20

2313 Words
Kinagabihan party naman ng mga matatanda, mga kamag-anak at kaibigan ang naganap. Lumapit si Mariko kay Ricky at nagpakarga. Kasunod ni Mariko si Drew at ang tiyahin nya. "Anong problema, Mirawi?" tanong ni Ricky na nag-alala. Yumakap si Mariko kay Ricky at tinago ang mukha sa leeg nito. "Nag-aantok na sya, Ric," wika ni Drew. "Ayaw pa nyang matulog ng hindi kayo nakayayakap ni Joey. Nayakap na sya ni Joey," napapailing na wika ni June. "Matulog ka na, Mirawi," payo ni Ricky kay Mariko. Umiling ang bata. "May mga bisita si Kuya Ethan mo, Mariko," wika ni June. "Halika na, Mariko," yaya ni Drew. "Sige na Mirawi. Mag-ayos ka na sa higaan mo. Sisilipin kita sa kwarto mo bago ka matulog. Sumama ka muna kay Kuya Drew," ani Ricky kay Mariko. "Naalala mo ang kwento ko noong isang gabi? Itutuloy ko na ang kwento ko bago ka matulog," wika ni Drew. "Talaga po?" tanong ni Mariko na kumalas kay Ricky. Tumango si Drew. Nagpakarga si Mariko kay Drew. "Sigurado ka Drew?" tanong ni June kay Drew. "Ako na po ang bahala kay Mariko. Babalik ako mamaya ng kaunti," wika ni Drew na dinala pabalik sa mansyon si Mariko. Napansin ni Ricky na nag-aalala si June. "Tita, huwag kang mag-alala. Magaling sa bata si Drew," paniniyak ni Ricky. "May mga nakababatang kapatid sya?" tanong ni June. "Namatay sa sakit ang bunso nila kaya nag-aral sya ng may kinalaman sa medisina," sagot ni Ricky. "Asikasuhin ko lang ang ating mga bisita," sabi ni June. "Hanapin ko lang si Joey para makapag goodnight na sya kay Mariko," wika ni Ricky. Ilang saglit ay sabay na nagtungo sina Ricky at Joey sa kwarto ni Mariko. Tahimik lang naglakad ang dalawa hanggang makarating sila sa kwarto ni Mariko. Pinagbuksan ng pinto ni Ricky si Joey na naunang pumasok bago sya sumunod. Nakahiga na si Mariko noon. "Good night, Mariko!" wika ni Drew na hinalikan sa noo ang bata. "Good night Kuya Drew!" tugon ni Mariko. "Goodnight Mariko! Matulog ka nang mahimbing," wika ni Joey na niyakap saglit si Mariko bago hinalikan sa noo ang bata. "Matulog ka na, Mirawi. Sweet Dreams," wika ni Ricky na niyakap muli si Mariko at hinalikan sa noo. "Huwag muna kayong umalis. Please!" pakiusap ni Mariko. "Sige," payag ni Ricky, "Mauna na kayo ni Joey sa labas. Susunod na ako." "Ok," sang-ayon ni Drew. Dahan-dahang lumabas ang dalawa at bumalik sa kasiyahan. Makaraan ang kalahating oras ay lumapit si Ricky sa kumpulan nina Drew, Luke at Mike. "Kamusta?" tanong ni Drew. "Nakatulog na sya," sagot ni Ricky. "Hinahanap ka nga pala ni Lolo Carlo, Kuya," wika ni Luke. "Nasaan si Lolo?" tanong ni Ricky. "Three o'clock kasama ang ilang kilalang tao sa bayan," sagot ni Mike. "Salamat," ani Ricky na tinapik si Mike. "Kailangan mo back-up?" tanong ni Mike. "Hindi na. Salamat bro. I-enjoy nyo na muna ang gabi. Hindi kayo security ngayon. Bisita rin kayo," iling ni Ricky. "Salamat, Bro," ani Drew. Nilapitan ni Ricky ang Lolo nya at pinakilala sya sa mga taong kausap. Dumating din ang ilan pang kaibigan nina Ricky at Rissa sa lugar. Ipinakilala nina Ricky sina Mike at Drew habang ni Rissa si Joey sa mga kaibigan nila. Inabutan sina Ricky, Mike, Joey at Drew nang tig-iisang maliit na basong inumin. Tatanggihan sana nina Mike at Drew ang kakaibang inumin nang pigilan sila ni Ricky. "Hindi maaari," wika ni Ricky kay Drew. "Pasensya na pero kaugalian kasi dito sa amin na kapag inabutan ang isang bisita o balikbayan ng alak ng isang tagarito ay kailangan nya itong inumin. Tanda rin ng pagtanggap muli ng mga kaibigan," paliwanag ni Rissa. "Ano ba ito?" tanong ni Drew. "Shardek. Local na alak dito sa Lime," sagot ni Ricky na inamoy. "Sige na tapusin na natin ito! Cheers on three!" ani Joey. "One, Two, Three!" bilang ng mga kaibigan nila. Sabay-sabay na ininom ng apat ang laman ng baso. Nang maubos, hindi maipinta ang mukha ni Joey dahil sa lasa ng alak. Walang reaksyon naman sina Drew at Mike habang pinahid lang ni Ricky ang bibig gamit ang likod ng kamay nya. Nag-cheer ang mga kaibigan nina Ricky at Rissa. Saglit silang nagkwentuhan bago inalok ni Ricky na kumain ang mga kaibigan na kumain. Sinamahan naman sila ni Rissa. Napansin ni Mike na namula si Joey. "Ayos ka lang, Joey?" tanong ni Mike. "Medyo mainit na kaagad iyon. Ang pakla!" sagot ni Joey na nagpaypay ng mukha. "Alalay na lang mamaya," paalala ni Mike. "Ok kaya ko pa naman," ani Joey na hindi pa rin maipinta ang mukha. "Shardek ang local whisky dito. Masyadong matapang ito para sa'yo." sabi ni Ricky. "Mabuti pa, Ate ito na lang inumin mo," wika ni Luke na inabutan ang apat ng tig-iisang basong disposable. Tinimtiman ni Joey kaagad ang nasa baso. Nagustuhan nya ang lasa. Tinikman naman ng tatlo ang nasa baso. Manamis-namis ang lasa nito at mas mild. "Kourdim?" tanong ni Ricky kay Luke. Tumango si Luke. "Kourdim?" tanong ni Mike. "Local version ng beer," paliwanag ni Ricky. "Luke alam ba ni Papa mo na umiinom ka na nito?" tanong ni Ricky na nakataas ang isang kilay. "Opo, Kuya. Pinayagan nya akong uminom. Dalawang basong puno lang nito ang limit," sagot ni Luke. "Mas masarap ito. Salamat Luke," tango ni Joey. Tinawag ni Rissa si Joey para ipakilala sa ibang kaibigang babae. "Hinay-hinay sa Kourdim, Joey," paalala ni Ricky. "Salamat sa paalala. Excuse me, Boys," ani Joey na umalis. "Lalo na po kung matitikman nyo ang Koumir," bida ni Luke. "Kahawig sya ng lasa ng Kourdim pero mas matapang. Parang gin ang tama. Madalas pa rin akong nagkakamali sa dalawa. Ang pagkakaiba lang bukod sa tama ay ang kulay pero sa ganitong ilaw malabo mo nang makikita ang pagkakaiba," paliwanag ni Ricky sa magpinsan. "Nakaka-curious yan ah!" usyoso ni Mike. "Mabuti pa ay kayo na ang humusga. Halika tikman nyo," yaya ni Ricky na dinala sila sa nagsisilbi ng Koumir at binigyan ang dalawa. "Si Luke?" tanong ni Mike. "Mapapagalitan ako ni Tito Charles. Sinisilbi lang ang Koumir sa mga legal ang edad," wika ni Ricky. Tinikman ng magpinsan ang alak na binigay ng tagasilbi. "Tama ka. Wala halos pagkakaiba ang lasa ng dalawang alak," sang-ayon ni Mike. "Hindi ito pwede sa'yo Ric. Masyadong mataas ang alcohol content. Ang bilis tumama," ani Drew na napahawak sa pagitan ng dalawang kilay nya. "Huwag mo nang subukin pa," paalala ni Mike. "Kopya," ani Ricky. "Paano ang kambal, Kuya?" tanong ni Luke. "May trauma sa Koumir si Niño kaya alam na nya ang pakiramdam at lasa sa tikim pa lang. Natikman na rin iyan ni Jude dati. Ikaw na muna bahala sa dalawa, Luke," paliwanag ni Ricky kay Luke. "Opo, Kuya," ani Luke. Dumaan ang ilang oras at nagpatuloy ang kasiyahan. Naging dance floor ang gitna nang bulwagan. Marami-raming kabataan ang nagsasayaw noon. Nagkukwentuhan si Ricky sa isang dating kaibigan nang mapasulyap sya sa pwesto nina Joey na noo'y nakarami na nang nainom. "Joey, nakatingin dito ang Prince Charming mo," sabi ni Rissa na ininom ang baso nyang may Koumir. "Bahala na!" sambit ni Joey na inagaw ang baso ng Koumir kay Rissa at ininom ng isang lagok. Tumayo ito at hinigit ang kauna-unahang lalaki na makita nya. Natyempuhang si Mike ang nahatak nya. "Mike sayaw tayo!" aya ni Joey na nagsimulang magsayaw. Napansin ni Mike na lasing na si Joey. "Mabuti pa ay umupo ka na muna. Marami ka nang nainom, Joey," wika ni Mike. "Ayos lang ako," ani Joey. "Mas mabuting maupo ka na muna," wika ni Mike. "Sabihin mo lang kung ayaw mo," ani Joey na nilayasan si Mike. Napatingin lang si Mike sa pwesto ni Ricky at nagkibit-balikat. Nagtungo si Ricky sa bar na nagsisilbi ng alak. "Huwag mo nang bibigyan ng kahit anong alak si Lady Jocelyn," bilin ni Ricky. "Masusunod po Kamahalan," anang taga silbi. Nagtungo si Joey sa tagasilbi ng alak dala ang baso na may laman pa na Koumir. Humihingi pa ng isang basong Koumir si Joey noon pero hindi na ito binigyan ng taga-silbi. Dala ni Ricky ang baso nyang Kourdim na nilapag nya kalapit ng baso ni Joey. "Anong problema?" tanong ni Ricky. "Humihingi pa raw ng alak ang binibini. Masyado na po syang maraming nainom," anang taga-silbi. "Sige na. Ako na bahala sa kanya," wika ni Ricky. Umalis ang tagasilbi at hinarap ang iba pang tao. Lumapit si Drew sa bar. "Naparami ka na ata ng inom, Joey. Tama na," mahinahong wika ni Ricky "Medyo," sabi ni Joey na sumandal kay Ricky. "Mabuti pa ay mag-usap tayo," mungkahi ni Ricky. "Saglit lang uubusin lang natin ang inumin natin," ani Joey na nadampot ang baso ni Ricky at dinampot naman ni Ricky ang baso ng Koumir. Sabay nilang ininom ang laman ng baso. Dinala nilang pareho ang baso nila sa isang tahimik na lugar sa may hardin. "Anong problema mo para uminom ka ng marami?" tanong ni Ricky. "Hindi ko alam. Siguro pinalalakas ko lang ang loob ko para masabi ko sa'yo ang nasa dibdib ko," wika ni Joey. Natahimik si Ricky. Lumagok muli si Ricky mula sa baso nyang hawak. "Gusto ko na malaman ko na gusto kita. Sa mga kwento pa lang ni Rissa sa'yo ay humanga na ako sa'yo. Lalo na ngayong nakilala kita. Nagkaroon ng mukha ang Prince charming ko. Eric gusto kita," amin ni Joey. "Joey, gusto din kita pero..." hindi na naituloy ni Ricky ang sinabi nya. "Pero hindi ka pa rin nakakamove-on sa dati mong kasintahan," dugtong ni Joey, "Nakikipagkumpitensya ako sa patay. Mahirap na ngang makipagkumpitensya sa ibang babae pero mas mahirap kakumpitensya ang nakaraan," na umiiyak noon. Matapos masabi iyon ay nagpahid sya ng luha. "At least nasabi ko na lahat ang nararamdaman ko. Salamat sa oras at pakikinig," dugtong ni Joey na tumalikod kay Ricky at nagsimulang maglakad palayo. Noong oras na iyon habang nagsasalita si Joey nakaramdam ng pagsikip ng dibdib si Ricky. Pinilit nyang hindi ito ipahalata kay Joey. Nag-palpitate ang puso nya pinipilit magpasok ng oxygen sa katawan nya. Ilang saglit pa ay hilong-hilo na rin ang pakiramdam nya at umiikot ang buong paligid nya. "Joey, gusto din kita pero..." hindi na naituloy ni Ricky ang sinabi nya. Nabitawan ni Ricky ng basong hawak nya at humawak sa dibdib nya. Pagtalikod ni Joey saka nya tuluyang naramdaman ng sabay-sabay lahat. "Jo - ey... Dulusha!" daing ni Ricky na nakahawak sa dibdib nya nahihirapang huminga. Humarap si Joey kay Ricky. Nabahala sya nang makita na daklot nang isang kamay ni Ricky sa dibdib nya at ang isa sa tuhod. Kaagad lumapit si Joey kay Ricky. "Ric, anong nangyayari?" nabahalang tanong ni Joey na hinawakan sa balikat si Ricky. Nakita nyang tila nahihirapang huminga si Ricky. Tuluyang nabuwal si Ricky patungo sa dalaga. Kaagad nyang hinawakan ito at isinandal sa sa paanan ng bangko sa lugar na iyon. "Ric, umubo ka! Pilitin mong umubo, Ric!" utos ni Joey. Sinunod ni Ricky si Joey na pinilit umubo. "Tulong! tulong!" sigaw ni Joey na tinatapik ang pisngi ni Ricky na pumipikit na. "Saglit lang, Ethan! Hahanap lang ako ng tulong," paalam ni Joey na tumakbo palayo kay Ethan. Nakasalubong ni Joey si Mike na balisa at tila may hinahanap. "Mike, tulong! tulong!" wika ni Joey na natataranta. "Anong nangyari? Nasaan si Ricky?" tanong ni Mike na seryoso. "Kailangan nya ng tulong. Sumunod ka!" ani Joey. "Mike si Ethan. Biglang bumagsak si Ethan nakahawak sya sa dibdib nya," salaysay ni Joey habang tumatakbo pabalik sa pwesto ni Ricky. Dumating sila na wala nang malay si Ricky. Kaagad nilapitan ni Mike si Ricky at sinuri. "Anong nangyari bago sya bumagsak?" tanong ni Mike. "Ininom nya ang nasa baso nya," sabi ni Joey na umiiyak na sa pagpa-panic. "Relax ka lang, Joey." ani Mike na pinindot ang relo nya bago lumapit sa baso ni Ricky. Tinikman nya ang natirang laman ng baso ni Ricky. Kaagad rumadyo ng saklolo si Mike. Dumating sina Niño at Drew na kaagad namang sinuri si Ricky. "Tumawag kayo ng Healer at doktor!" utos ni Drew kay Niño. "Opo," tugon ni Niño na tumakbo palayo. "Stimuli?" tanong ni Drew habang sinusuri ang mata ni Ricky. Itinaas ni Mike ang baso ni Ricky. "Kourdim?" tanong ni Niño. Umiling si Mike. "Hala!" wika ni Drew na nabahala na kaagad pinakinggan ang dibdib ni Ricky. "Tumigil ang hinga ni Ricky," wika ni Drew na kaagad hiniga si Ricky. Tinanggal ang pagkakabutones ng polo shirt nya at ang sinturon at butones ng pantalon nya. "Prepare for CPR!" ani Drew kay Mike. Pumuwesto si Drew sa gilid ni Ricky si Mike sa ulunan. Nag-CPR ang dalawa pero walang response si Ricky. "Mike kaya mo bang mag-isa?" tanong ni Drew, "May kukunin lang ako." "Sige," wika ni Mike. "Tutulong ako!" boluntaryo ni Joey. "Ok. May kukunin lang ako sa bag ko," paalam ni Drew na tumakbo palayo. Makaraan ang isang saglit bumalik si Drew na may hawak na pen injector mula sa pouch na hawak nya. Tinusok nya direkta sa dibdib ni Ricky ang injector na kaagad nagpakawala ng gamot. Makaraan ang ilang saglit huminga si Ricky na bahagyang napaiktad tila nanggaling sa ilalim ng tubig. "Ric umubo ka, kahit mahirap umubo ka!" wika ni Drew. Tumagilid si Ricky na pilit umuubo kahit hirap huminga. Dumating si Jude sa lugar. "Kailangan nating ilipat si Kuya mo sa kwarto nya, Nathan," pakiusap ni Drew. "Fin!" tawag ni Jude. Lumabas si Fin sa human form. "Master Nathan, ano pong maitutulong ko?" tanong ni Fin. "Ilipat natin si Kuya sa kwarto nya," utos ni Jude. "Masusunod po," ani Fin. Naglaho sina Ricky, Jude, Joey, Drew at Mike. Lumitaw sila sa kwarto ni Ricky nasa higaan na si Ricky. Nakatagilid pa rin ito hirap na hirap huminga. "Salamat Fin!" ani Jude. Naglaho si Fin. "Papunta na sina Niño at ang doktor," wika ni Jude.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD