Para nabunutan ng tinik ang mga nang-api sa amin ni Melody. Isa-isa silang yumuko bilang pasasalamat, saka umatras palayo… maingat ang galaw nila… parang ayaw nang makatawag-pansin kahit ang lahat ay nasaksihan ang ginawa nila. Pagkaalis nila, saka lang ako napaupo ulit. Napahawak ako sa dibdib ko. “Mel,” mahina kong sabi, “ang gaan sa pakiramdam.” Ngumiti siya. “Oo. Parang biglang natanggalan ng bigat dito.” Itinuro niya ang dibdib. Ang ibang nasa canteen ay hindi pa rin makahuma. May napapailing at may ilang nagbubulungan. Hindi na namin pinansin pa ang mga iyon. Nagpatuloy kami sa pagkain, mas magaan ang loob at mas tahimik ang isip. At least natapos na ang madilim na bahaging ito ng buhay namin ni Melody. Tahimik at payapa ang maghapon. Inantok pa nga ako sa ibang klase ko kasi n

