"Hoy! gising, may dalaw ka." Napabangon si Marcus nang marinig ang malakas na sigaw ng pulis. Agad niyang nakita ang malapad na ngiti ni Ashley nang makalabas siya. "Nagluto ako ng adobo. Bilis! tikman mo," magiliw nitong sabi sabay lapag ng baunan sa mesa. "Wala akong gana," he said coldly. "Ito naman, sige na. Pinaghirapan ko 'yan eh." Dahil sa kakulitan nito'y napilitan na lamang siyang kainin ang dala nitong pagkain para sa kan'ya. Alam niya kasing 'di talaga ito titigil hanggat 'di niya ito pagbibigyan. "Kumusta? Pumayag ba siya?" He sighed quietly trying to hide the frustration he felt. "Hindi," mahinang sagot niya. "Ano? Eh, putang*na naman pala siya eh! Ano pa bang pinag-iinarte niya? 'Di niya ba naisip kung gaano kahirap at delikado ang ginawa mo para lang makatakas at

