Chapter 5

1924 Words
Michiko’s POV Kahit tapos na ang trabaho ko rito sa Makati ay mananatili pa ako para naman magkaroon ako ng pahinga. Isa pa, gusto kong lumibot dito dahil minsan lang naman din akong bumaba sa Baguio para makarating sa ibang lugar. Dahil tanging si Caelen lang ang kilala ko sa lugar na ito ay kinulit ko pa siya kagabi na kung puwede ay samahan niya akong mamasyal, iyon ay kung hindi lang naman siya busy sa trabaho pero bago ko pa siya mapapayag ay nagpapilit pa siya. Hindi rin naman ako umaasa na sasamahan niya ako lalo na at nasira ko pa ang ginagawa niya at alam kong madaragdagan ang trabaho niya dahil sa nagawa ko. Surprisingly, napapayag ko si sungit pagkatapos na matagal napilitan! At ngayong araw nga ay magkikita na kami pero aalis na ako ngayong umaga sa condo dahil hapon pa naman ang usapan naming dalawa, ang plano ko ay maglilibot pa rin kahit na mag-isa lang ako. Sayang naman kung hihintayin ko pa siya at hapon pa ako magsisimulang gumala, ayaw ko naman na maghapong humiga sa kama at magkulong sa condo na iyon. Napahinto nga ako at nagtaka lang din ako na nandito na siya ngayong umaga. “May gagawin ka pa ngayong umaga, hindi ba?” “Oo,” sagot niya. “Kung may gagawin ka, bakit nandito ka ngayon?” I asked. “May gagawin nga ako, may makulit na babae akong ipapasyal dahil pinilit ako nito na makipag-date sa kanya. Ayaw ko nga sana pero dahil magaling siyang mamilit ay pumayag na ako. Pagbibigyan ko lang, minsan lang siya mag-aya na makipag-date sa akin.” Feel na feel din ng isang ito, ’no? At ako pa ang tinutukoy niyang makulit? Hindi kaya ako nangungulit. Dahil big time itong kasama ko ay hindi naman kami nagkaroon ng problema sa transportasiyon. Itinanong lang niya kanina kung saan daw ba ako dapat magpupunta kung ako lang mag-isa ngayon para puntahan na namin ngayon. “Sa National Museum sana ako magpupunta dahil kung hapon pa tayo magkikita ay baka maabutan na tayo ng pagsarado.” “Okay, iyon ang una nating pupuntahan.” Excited ako kaya hindi ko na iyon itinago sa kanya, napangiti na lang din siya sa pagka-excite ko ngayong araw. Mayroon namang ganito sa Baguio pero dahil sa mga nakita kong larawan mula sa mga kaibigan ko o nakikitang post ng iba ay ginusto kong mamasyal doon. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Caelen na mahilig akong magsabit sa bahay ng mga larawan naming magkakapatid kaya siguradong matutuwa rin ako sa makikita ko sa museo na iyon. Gusto ko lang talagang masulit ang pananatili ko sa lugar na ito at saka pati na rin ang oras na kasama ko siya. Mahirap na, baka sa susunod na pagkikita namin ay sungitan na naman niya ako. MABILIS LANG ANG NAGING biyahe namin pero hindi ko namalayan na nakatulog ako! Kanina lang ay nag-uusap kaming dalawa pero dahil napuyat kami kagabi ay nakatulog ako habang nasa biyahe. Sabi na nga ba, hindi ako puwedeng maging driver dahil antukin ako sa biyahe. “We’re here. Wake up, Michiko,” sabi niya sa akin habang bahagyang niyuyugyog. Hindi ko alam kung gaano katagal na siyang nanggigising pero noong narinig ko iyon ay kaagad naman akong dumilat. “Sorry! Ginawa na nga kitang driver pagkatapos ay tinulugan pa kita. Kanina pa ba tayo nandito?” tanong ko habang tinatanggal ang seatbelt at tumitingin sa paligid. “It’s okay, kadarating lang natin. You don’t have to panic,” sabi pa niya na halatang kalmada pa rin at hindi ako minamadali. Lumabas na siya sa sasakyan at pinagbuksan pa ako ng pinto, hindi lang naman ako nakababa kaagad dahil bahagyang inayos ko lang ang sarili ko. Baka biruin pa niya ako mamaya na hinihintay kong pagbuksan niya ako ng pinto! “Thank you,” sabi ko pa noong nakababa na ako. Kaagad naman kaming pumasok doon at hindi nga ako nagkamali na mag-e-enjoy ako dahil may nagbago na kaagad sa itsura noon kumpara sa mga nakita ko mula sa mga kaibigan ko. Sa totoo lang, malaki ang improvement ng disenyo ng mga muwebles na nandito. “Architect Caelen, ano ang masasabi mo sa lugar na ito?” tanong ko sa kanya. Ayaw niya na tinatawag ko siyang Architect Caelen kahit iyon naman talaga ang tawag ng karamihan sa kanya. Masyado raw iyon pormal para sa amin at ayaw niya na nagiging pormal ako sa kanya. Kapag tinatawag ko siya ng ganoon ay hindi niya ako pinapansin kagaya na lang nga ginawa niyang pangde-deadma sa akin ngayon! Naglakad papunta sa mga painting! Hindi ako hinintay! “Caelen!” pagtawag ko sa kanya pero hindi sobrang lakas para hindi makaabala sa ibang tao. Kaya ko rin naman naisip na puntahan ang National Museum ay dahil sa iba’t ibang klase ng art na makikita rito. Nagkataon lang na kasama ko si Caelen ngayon na mahilig din sa art kaya hindi na ako pinapansin! Panay ang tingin at lingon lang niya sa mga nandito na maging ako ay namamangha. Bakit may mga ganito silang talent, ’no? Sobrang nakabibilib! Hindi naman kami nagtagal sa National Museum pero parehas kaming nag-enjoy sa lugar na iyon. Paalis na nga kami ni Caelen at naglalakad habang nakikipag-usap ako sa kanya, medyo nahuhuli siya kaya nakalingon ako sa kanya. Nabigla na lang ako noong bigla niyang hinawakan ang kamay ko pagkatapos ay sa sobrang lakas ng pagkakahatak niya ay napayakap ako sa kanya! Nakahihiya iyon! Nang maamoy ko ang pabango niya ay kaagad naman akong lumayo sa pagkakayakap ko sa kanya. Ganoon ba talaga ang gagawin mo, Michiko, kapag may humatak sa iyo? May kasama ba talagang yakap iyon? Parang baliw naman ako sa pagkausap sa sarili ko dahil sa biglaang pagyakap kay Caelen. “Alam kong gusto mong nakikita ang mukha ko pero tumingin ka sa dinaraanan mo,” paalala niya sa akin. Kaya pala niya ako hinila ay dahil may grupo ng mga lalaki na nakatayo sa harap ko at kung hindi niya ako hinila ay nabunggo ko na ang likod ng isang lalaki. “Ikaw kasi! Bakit ba ayaw mo akong sabayang maglakad diyan? Bakit nagpapahuli ka pa?” Ngumiti lang siya pero naglakad naman ulit. Panay ang ngiti, ah? Baka naman masanay ako sa ngiti na iyan? At sana sinasagot niya ang mga tanong ko, hindi ba? Nang makasakay na kami sa sasakyan niya ay biglang tumawag si Kuya Euan, nakalimutan ko palang sabihin sa kanya na kasama ko na si Caelen. Ang alam lang niya ay hapon pa kami magkikita ni Caelen. “Michiko, nasaan ka? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?” Ganiyan ang salubong niya sa akin! Kahit nga hindi ko idikit ang cell phone sa tainga ko ay maririnig ko siya. “Sinabi ni Charlotte na may ka-date ka riyan. Bakit diyan pa kayo nag-de-date? Hindi ba kayo puwede rito na magkita? Hindi ka nagsasabi sa akin, ah.” Dahil sa pagngiti na ginawa ni Caelen ay alam kong narinig niya rin ang mga sinabi ni Kuya Euan. Iyan ang sinasabi ko na mas lumala ang pag-usisa niya sa love life ko na wala naman! Assumera rin itong si Kuya Euan, eh! Inilipat ko sa kabilang tainga ang cell phone at hininaan ang volume para hindi na marinig ni Caelen kung ano ang sasabihin pa ni Kuya Euan. “Nasaan ba ang kasama mo? Ipakausap mo nga sa akin!” “Seryoso ka ba, Kuya Euan? Hindi ko naman ka-edad si Tovee at kilala ko naman siya.” “Ipakausap mo ako sa kanya,” sabi ulit niya. “Kuya, hindi naman na iyon kailangan. Ako ang nakiusap sa kanya na samahan akong mag-ikot dito. Kuya naman, eh!” Nakatingin ako kay Caelen at nagtanong siya nang pabulong. “Bakit? Pinagagalitan ka ba niya?” Pinindot ko muna ang mute para hindi marinig ni Kuya Euan na nag-uusap kami ni Caelen. “Gusto ka raw niyang kausapin,” sagot ko sa kanya. “Iyon lang pala, eh. Puwede naman kaming mag-usap. Bakit ayaw mo akong ipakausap sa kanya?” Mayamaya ay nagsalita ulit si Kuya Euan at hinahanap na niya si Caelen kaya ibinigay ko na lang kay Caelen ang cell phone ko at nag-usap talaga sila. Noong una ay hindi naman nagsasalita si Caelen pagkatapos ay “okay” lang ang naririnig ko sa kanya pero mukhang may kasama pang sermon si Kuya Euan kaya ang tagal niyang nakikinig sa kapatid ko. “I know and I understand. Don’t worry about it. Thank you.” Doon nagtapos ang usapan nila. Binabaan na ni Caelen si Kuya Euan at nagsimula na kaming umalis. Hindi naman siya nagsasalita kaya ako na ang nagtanong sa kanya. “Ano ang sinabi niya sa iyo?” tanong ko. “Pasensya ka na, ah? Ganoon talaga si Kuya Euan kapag nasa ibang lugar ako,” dagdag ko pa. “It’s okay, naiintindihan ko naman at wala ka naman dapat ihingi ng pasensya.” “Ano ang sinabi niya sa iyo?” Nang huminto ulit ang sasakyan ay tumingin siya sa akin pagkatapos ay sumagot ng, “Ang sabi niya sa akin at huwag daw kitang gugutumin.” Tumawa pa siya noong sinabi iyon. “Ano nga, Caelen?” Ang haba ng pinag-usapan nila pagkatapos ay iyon lang ang sinabi? Hindi ako naniniwala! “What? That’s what he really said.” Grabe naman si Kuya Euan! Tumawag lang pala para sabihin kay Caelen na huwag akong gutumin! Kaya ngayon ay kakain na raw kami dahil ayaw niyang magutom ako! Grabe sila sa akin! Magana lang talaga akong kumain. Habang nakahinto pa rin ang sasakyan ay nilingon niya ako at unti-unti siyang lumalapit sa akin kaya unti-unti rin akong napasandal sa kinauupuan ko. He is intently looking at me and I’ve noticed that his eyes fell on my lips and I don’t even understand why I bite my lips! He immediately turns away his eyes from my face. “Wear your seatbelt, Michiko.” Pagkatapos niyang iabot sa akin ang seatbelt para ako na ang magpatuloy sa gagawin niya ay kaagad naman siyang lumayo. Nakita kong nilakasan pa niya ang aircon ng sasakyan niya. Bakit kailangan pa niyang lumapit? Puwede naman niyang sabihin para ako na ang gagawa noon! Hindi ko lang naayos kanina dahil sa pagtawag ni Kuya Euan! “Michiko, you are obviously blushing. I just fixed your seatbelt!” “What? I didn’t say anything!” Naging defensive ako sa tono ng pananalita ko. “We’re going to eat. I think you’re hungry since you’re biting your lips. And why do you have to do that when our faces are still close to each other?” he asked. Bakit ba siya nagagalit ngayon? Baka siya talaga ang gutom! “Why do you have to look at my lips when our faces are close to each other?” I asked too. It was supposed to be a joke since I just mimic him but it sounded so weird! Bakit ko naman iyon itinanong sa kanya? Nakaloloka, ah! Nakahihiya na! Habang tumatagal ay marami na akong ginagawa na nakahihiya kapag kasama ko siya! “Do you really want me to answer that question, Michiko?” Nakangiti pa siya noong nagtanong sa akin kaya sinabi ko na lang na mag-drive na siya dahil gutom na ako! Kagaya ng inaasahan ko ay tinawanan niya ako at sinabi na tama raw ang sinabi ni Kuya Euan at noong itinanong ko naman kung ano iyon ay hindi naman niya ako sinagot! Ano nga kaya iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD