilos para saluhin ang dalaga. Kaagad namang nasalo ni Ricky ang napasigaw na si Joey. "Korde!" ani Ricky sa wikang Vallian. Kaagad na naglapitan sina Rissa, Mike at Drew. "Ayos lang kayo?" tanong ni MIke. "Oo," wika ni Ricky. "Ayos ka lang Joey?" tanong ni Ricky na nag-aalala. Dahan-dahang binaba ni Ricky patayo si Joey. "Ayos ka lang, Bes?" tanong ni Rissa. "Ayos lang. Salamat," ani Joey kay Ricky. "Joey, hayaan mo na ang mga lalaki na ang magsabit ng mga palamuti. Mabuti pa ay tulungan mo na lang muna akong mag-ayos dito," wika ni June. "Opo," ani Joey na paika-ikang nagtungo sa lamesa. "Kami na ang bahala dito," wika ni Mike. "Pakitingnan ang paa nya, Drew. Medyo pilipit ang bagsak nya," pakiusap ni Ricky. "Sige. Sasabihan ko rin si Rica," wika ni Drew. Inalalayan sya ni Rissa patungo sa upuan malapit sa lamesa. Napailing muli si Ricky na hinabol ng tingin si Joey. Bumalik si Rissa sa pwesto nila. "Ric, pakisabit nga ang banderitas," pakiusap ni Rissa na inabot kay Ricky. Umakyat si Ricky sa hagdan na inalalayan naman ni Mike. Nagpatuloy ang pag-aayos ng mga lalaki ng dekorasyon. Napansin ni Rissa na napapalingon si Joey sa grupo ng mga lalaki na nagbibiruan at nagtatawanan habang ginagawa ang magsisilbing entablado sa Green house. "Ang cute talaga nila, di ba?" kinikilig na wika ni Rissa. Hindi kumibo si Joey. "Ang pogi talaga nya!" bulong ni Joey sa sarili. "Pareho ba tayo nang taong pinatutukoy?" pabirong tanong ni Rissa. Sinilip ni Rissa ang tinitingnan ni Joey at napansin nya nakatingin kay Ricky. "Kay pinsan ka naman nakatingin," tukso ni Rissa na napangiti. "Ah! Eh! Hindi naman," depensa ni Joey na namula. "Uy! Sumisilay!" tukso ni Rissa. "Hindi naman," depensa ni Joey na namula. "Aminin mo nga, tinamaan ka sa pinsan ko, noh?" patuksong tanong ni Rissa. Napangiti lang na pulang-pula si Joey. Napansin iyon ni June na ngiting-ngiti. "Hindi naman mahirap mahalin iyang si Ethan. Napakabait nyang bata," sabad ni June. "Pati ba naman kayo, Tita?" hiyang-hiya si Joey. "Kung hindi ko nga pinsan iyan si Ric baka ako na ang nanligaw sa kanya. Maswerte ang magiging kasintahan nya. Mabait, matapang at pasensyosong tao iyan," pagmamalaking wika ni Rissa. "Inirereto mo na ang pinsan mo kay Joey,"  tukso ni June. "Opo Mama. Botong-boto ako kung si Joey ang makakatuluyan ni Ric," gatong ni Rissa. "Mukhang hindi pa sya nakakaget-over sa dati nyang girlfriend," sagot ni Joey na nalungkot. "Basta ako good na kay Drew o kay Mike. Katabi lang sa pagtulog pwede na akong mamatay," wika ni Rissa. "Ikaw talaga! Loka-loka!" ani Joey na napapailing. Lumapit sina Ricky at Drew dala ang tray ng baso na ginamit nila. "Mukhang pinulutan nyo na ako," tukso ni Ricky na nakangiti. "Pinulutan?" tanong ni Joey na nagtaka. "Salita sa Daigdig, ang ibig sabihin, kanina nyo pa syang pinag-uusapan," paliwanag ni Drew. "Masyado kasi akong gwapong pinsan kaya hindi maiwasang maging usap-usapan. Cuz, pwede bang ilabas mo ako bago ako bumalik sa Sapiro?" tukso ni Rissa. "Oo naman, Riss. Magpasabi ka lang at ipapasyal ko kayo," payag ni Ricky na niyakap sa tagiliran ang pinsan. "Cien, Cuz," ani Rissa. "Kuya Ricky, Kuya Drew patulong naman," tawag ni Luke. "Sige. Kwentuhan tayo later," sabi ni Ricky na kumalas sa pinsan. Bumalik sya sa pwesto nina Luke at iba pang binata. "Madalas nga kami nyang mapagkamalang magkasintahan kapag lumalabas kami kasi madalas nakaakbay yan sa akin," ani Rissa. Nilapitan ni Rica si Joey makaraan ang ilang saglit. "Lady Joey, kung ipahihintulot nyo hayaan nyo akong tingnan ang sakong nyo," wika ni Rica, "Nabanggit ni Drew na namamaga po iyan at maaaring maitulong ako para mabawasan ang maga at sakit," wika ni Rica. "Sige Rica. Salamat," wika ni Joey na ngumiti. Isang malakas na tunog ang narinig ng lahat nang bumagsak ang tinutuntungan ni Ricky na improvised lamesa. Gamit ang reflexes nya ay kaagad syang nakagawa ng paraan para maiwasang bumagsak ng Dahil may hawak na kutsilyo si Ricky, nasugatan ito ng mapadiin ito sa kamay nga bago nabitawan at nahulog patayo. Kaagad napatakbo sina Rissa, June at Joey. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Drew kay Ricky. "Ayos lang 'tol," sagot ni Ricky, "Sumala lang po ang paa ko. Mali ang tantya ko sa balanse ko. Pasensya na po," na kaagad tinago ang nasugatang kamay sa tiyahin. "Mag-ingat nga kayo. Ninenerbyos naman ako sa inyo eh," wika ni June na bumalik sa lamesa kasunod si Rissa. Napansin ni Joey ang tumutulong dugo sa likuran ni Ricky. "Ethan, halika muna saglit," tawag ni Joey kay Ethan. Lumapit si Ricky kay Joey. "Anong problema?" tanong ni Ricky na tinago ang kaliwang kamay nya. "Ito ang problema," sabi ni Joey na hinaltak ang kaliwang kamay ni Ricky na dumudugo. "Wala ito. Maliit lang ito," balewala ni Ricky. "Pakde!" bulong ni Joey sa sarili nya sa Sapiryan. "Kahit maliit maiimpeksyon 'yan. Hugasan muna natin iyan at itali ng maayos para hindi makita ni Tita June," ani Joey na hinugasan ang kamay ni Ricky gamit ang garden hose. Nilabas ni Joey ang panyo nya at tinali ng mahigpit sa palad ni Ricky. "Selam (Salamat)," ani Ricky sa wikang Sapiryan. Kaagad ding lumayo si Joey kay Ricky. Nang magtungo si Mariko sa Green House ay naroon na ang mga bisita. Ilang saglit nagsimula na ang party. Dumating ang ilan pa nilang kamag-anak at kaibigan nakisaya sa kaarawan ni Mariko. Halos magkasunod na binati nina Ricky at Joey si Mariko na kinarga nya at hinalikan. "Happy birthday, Mirawi!" bati ni Ricky kay Mariko. "Salamat po," ani Mariko sa Vallian na niyakap si Ricky. "Happy birthday, Sara," bati ni Joey, "Eto ang regalo ko sa'yo," na inabot ang isang espesyal na manika. "Hindi po Sara pangalan ko, Mariko po, Ate Joey," protesta ni Mariko. Natawang sabay sina Ricky at Joey sa reaksyon ng bata. "Hindi ka nya tinawag sa pangalang Sara. Ang ibig sabihin ng Sara sa Sapiryan ay Prinsesa, Mirawi," paliwanag ni Ricky na niyakap pakiliti si Mariko. "Tama si Kuya Ric mo. Sara ang salitang prinsesa sa amin," sang-ayon ni Joey. "Bati na po kayo ni Kuya Ric, Ate Joey? Hindi na kayo magkaaway? Friends na kayo?" usisa ni Mariko. Nagkatinginan ang dalawa nabigla sa tanong ni Mariko. "Magkaaway? Hindi naman kami magkaaway ni Ate Joey mo, Mirawi," sagot ni Ricky. Napatingin sina Jude at Drew na narinig ang usapan ng tatlo. "Eh, bakit hindi kayo nag-uusap? Hindi ba ganun kapag magkaaway?" tanong ni Mariko. Pinipigilang tumawa ni Drew habang muntik nang masamid si Jude sa iniinom nyang juice dahil sa narinig nya sa bata. "Hindi kami magkaaway, Mirawi," sagot ni Joey. "Nagkataon lang na abala lang ang kuya sa mga gawain at walang oras na makipag-usap kay Ate Joey mo nitong mga nakaraang araw," paliwanag ni Ricky. "Tama sya, Mariko," wika ni Joey. "Ang mabuti pa ay batiin mo ang iba mo pang mga bisita, Mirawi. Nilagay ko na rin sa lamesa ang regalo ko sa'yo," pagbabago ng usapan ni Ricky na binaba ang bata. "Samahan na kita, Mari," prisinta ni Joey na inakay si Mariko sa iba pang bisita. Pinanood lang ni Ricky na lumibot ang dalawa kina Rissa at sa kanilang ina. "Napakatalas talaga ng pakiramdam ng mga bata," patuksong wika ni Drew na nilapitan si Ricky.  Inabutan nya ito ng isang baso ng juice. Lumapit din sina Luke, Niño at Jude. "Kamusta na ang palad mo, Kuya?" tanong ni Luke. "Binendahan na ni Kuya Drew mo. Mahirap kapag self-sustained medyo mas matagal gumaling," sagot ni Ricky. "Sabi nga pala ni Lolo, extended ang pagdiriwang hanggang mamayang gabi. Pasasalamat na rin daw para sa ligtas nyong pagbabalik sa LeValle at pagbisita nyo sa Lime," ani Luke, "Matatagalan na naman kayo bago makabalik dito," na nalungkot. "Medyo abala kasi sa Sentro. Marami pa rin kasing kailangang asikasuhin lalo na at palapit na ang labanan," wika ni Jude. "Kaya nga po. Mas maganda sana kung pwede pa kayong magtagal. Marami pa kasi akong gustong matutunan sa kambal," wika ni Luke.  "Nabanggit ng kambal na tinuturuan ka nila makipaglaban," banggit ni Ricky. "Tama po at mabilis syang matuto," pagmamalaki ni Jude. "Mahusay lang ang aking mga guro. Gusto ko sanang ipagpatuloy," wika ni Luke. "Mahusay naman si Kuya Jepoy. Maaari kang makipagsanay sa kanya. Marami syang maituturo sa'yo," mungkahi ni Jude. "Huwag kang mag-alala, nabanggit sa akin ni Tito Charles na baka sa University of Valle ka pumasok sa susunod na semestre. Tamang-tama doon din nag-aaral ang dalawa, magkakasama na naman kayo," salo ni Ricky. "Halika na kayo. Magsisimula na ang mga palaro. Kasali lahat," yaya ni June. Lumapit lahat sa lugar laruan at nagsimula ang kasiyahan. Binulungan ni Rissa ang si Mike na ipagpares sina Ricky at Joey sa paper dance. "Kamusta na ang paa mo?" tanong ni Ricky kay Joey na mahina. "Mas maginhawa na salamat kay Rica. Mahusay ang gamot na inilagay nya at mabilis nabawasan ang maga. Hindi na rin gaanong masakit," wika ni Joey. "Mabuti," wika ni Ricky. Nagsimula ang laro. Halos ayaw magdikit ng dalawa sa loob ng dyaryo. Habang lumiliit ang dyaryo ay nagdidikit sina Ricky ay Joey na nagkakailangan pa rin. Nang paa na lang ni Ricky ang kasya ay tumapak si Joey sa paa nito para hindi ma-out. Inalalayan naman ni Ricky sa baywang si Joey para hindi matumba. Nagkatitigan sina Ricky at Joey na naging tampulan ng tukso ng mga nanonood. Nagblush naman si Ricky na tumungo sabay kamot sa ulo. Sa huling tupi ng papel sina Ricky at Joey, Drew at Rica at Rissa at Luke ang natirang huling pares. "Ang mananalo rito ay ang kokoronahan natin na Hari at Reyna ng Paper Dance," deklara ni Mike. Halos isang paa na lang ang kasya sa papel. "Kung ano man ang mangyari, chill ka lang," bulong ni Ricky pasimple kay Joey. Tumango lang si Joey hanggang sa tumigil ang musika. Binuhat ni Ricky na paupo si Joey na kinagulat ng babae. Lalo silang tinukso ng mga nanonood sa  kanila. Dahil sa gulat sa ginawa ni Ricky, na-out of balance si Luke kaya natanggal sila, habang nagbigay naman sina Drew nang bulungan sya ni Rica. "Pasensya na," wika ni Ricky na maingat ibinaba si Joey. "At dahil dyan mayroon na tayong Hari at Reyna ng Paper Dance!" wika ni Rissa. "Bilang unang tungkulin ng Hari at Reyna ay ang unang sayaw! Music Maestro!" wika ni Mike. Nagpatugtog ng sweet dance si Drew. Tinitigan ng masama ni Ricky si Mike. "Pasensya na, kailangan nating sumunod," hingi ng dispensa ni Ricky. Nagkakailangan pa ang dalawa na maghawak ang kamay nang lumapit si Mariko sa bulong ni Luke at pinaghawak ang kamay ng dalawa. "Ok lang. Tapusin na natin ito!" game na wika ni Joey. Isinayaw ni Ricky si Joey. Si Ricky ang nagdala kay Joey na maingat nyang ginabayan. "Magaling ka pala sumayaw," namanghang wika ni Joey. "Hidden talent," sabi ni Ricky pabiro. Nang matapos ang tugtog kaagad nagbow si Ricky kay Joey bago sila naghiwalay. Tinukso nina Rissa at Jessie at ilang pinsang dalaga si Joey na nagblush habang ganun din si Ricky ng mga binata.  Natapos nang masaya ang children's party nang hapong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD