Sa Family Room, nakapwesto na ang hari, reyna sa sofa. Sina Jessie, Ricky at Jude naman ay nasa lapag nang dumating si Niño. "Nagsisimula na po ba?" tanong ni Niño na umupo sa tabi ni Jude. "Sakto ka lang, Budz. Magsisimula pa lang." ani Jude. Palihim na inabot ni Niño kay Jude ang mini player nya. Sumenyas si Niño na ilagay sa kanang tainga nya palihim ang bluetooth headset nya. Tumango si Jude. Ginawa ito ni Jude bago pinindot ang play button. Narinig ni Jude sa headset ang boses ni Jaja na umaawit. Napakalma ng awit ang kalooban ni Jude habang nanonood sila ng pelikula. Natapos ang pinapanood nila na nag-enjoy ang lahat. Nagkwentuhan matapos ang panonood. Tumunog ang hudyat ng alas diyes. "Oras na para matulog, Jaja," anang reyna. "Maaga pa, Ma!" protesta ni Jessie. "Tapusin mo la

