Kinagabihan, narinig nina Joey at Drew na umaawit ng mahina si Jessie. Nilapitan sya ni Joey. Naupo si Joey sa tabi ng kama ni Ricky katabi ni Jessie. "Napakaganda naman ng awit mo," masayang puri ni Joey. "Salamat po. Paborito naming kantahin ni Kuya Ethan 'yun," wika ni Jessie na napangiti. "Sa wakas, nakakita ako ulit ang ngiti . Buong araw ko na iyang hinahanap," puna ni Joey na ngumiti. Napangiti si Jessie at niyakap ang dalaga. "Napakaganda ng ngiti mo, nagpapagaan ng puso. Ngayon alam ko na ang dahilan kaya pala ayaw ni Ethan sumisimangot ka," sabi ni Joey. "Salamat po. Iba ang sinasabi ni kuya sa akin, sabi nya mukha akong busangot kapag nakasimangot ako," ani Jessie. "Sowul talaga 'yang si Kuya mo," natatawang wika ni Joey. "Sowul?" tanong ni Jessie na nag-uusisa. "Makul

