That question blown her mind. Napakasimple lang ng tanong na ito. Ang kailangan niya lang ay sagutin ito ng oo o hindi, pero hindi niya alam kung paano. It was like answering a long equation with a given choices but no formula. Hinding-hindi niya malalaman kung paano makukuha ang tamang kasagutan sa tanong na ito. "Please answer me. Mahal mo pa ba ako, Camille?" She took a deep breath before giving him the right answer she thought. "Hindi... hindi na, at araw-araw kong pinagsisihan kung bakit kita minahal. Kung nalaman ko lang nang mas maaga ang nararamdaman ni Kyle para sa akin.... mas pipiliin kong mahalin siya kaysa sa katulad mo." Napakahirap para sa kan'yang sabihin ang mga salitang iyon, dahil para bang sinasaksak niya na rin ng kusa ang kan'yang sarili. Pero pinili niyang tigasa

