Michiko’s POV Hindi ngayon makapupunta si Caelen sa flower shop dahil tinatapos nila ni Kuya Euan ang rest house namin sa Tagaytay at silang dalawa ay nagdesisyon na huwag muna akong isama para masopresa naman daw ako kapag nakita ko iyon na tapos na kaya hinayaan ko na sila at niloloko pa ako ni Caelen na bonding na rin daw nila iyong dalawa. Kanina naman ay tumawag siya para sabihin na pauwi na rin sila ngayon sa Baguio pero hindi siya makapupunta sa flower shop para makapagpahinga. Sinabi ko rin naman na huwag na siyang magpunta rito dahil gusto ko rin naman na nakapagpapahinga siya. Hindi naman namin ginawang issue sa pagitan naming dalawa ang naging pag-uusap nila ni Melody. Pagkatapos nilang mag-usap ay pumasok na siya sa flower shop at hindi na rin naman namin inusisa ni Charlott

