Naglaho ang tatlo at nagbalik sa palasyo. Paglitaw nila ay natumba si Niño na nasalo naman ni Ricky na nasa kanan nito. Inakbayan ni Jude si Niño sa kaliwa nito.
"Steady!" wika ni Jude kay Niño.
"Kailangan mong magpahinga," ani Ricky.
Sinalubong sila ni Alfred.
"Mga Kamahalan, maligayang pagbabalik," bati ni Alfred, "Ano pong nangyari kay Prinsipe Niño?" usisa nito.
"Nanibago lang po ako," sagot ni Niño.
"Ang mabuti pa ay ihahatid ko na ang mga Prinsipe sa kanilang silid para makapagpahinga," wika ni Drew.
"Prinsipe Ethan, hinahanap po kayo ng Heneral Emir," sabi ni Alfred.
"Salamat, Alfred. Susunod na ako. Ihahatid ko lang si Niño sa kwarto nya," wika ni Ricky.
"Sige na. Ako na maghahatid kay Niño. Susunod ako sa'yo," boluntaryo ni Drew.
"Kami na bahala kay Niño, Kuya," ani Jude.
"Sige. Nasaan ang heneral, Alfred?" tanong ni Ricky.
"Nasa receiving room po," sagot ni Alfred.
"Pakisabi kay Kuya Emir na magpapalit lang ako ng damit," bilin ni Ricky.
"Masusunod po," ani Alfred na kaagad lumayo sa kanila.
"Sigurado ka?" tanong ni Ricky kay Drew.
"Kaya na namin si Niño, Bro. Kailangan lang nya ng pahinga. Ipapatawag ko din si Ate Sandy para suriin sya," tugon ni Drew.
"Oo nga Kuya. Pagod lang ito. Sunod po ako," paniniguro ni Niño na mahina.
"Toyo ka Budz. Halos hindi ka na nga makagalaw, susunod ka? Ako na bahala sa kanya, Kuya," napapailing na wika ni Jude.
"Sige. Balikan ko ang toyong 'yan mamaya. Magpahinga ka, Toyo!" natatawang wika ni Ricky.
Kaagad humiwalay si Ricky na sinundan ng isang security nya. Nagbihis ito bago nagtungo sa receiving room. Naroon si Emir kausap ang kanyang ama. Nagbigay galang si Ricky sa hari bago humalik sa ama.
"Magandang araw, Kamahalan," bati ni Ricky.
"Nakabalik na pala kayo. Nabanggit ng mama nyo na lumabas daw kayo," anang hari.
"Opo. May inayos lang po kami saglit," tugon ni Ricky.
"Magandang araw, Prinsipe Ethan," bati ni Emir na yumukod kay Ricky.
"Magandang araw po, pinatawag nyo daw po ako?" ani Ricky.
"Opo para ipaalam sa inyo ang tungkol sa hiling nyo na security details para sa pupuntahan nyong auction. Sina Levi at Andy ang inyong perimeter at si Mike po ang inyong close-in detail con aide nyo," pabatid ni Emir.
"Oo nga pala. Salamat po," ani Ricky na napalingon sa relo nya.
"O sige. Maghanda ka na para sa lakad mo at mag-ingat ka," anang hari.
"Salamat po, papa. Mauuna na po ako," bigay galang ni Ricky.
Nagtungo si Ricky sa kwarto ni Niño. Marahan syang kumatok bago pumasok sa kwarto. Nakita nya si Jude na pinapatungan ng tuwalya ang noo ni Niño habang marahang binubunot ni Drew ang hiringgilya sa braso nito.
"Kamusta sya?" tanong ni Ricky.
"Nilalagnat sya ngayon, Kuya," wika ni Jude na sumandal sa ulunan ng kama ni Niño.
"Kailangan lang nyang magpahinga. Binigyan ko lang sya nang pampatulog," ani Drew.
"Eh ikaw Jude?" tanong ni Ricky.
"Medyo nahihilo po pero ayos lang," amin ni Jude.
"PDE yan. Ipahinga mo muna," payo ni Drew.
"Opo. Iiidlip ko lang ito," ani Jude na pumikit.
"Maiwan ko muna kayo. Magbibihis lang ako, balikan ko kayo," sabi ni Drew na tumayo at lumapit kay Ricky.
"Ikaw na muna ang bahala sa kanila. Lalabas lang ako para sa auction," bilin ni Ricky.
"Ok. In-advise na ako na si Mike ang makakasama mo ngayon. Mag-ingat kayo," wika ni Drew.
"Salamat," ani Ricky.
Nagbihis si Ricky ng kanyang maong na pantalon at t-shirt na puti. Suot ang kanyang brown na leather boots at baseball cap, sumakay sya sa rover na tumigil sa harap nya.
"Tayo na!" ani Mike.
Sumakay si Ricky sa tabi ng driver side. Umalis sila patungo sa ospital. Pagdating sa ospital ay diretso sila nagtungo sa opisina ng directress. Iginala sila ng Directress sa Cancer Institute at pinakilala sa mga bata bago binigay ang mga items na gagamitin nila. Dala ang items dumiretso sila sa office ng Foundation kung saan nagseset-up na ang mga kaibigan ni Alyssa para sa programa. Naganap din ng hapon na iyon ang auction at sumakay sina Mike at Ricky sa sasakyan nila. Kaagad sumandal si Ricky sa upuan at sinuot ang seatbelt. Pinaandar ni Mike ang kotse nila pabalik sa palasyo.
"Ayos ka lang, tol?" tanong ni Mike.
"Ayos lang. Medyo napagod lang," sagot ni Ricky.
"Pahinga ka muna. Tumawag si Niño, nagpapabili ng paboritong chips ni Mama mo," banggit ni Mike.
"Sige daan tayo sa grocery. Nagbilin din si Jessie nang ice cream," dugtong ni Ricky na saglit na pumikit.
"Copy," ani Mike.
Pagdating sa grocery ay ginising nya si Ricky.
"Ric, andito na tayo," wika ni Mike.
Nagmulat si Ricky at binuksan ang seat belt nya.
"Hala! May media. Anong meron?" usisa ni Ricky.
"Levi, pakitingnan ang 43 sa loob," ani Mike sa transmitter nya.
Binuksan ni Mike ang bluetooth capability ng computer ng kotse. Makaraan ang ilang saglit ay nagsalita si Levi.
"Sir may promotion sa loob kaya may VIP sa loob," ulat ni Levi.
"Makakapasok ba?" tanong ni Ricky.
"74 po ng hindi kayo mapapansin. Masyado maraming tao dito sa loob," wika ni Andy.
"May 14 pa naman ako sa loob. Kailangan kong pumasok," wika ni Ricky sa radyo.
"Huwag ka nang bumaba, Ric. Mahihirapan tayo sa security mo sa loob," payo ni Mike kay Ricky.
"Ako na po ang 14. Bigay nyo lang 43 sa 18 nyo," prisinta ni Levi.
"14. Send ko na lang sa MP mo," tugon ni Mike.
"10-2 po," ani Levi.
Tinext ni Mike kay Levi ang pabili ni Ricky. Makaraan ang ilang minuto ay nakalabas si Levi sa grocery at lumapit sa kotse nina Mike at Ricky. Kumatok sya sa passenger side. Kaagad namang nagbukas ng pinto si Ricky. Inabot ni Levi ang lagayan kay Ricky.
"Salamat," ani Ricky.
"Wala pong problema," sagot ni Levi na ngumiti bago sinara ang pinto ng kotse.
"Sir we need to go nalaman nila na narito tayo," babala ni Andy sa grupo.
"10-4" ani Mike na kaagad pinihit ang susi makina nang kotse at pinatakbo palayo.
Habang nagbibyahe ay nakatulog muli si Ricky. Pagtigil ni Mike sa garahe sa palasyo ay ginising nya muli si Ricky.
"Bro, dito na tayo," ani Mike na tinapik sa balikat si Ricky.
Nagising si Ricky.
"Pasensya na. Antok na antok lang ako. Natulugan tuloy kita," hingi ng dispensa ni Ricky.
"Ayos lang. Tamang pahinga lang para sa'yo. Hindi ka pa raw nakakatulog mula nang dumating tayo," ani Mike habang tinanggal ni Ricky ang seatbelt nya.
"Eh, ikaw?" tanong ni Ricky.
"Nakaapat na oras na 'ko. Mamaya na lang ako babawi. Si Drew nakatulog na nang umalis tayo. Pumasok ka na. Naghihintay na si Jessie sa'yo sa kusina," wika ni Mike.
"Salamat bro," ani Ricky.
"Susunod ako. Enjoy your evening," wika ni Mike.
"Sige bro. Pakisabi sa dalawa na magpahinga na rin kayo. Ako na bahala. Salamat," ani Ricky na binuhat ang lalagyan ng biniling pagkain.
Kaagad syang nagtungo sa kusina kung saan nakita nyang naroon si Jessie na binabantayan nina Drew at Rica.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Ricky kay Jessie.
Kinuha ni Rica ang dala ni Ricky na pagkain at nilagay sa Ref.
"Salamat," wika ni Ricky.
"Brownies po para mamayang gabi," pagmamalaki ni Jessie.
"Bakit hindi mo pa pinagawa 'yan kay Chef Lito?" tanong ni Ricky kay Drew.
"Gusto raw nyang sya ang gagawa," ani Drew na napapailing.
"Nagawa ko na po ito," pagmamalaki ni Jessie.
Nagtungo sa pantry si Jessie para kumuha ng arina at asukal.
"Dahan-dahan, Jaja. Isa-isa lang," paalala ni Ricky.
"Kaya ko po," sagot ni Jessie.
Bigla itong nadulas, napahagis ang arina pataas pati na ang hawak na asukal ni Jessie. Mabilis naman ang reaksyon ni Ricky at nasambot si Jessie. Kaagad namang pinrotektahan ni Drew si Rica.
"Ayos ka lang?" tanong ni Ricky.
"Opo," ani Jessie.
Kumalat ang alikabok sa buong kusina at nabuhusan sila.
"Labas muna lahat," utos ni Ricky.
Lumabas ang apat sa kusina.
"Ayos ka lang?" tanong ni Rica kay Drew na umuubo dahil sa alikabok ng pinaghalong confectionary sugar at arina.
Sumenyas si Drew nang ok sa kabila nang patuloy na pag-ubo nya.
"Inaatake ka na naman ng asthma mo," nag-aalalang wika ni Rica.
"Rica, pakitawag ang tagapaglinis," pakiusap ni Ricky.
"Masusunod po," ani Rica na lumabas saglit.
Ilang sandali ay dalawang katulong na may dalang walis at basahan ang pumasok sa kusina kasunod si Rica.
"Jaja, tumawag na ako sa Cakehouse para sa brownies," banggit ni Ricky na nagpagpag ng bahagya.
"Ayos ka lang ba Prinsesa?" tanong ni Drew.
"Opo, Kuya," sagot ni Jessie.
"Ayos ka lang bro?" tanong ni Ricky na nag-aalala.
Kaagad dumukot is Drew sa bulsa nya ng inhaler nya.
"Medyo ayos na. Kaya ayaw na ayaw ko ang arina. Napakabilis na stimulus sa'kin," sagot ni Drew na umubo muli.
Nagpump si Drew ng inhaler nya pero patuloy itong umuubo.
"Sorry po, Kuya Drew," sising wika ni Jessie.
"Aksidente... Hindi naman sinasadya," ani Drew na umubo muli.
Pagbalik ni Rica ay may dala itong isang basong maligamgam na tubig na may honey at lemon.
"Inumin mo ito baka makabuti nang kaunti," sabi ni Rica na inabot ang baso kay Drew.
Ininom naman ni Drew ang inabot na tubig ni Rica pero dinalahit pa rin ito ng ubo.
"Rica, pakisamahan si Drew kay Ate Sandy sa Infirmary. Medyo malala na 'yan," nag-aalalang sabi ni Ricky.
"Masusunod po, Kamahalan," ani Rica.
"Halika na. Samahan na kita sa taas. Maligo na tayong pareho bago tayo mapagkamalang naglaro sa kusina," yakag ni Ricky na pinagpag ang arina sa buhok ni Jaja.
"Sige po," ani Jessie.
Umakyat ang magkapatid patungo sa kwarto nila. Habang naglalakad sa pasilyo ay nakasalubong nila ang reyna. Nagbigay galang ang magkapatid sa ina pati na rin ang assistant ng reyna sa kanila.
"Anong nangyari sa inyo?" gulat na tanong ng reyna sa kanila.
"Aksidente sa kusina, Ma," sagot ni Ricky.
"Nasaan si Ate Rica mo?" tanong ng assistant ng reyna.
"Pinasamahan ko po si Kuya Drew sa Infirmary. Inaatake po sya dahil sa natapon kong arina," sagot ni Jessie.
"Mukhang magrereklamo na naman si Nana Cena sa ginawa mo sa kusina," anang reyna na napapailing.
"Maliligo lang po kami," paalam ni Ricky.
"Pupuntahan ko lang si Ministro Reia. May inaayos kaming proyekto para sa Reem," anang reyna.
"Sige lang, Ma. Basta po huwag nyong kalimutan ang movie night natin," ani Ricky.
"Oo naman. Huwag kayong mawawala sa hapunan. Nagpaluto ako kay Chef Lito ng mga paborito nyo," anang reyna.
Naligo at nagbihis si Ricky. Napagpasyahan nyang magbasa sa bintana nya ng libro na tinatapos nya. Hindi nya namalayan na nakatulog sya.
Nagising sya nang maramdaman nyang may pumasok sa kwarto nya. Nakakandado ito pero nabuksan ito ng walang susi. Nagbato si Ricky ng isang ballpen patungo sa nagbukas ng pinto. Nasalo ito ni Jude.
"Nakakasakit ito, Kuya!" takot na wika ni Jude.
"Bakit kasi dinistrangka mo yung pinto?" tanong ni Ricky.
"Akala ko may nangyari sa'yo. Kanina pa po akong kumakatok, hindi ka sumasagot. Tapos walang security sa pinto," sagot ni Jude.
"Pinayagan kong dumalo ng security briefing. Nakatulog kasi ako kaya hindi kita nasagot. Pasensya na," ani Ricky.
"Maghahapunan na po. Pinatatawag ka na ni Mama," wika ni Jude.
"Sige tayo na," ani Ricky. Nakalimutan ni Ricky na kalong nya ang libro kaya bumagsak ito pababa.
Nasa kalagitnaan sa ere nang masambot nya ito pero may bumagsak sa sahig na bagay. Isang cute na costumize na bookmark. Dinampot nya ito at nakita nyang may nakasulat sa likod nito.
Enjoy your you time. Reading relaxes you. This serves as a reminder na pwedeng magpause while remembering. Enjoy! Love you- Lilypot.
Napangiti si Ricky.
"Kanino po yan galing? Ang cute naman ng bookmark mo," wika ni Jude.
"Kay Alyssa. Binigay nya sa akin noong minsan magkasama kami," banggit ni Ricky na inipit sa pahinang pinagtapusan nya.
Lumabas ang dalawa patungo sa kusina. Napansin ni Ricky na may kakaiba kay Jude. Sa isang bintana tumigil si Jude at nakatingin sa kalangitan. Bilog ang buwan noon.
"Jude, ayos ka lang?" tanong ni Ricky.
"Ang ganda ng buwan, Kuya!" wika ni Jude na nakatingin sa buwan.
"Blood Moon ngayon!" ani Ricky na naalala.
Kaagad nyang hinarangan si Jude mula sa bintana. Napansin nyang wala na sa focus ang mata nito, nagbago kulay ng mata nito at tulala.
"Nathan! Nathan!" tawag ni Ricky na tinapik ang pisngi ng kapatid.
Nagbabago na ang kulay ng mata nito mula red to brown nang mailayo ni Ricky sa bintana si Nathan. Nagbalik sa kulay brown ang mata nito pero wala pa ring focus ang mata ni Jude. Sinubukan ni Ricky gamitin ang kapangyarihan nya pero walang epekto. Humahangos na dumating si Alexi sa lugar nila.
"Prinsipe Ethan!" tawag ni Alexi.
"Kuya Alexi, si Nathan. Blood Moon nga pala ngayon. Sinubukan ko syang tulungan pero hindi umubra." nababahalang wika ni Ricky.
Hinawakan ni Alexi si Jude sa balikat. Napapikit si Jude na halos matumba. Inalalayan sya ni Alexi.
"Prinsipe Nathan, ayos ka lang?" tanong ni Alexi.
"Ano pong nangyari?" tanong ni Jude na napahawak sa ulo nya.
"Nawala ka sa sarili. Blood Moon ngayon," paliwanag ni Ricky.
"Salamat po, Kuya Alexi," ani Jude.
"Mabuti pa ay samahan ko na kayo sa hapag kainan," wika ni Alexi.
Pagdating sa dining area ay naroon na ang buong pamilya maliban sa kanila. Kaagad naupo si Jude sa tapat ni Niño.
"Bakit ang tagal nyo?" tanong ni Jessie na maiinip na.
"Pasensya na po. Nagkaaberya kasi kanina. Blood Moon po kasi," banggit ni Ricky.
Nabahala ang hari at reyna at bakas ito sa mukha nila ng marinig ang sinabi ni Ricky.
"Huwag po kayong mag-alala. Napigilan na po ni Kuya Alexi," wika ni Ricky.
"Salamat, Alexi," anang hari.
"Wala po iyon, Kamahalan. Ilayo nyo po muna sya sa bintana at huwag nyo po muna syang payagang lumabas nang walang kasama," ani Alexi.
"Salamat muli," anang reyna.
"Kumain na tayo," anang hari.
Nagdasal ang pamilya at kumain. Pagkatapos ng hapunan ay tumayo ang buong pamilya.
"Pili na kayo ng pelikulang papanoorin natin. Jaja, isama mo sina Mama at Papa. Susunod ako. Kukunin ko lang ang popcorn na pinaluto ko," wika ni Niño.
"Basta iwan nyo lahat ang cellphone nyo sa kwarto," bilin ng reyna.
Narinig iyon ni Emir na napangiti.
"Hayaan nyo, Kamahalan. Sisiguraduhin ko pong walang gagambala sa inyong gabi," paniniyak ni Emir.
"Gaya nang sinabi ko, kanselado lahat ang aking appointment. Emir, ikaw na muna ang bahala," anang hari.
"Opo, Kamahalan," ani Emir.
Pagkaalis ng hari at reyna, kasunod si Jessie ay kaagad lumapit si Alexi kay Jude.
"Prinsipe Nathan, ayos ka lang?" tanong ni Alexi.
"Hindi ko maintindihan ang pakiramdam," amin ni Jude na hinagod ang braso nya.
"Kailangang mapakalma mo ang sarili mo, Jude," paalala ni Ricky.
"May kukunin lang ako sa kwarto ko. Magkita tayo sa family room," ani Niño.
"Ako na magdadala ng pagkain," tango ni Ricky.
Kaagad umalis si Niño at tumakbo patungo sa kwarto nya.