Michiko’s POV Halos hindi nga ako kumikilos noong isinabay ako ni Tita Cara sa sasakyan nila para dumiretso sa bahay nila at para kumain kasama sila. Sinabi ko naman kaagad kay Jiro na um-order na lang ng pagkain kapag tinatamad siyang magluto dahil baka ang mapili pa niyang iluto ay ang pagkain na hindi puwede sa kanya. Pasaway pa naman ang kapatid ko na iyon. Nagtanong pa siya kung bakit hindi ako sa bahay kakain kaya sinabi ko na kasama ko ang Mommy ni Caelen at doon ako maghahapunan sa kanila at ang isinagot ba naman sa akin ay, “Hala! Isusumbong kita kay Kuya Euan! Hindi ka pa puwedeng mag-asawa, ah!” Nagbibiro lang naman siya pero sigurado ako na sasabihin niya kay Kuya Euan na kina Caelen ako kakain ngayon. Hindi naman kami nag-uusap ni Tita Cara habang papunta sa bahay nila at da

