Chapter 18 Public Apology

2000 Words

“Good girl!” sambit ni Ashton. “By the way, sa akin ka sa weekends, ha?” Nakababa na ako pero nangunot ang noo ko nang tumingin sa kaniya. “Ha? Bakit? May trabaho ako, eh…” sabi ko. “Basta! May surprise ako sa ‘yo!” sabi lang niya. Nag-aalangan pa rin ako kaya hindi ko magawang sumagot kung puwede ako o hindi. Sa halip ay muli na akong nagpaalam bitbit ang lahat ng mga pinamili niya para sa akin kanina. Pagpasok ko pa lang sa apartment, parang sabay-sabay nang bumagsak sa katawan ko ang lahat ng pagod ko. Tahimik ang paligid… walang ilaw sa maliit na sala kundi ang liwanag galing sa kusina na naiwan kong bukas kahapon pa. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at isinandal ang noo ko roon sandali, saka huminga nang malalim. Saka ko lang napansin ang mga paper bag na dala ko. Isa-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD