12

2628 Words
Kinabukasan naging abala ang buong pamilya. Pinatawag ni Emir sina Jude at Niño. "Pasensya na kayo kung naabala ko kayo, mga Kamahalan. May movement ng Greems na na-monitor po sa Hilagang kanluran. Gusto ko sanang ma-monitor ang galaw ng grupo. Kamusta na Wolf Unit?" tanong ni Emir. "Maayos na po. Naka-recover na po lahat at ready for action. Ang mga Tango naman po ay handa na ring patunayan ang sarili," ulat ni Jude. "May final evaluation ng apat na Tango kayo ngayon. Kayo ni Arrow ang gusto kong mag-evaluate sa kanila sa field," atas ni Emir. "Sa wakas! Nami-miss ko na po ang field work," ani Jude na nakangiti. "Alam ko mga Kamahalan. Pasensya na at hindi ko kayo mapalabas nitong mga nakaraang linggo. Alam nyo naman ang protocol sa palasyo," wika ni Emir. "Naintindihan po namin," ani Niño. "Mag-ingat lang kayo. May epekto pa rin sa'yo ang Blood Moon, Jude," paalala ni Emir. "Po? Paano nyo nalaman?" ani Jude. "Kulay pula pa ang kaliwang mata mo," sagot ni Emir. "Budz, magsuot ka ng contacts. Baka lalong mag-alala sina Mama at Jessie kapag nakita 'yan," paalala ni Niño. "Sige. Ayokong mabahala sila," ani Jude. "Sige na mga Kamahalan. Mag-ingat kayo. Hinihintay na kayo ng Unit," wika ni Emir. Nagtungo ang dalawa sa locker room at nagbihis. Sinuot muli ni Niño ang trademark nyang hooded jacket at maskara, ganun din si Jude. Papunta sa Unit room nila nakaantabay si Tommy hinihintay sila. "Mga Kamahalan," bati ni Tommy na yumuko ng bahagya para magbigay galang. "Kamusta po?" tanong ni Jude na napangiti. "Maayos naman po," tugon ni Tommy "Kuya, huwag mo na kaming tawaging Kamahalan. Magkatrabaho tayo ngayon. Wala po ang mga prinsipe ngayon," wika ni Niño. "Nami-miss ko yung tawag mo sa akin dati. Ako pa rin si Trix, sya si Arrow," wika ni Jude. Napangiti si Tommy. "Wala ka pa ring pinagbago, Skipper," ngiti ni Tommy na napapailing. "Anong meron tayo, Kuya Tommy?" tanong ni Niño. "Sabi ni Colonel Sin sa inyo daw manggagaling ang mission namin today, Skipper. Ikaw daw magbi-brief. Nasa loob na sila lahat," ulat ni Tommy. "Pakisabihan po sila na sa field na tayo magkita. Northwest Fort. Doon na po tayo magbi-briefing. See you in three minutes," utos ni Jude na humawak sa batok nya. "Copy Skipper," ani Tommy na naglakad palayo sa kanila papunta sa Unit Room. "Anong problema?" tanong ni Niño na napansin ang ginawa ng kakambal. "Wala naman. Medyo bumigat lang batok ko. Wala ito," wika ni Jude. "Sigurado ka? Kaya naman namin ni Kuya Tommy, kung hindi mo kaya," sabi ni Niño na humakbang papunta sa Unit Room. Hinawakan sya ni Jude sa braso para pigilan. Napadiin ang pisil ni Jude ang braso ni Niño. "Masakit! Bitiwan mo ako," wika ni Niño, "Jude!" Binitiwan agad ni Jude si Niño nang marinig ang pangalan. Minasa-masahe ni Niño nang marahan ang nasaktang braso. "Pasensya na. Ayos lang ako," ani Jude na humingang malalim. "Uminom ka muna," wika ni Niño. Kaagad namang dinukot ni Niño ang water bottle ni Jude sa backpack nito at iniabot sa kakambal. Kaagad namang lumagok si Jude nang tubig. "Labanan mo bro," pakiusap ni Niño. "Oo," wika ni Jude. "Hindi talaga magandang ideya itong gusto mong mangyari," sabi ni Niño. "Tayo na baka hinihintay na tayo nang grupo," yaya ni Jude. Naglaho ang dalawa at lumitaw sa ibabaw ng pader ng northwest fort. Na-out balance si Jude kaya napatukod sya sa pader. Nagbigay sya ng mission briefing sa mga kasama bago sila pinapwesto. Habang nag-oobserba ay biglang may nagping na alarm mula sa nilatag nila para protektahan ang mga Tango. "Kuya Tommy saan 'yung nagping?" tanong ni Jude. "May heat signatures sa kaliwa ng mga Tango. Hayaan mo na munang kumilos ang tropa para iwasan sila. Mag-aadvise na ko sa kanila," mungkahi ni Tommy. "10-4. Lapitan ko na sila nang kaunti," paalam ni Jude. "Ikutan na lang muna natin sila," wika ni Niño. Ilang saglit pa ay nabahala si Jude. "Masyado nang malapit para sa kanila. Palapit na ang mga bogeys sa 20 nila," ulat ni Jude. "Kuya Tommy, lalapitan na namin sila," sabi ni Niño. "Roger, Arrow! Pinapwesto ko na si Polly para sa defense position," pabatid ni Tommy. "Copy," tugon ni Niño. Inassess ni Jude ang sitwasyon. "Patay! Nakita nila ang mga Tango, tayo na!" nababahalang wika ni Jude. Sinummon nya ang bow at arrow ni Jude. Biglang may kumirot sa kaliwang sentido nya na halos mabitawan ang busog na hawak nya. "Trix!" wika ni Niño na palapit. "Ayos lang ako," ani Jude na sinenyasan si Niño na huwag lumapit. Makaraan ang ilang sandali ay sumenyas si Jude na kumilos sila. "Doon ka sa kaliwa," utos ni Jude kay Niño. "Pero..." wika ni Niño na nag-aalangan. "Fin!" tawag ni Jude. Nakaramdam sya ng saglit muling kirot bago lumitaw si Fin. "Fido!" tawag ni Niño. "Master!" ani Fin na naramdaman ang nadama ni Jude. Sumunod na lumabas si Fido. "Isama mo si Fin. Isasama ko si Fido para mapanatag ka," wika ni Jude. "Pero..." nag-aalangang wika ni Niño. "Mamaya na natin pag-usapan. Nanganganib ang mga Tango," pagsasawalang bahala ni Jude, "Fido, tayo na!" Umalis din si Niño sa kabilang direksyon. "Kuya Tommy, patch me to Tango Leader," utos ni Niño. "You got it Arrow. Your live," tugon ni Tommy. "Tango Leader, this is Wolf Two, 10-15," wika ni Niño. Naghintay si Niño ng sagot pero walang rumisponde. "Tango Leader, this is Wolf Two, 10-15!" ulit ni Niño, "Abort 65. 10-9!" "Wolf Two, this is Tango Leader. What's your 98?" anang lider. "Tango leader this is Arrow. Abort 65. Repeat abort 65. 10-19. 10-9!" utos ni Niño. "Arrow, this is Tango Leader. We will 29 from Alpha. 10-12," wika ni Tango Leader. "Tango Leader, this is Alpha. Abort 65, repeat abort 65. 10-19 , ASAP. There are bogeys in back your pocket . Do not engage, I repeat do not engage. Huwag kayong gagalaw. Defense positions!" utos ni Jude. "10-4 Alpha," tugon ni Wolf Leader. Isang pana mula sa posisyon ni Jude ang biglang kumawala. Tinamaan nito ang isang Greem na biglang nalusaw. "Perimeter breach people. This is Wolf Two, be alert everyone," pabatid ni Niño. Nakita ni Niño ang isa pang Greem na pumasok sa perimeter ng mga Tango kaya nagpakawala sya ng kargadong pana nya. Nakaramdam ng gaan sa ulo si Jude kaya napahawak sya sa katawan ng punong kinalalagyan nya. "Budz, ayos ka lang?" tanong ni Niño sa isip ni Jude. "Oo. Let's get those Tango home," wika ni Jude. Biglang lumabas sabay-sabay ang grupo ng Greem na umatake sa mga Tango. Pinagtanggol naman ng mga baguhan ang kanilang sarili at tulong-tulong na sinagupa ang mga Greems. Tinulungan naman sila ng kambal. Napansin ni Niño na dumadami ang mga Greems na lumalabas. "Fall back!" sigaw nya sa radyo. "Bumalik na kayo. Wait for my signal then teleport back," utos ni Jude sa mga Tango. "Copy po," anang Tango. "Fin Blazing Tornado!" sigaw ni Jude. Gumawa ng ipo-ipong apoy si Jude at inatake ang kalaban. "Ngayon na!" sigaw ni Jude sa mga Tango. Sunod-sunod namang naglaho ang mga Tango. Nalipol ni Jude ang mga Greem. Kaagad din naman nyang inatake si Niño gamit ang isang katana. "Nathan!" sigaw ni Niño. "Master Niño, kontrolado sya ng Blood Moon ngayon," ani Fin. Muling inatake ni Jude si Niño na kaagad dinipensa ang sarili nya. Napilitan syang umatake para sukulin si Jude. Dahil sa walang kontrol si Jude ay madali nya itong nagawa. Bumagsak si Jude na nakahiga. Sinaklangan ni Niño si Jude, at tinutukan sa leeg ng Ice Blade. "Kung hindi mo pipigilan ang sarili mo. Mapipilitan akong saktan ka, Budz. Kumalma ka, lumaban ka!" wika ni Niño. Hinihingal si Jude noon na nakahiga. Natanggal ang nilagay nitong contacts kaya nakita na buo na muli ang pula sa mata ni Jude. Pinilit nitong gumalaw pero nakatutok sa leeg ang punyal ni Niño. Nagsalita si Jude sa Vallian na sinagot naman ni Niño. "Kumalma ka, Budz pakiusap! Ayokong saktan ka!" wika ni Niño. "Master Niño, ako na pong bahala sa kanya," ani Fido na lumapit kay Jude at pinalibutan ng Healing Mist si Jude. Muling bumalik at kumalma si Jude. Naramdaman naman ito ni Niño kaya umalis sya sa pagkakasaklang kay Jude. Nanlalambot ang pakiramdam ni Niño noon na halos matumba sya. Inalalayan sya ni Fin. "Wolf Leader, this is Arrow. Need some assistance," ani Niño. "I'm on my way," ani Tommy. Umupo si Jude noon na inaalalayan ni Fido. Sumuka ito ng dugo na kaagad namang pilit na tinago kay Niño. "Huwag mong sasabihin ito kay Niño. Mag-aalala lang lalo sila," ani Jude. "Master Nathan, mas makabubuti po na huwag nyo munang gamitin ang kapangyarihan mo at ni Fin. Baka tuluyan nyo itong ikapahamak. Ang karaniwang pagkakarga na lang ng pana ay halos hindi nyo makaya. Tandaan nyo nararamdaman din iyan ni Master Niño," mungkahi ni Fido habang inaalalayan si Jude. "Oo. Salamat sa paalala, Fido," ani Jude habang tumatayo. "Budz, ayos ka lang?" tanong ni Jude. "Oo. Pinagod mo ko," reklamo ni Niño na nilabas ang inhaler nya at humigop sa inhaler ng gamot.  Nagpump pa sya nang isa. "I'm sorry. Hindi ko alam. Anong nangyari?" tanong ni Jude. "Inatake mo si Master Niño, Master Jude dahil sa Blood Moon," wika ni Fin. "Pasensya na," sabi ni Jude na natumba.  Kaagad syang nasambot ni Tommy. "Ayos na ako. Budz, ayos ka lang?" tanong ni Niño na nag-aalala "Nanlalambot ako," mahinang wika ni Jude. "Mabuti pa bumalik na tayo sa HQ. Tapos na po evals. Baka matunugan pa tayo ng mga Greems," payo ni Tommy. "Kailangan madepensahan ang ating paligid," wika ni Jude. "Dinispatch ko na sina Levi, Andy, Polly at Ivan. Sila na bahala rito. Tayo na," lahad ni Tommy. Nagteleport ang lima pabalik sa HQ. Lumitaw sila sa hallway. Inaalalayan ni Fin si Niño habang sina Fido at Tommy ay nakaalalay kay Jude na biglang nawalan ng malay. "Alexi!" tawag ni Niño na nag-alala. Lumitaw si Alexi. Nabahala sya nang makitang walang malay si Jude. "Dalhin natin sila sa Infirmary," wika ni Alexi. Sa Infirmary, kaagad namang sinuri ang dalawa ng mga Healers. "Fin, Fido, magpahinga na kayo," utos ni Alexi. "Hindi ko po muna iiwan si Master Nathan. Kasalanan ko ito," tanggi ni Fin. "Huwag mong sisihin ang sarili mo, Fin," ani Niño na kahit medyo hirap sa paghinga. "Sige. Magpahinga ka na Fido," wika ni Alexi. Naglaho si Fido. "Tommy, bumalik ka na sa Unit mo. Ako na bahala sa kanila. Maraming salamat sa pag-alalay," ani Alexi. "Sige po. Susundan ko lang po ulit ang tropa," paalam ni Tommy na naglaho. "Magpahinga na kayo. May PDE pa kayo. Ihahatid ko na kayo mamaya sa palasyo kapag naka-recover na kayo," wika ni Alexi. "Salamat, Kuya Alexi," ani Niño na pumikit. "Fido, anong nangyari?" tanong ni Alexi. Hinawakan ni Fido ang balikat ni Alexi at pinakita lahat ang nangyari. Nang matapos ay bumitaw ito. "Masama ito. Hindi muna dapat magamit ni Jude ang lakas nyo. Naisasakripisyo nya ang katawan nya. Pinipigilan ng sumpa ang paggamit nya ng lakas," sabi ni Alexi sa sarili. Tumango si Fin. "Huwag kang mag-alala. Hindi papatalo si Jude sa Blood Moon," ani Alexi. Ilang saglit pa ay gumalaw si Jude at tumagilid bago nagmulat ng mata. Umubo ito bago dahan-dahang bumangon. "Prinsipe Nathan!" wika ni Fin na kaagad umalalay kay Jude. "Fin, Kuya Alexi. Ano pong nangyari?" tanong ni Jude. "Nawalan ka nang malay habang nag-teleport. Magpahinga ka pa muna. Pagkagising ni Niño babalik na tayo sa palasyo," kwento ni Alexi. "Ang mabuti pa ay uminom ka muna nang tubig," ani Alexi na inabutan sya ng tubig mula sa Phoenix Well. Uminom si Jude ng kaunti bago tumigil. "Sobrang pait," reklamo ni Jude. "Mapait 'yan kapag may sumpa ang umiinom. Kapag napasok ng masamang espiritu mainit ang pakiramdam nakakapaso. Kailangan mong tiisin para maubos yan, Master," paliwanag ni Fin. Muling ininom ni Jude ang tubig at pilit inubos kahit nasusuka na sya. "Mukhang hindi ka nakainom ng sapat na tubig kanina," sabi ni Alexi. "Medyo abala po dahil sa misyon," ani Jude. "Pag-ingatan mo ang sarili mo. Ramdam lahat ni Niño ang nangyayari sa katawan mo. Hindi simpleng PDE ang nararamdaman nya. Halong panghihina at PDE ang nangyayari. Sa tuwing pinipilit mong gamitin ang kapangyarihan mo ay hinihigop mo ang lakas nya nang hindi nya sinasadya," paalala ni Alexi. "Naintindihan ko po," ani Jude, "Fin salamat sa pag-aalala mo. Magpahinga ka na."  "Masusunod po," ani Fin na naglaho. "Magpahinga ka muna pagkaraan ng sampung minuto, gigisingin ko na si Niño," wika ni Alexi Makaraan ang sampung minuto ay ginising ni Alexi si Niño at bumalik sila sa palasyo. Pagdating doon ay dumiretso si Niño sa kwarto nya at ihinatid naman ni Alexi sa kwarto si Jude. Nang hapong iyon kumatok si Jessie sa kwarto ni Niño. "Pasok!" utos ni Niño. Pumasok si Jessie. Nakita nya si Niño na nakaupo sa harap ng fireplace naghihilot ng sentido. Nang makita nya si Jessie ay tumigil ito. "Kamusta ang araw mo?" tanong ni Niño na ngumiti.  Niyakap nya ang kapatid na umupo sa tabi nya. "Ayos lang po. Kayo po?" tanong ni Jessie. "Medyo pagod. Pero nakita na kita kaya ok na," wika ni Niño. Muling hinilot ni Niño ang kaliwang ulo nya. "Masama pakiramdam mo, Kuya?" tanong ni Jessie. "Masakit lang ang ulo ko," sagot ni Niño. "Hilutin ko," boluntaryo ni Jessie. Lumuhod sa likod ni Niño si Jessie at hinilot ang ulo nya. "Medyo maayos na pakiramdam ko. Magaling ka talagang maghilot. Cien," ani Niño na nginitian ang kapatid. " Nie kelania ," wika ni Jessie na tumabi sa kuya nya. "Nakita nyo po ba si Kuya Ethan?" tanong ni Jessie. "Hindi. Baka lumabas sya," iling ni Niño. "Baka nga. Wala rin kasi si Kuya Mike at Kuya Drew. Eh si Kuya Nathan po?" tanong ni Jessie. "Nasa kwarto nya, nagpapahinga. Medyo masama pakiramdam kanina," sagot ni Niño. Isang katok ang gumambala sa usapan nila. Pumasok si Rica. "Paumanhin po. Pinatatawag na po kayo ng reyna para sa miryenda," wika ni Rica. "Sige po. Susunod na kami, Ate," ani Niño na tumayo, "Ang mabuti pa puntahan natin si Kuya Nathan mo sa kwarto." Sa kwarto ni Nathan, naabutan nila na walang sumasagot sa kwarto ni Nathan. "Kuya! Kuya!" tawag ni Jessie. Lumabas si Nathan mula sa banyo. "Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Nathan kay Niño. "Ayos na," sagot ni Niño. "Eh, ikaw kuya? Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Jessie. "Maayos na," tugon ni Jude. "Kuya bakit mapula ang kalahati ng mata mo?" tanong ni Jessie. "May sinusubukan lang kami na bagong contacts. Nagbabago ang kulay nito depende sa pangangailangan. Nagmalfunction ata itong suot ko," palusot ni Jude. "Ah ganun ba? Tayo na po. Pinasusundo na tayo ni mama para sa miryenda," wika ni Jessie. "Sige," ani Jude na umubo. Napahagod si Niño sa dibdib nya. "Kuya, ayos ka lang?" tanong ni Jessie. "Ayos lang. Tayo na," ani Niño na ngumiti. Lumabas ang tatlo sa kwarto ni Jude. Nauna nang naglakad palayo si Jessie patungo sa garden area. "Budz, ayos ka lang?" tanong ni Jude. "Oo. Ikaw ang gusto kung tanungin nyan," sagot ni Niño. "Maliban sa kaunting kirot ng ulo, ayos lang," wika ni Jude. "Mga kuya bilis, nagugutom na ko," inip na sabi ni Jessie. "Andyan na!" ani Niño na tumakbong palapit kay Jessie. Sumunod naman si Jude. Kinagabihan, sa dining table ay sabay-sabay na kumain ang mag-anak. Pagkatapos ng hapunan ay kaagad tumayo si Jude. "Excuse me po. Mauna na po akong magpahinga. Medyo masama po kasi ang pakiramdam ko," paalam ni Jude na tumayo at lumabas ng dining area. Tatayo din sana si Niño para sundan si Jude pero pinigilan sya ni Ricky. "Iche-check ko po sya," paalam ni Niño. "Hayaan mo muna sya," iling ni Ricky    ..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD