Chapter 4

1555 Words
Michiko’s POV “I have a boyfriend, Caelen,” sabi ko sa kanya noong napansin ko kung saan na papunta ang usapan naming dalawa. Ayaw kong magkaroon muna kami ng ganoong usapan. Ngayon lang ulit kami nagkita kaya mas maganda naman siguro kung hindi namin pag-uusapan ang nakaraan. Nakita kong nakatingin lang siya sa akin at parang gulat na gulat siya. Ganoon ba ka-imposible na magkaroon ako ng nobyo?! Kung makatingin naman siya sa akin ay wagas! Halatang gulat na gulat siya sa sinabi ko! “Caelen! Nagbibiro lang ako, kung makatingin ka naman sa akin, halatang hindi ka kaagad naniniwala. Nakilala mo naman si Kuya Euan, hindi ba? Noong nag-asawa siya ay mas lumala lang ang kasungitan niya!” Natawa naman siya noong binawi ko ang sinabi ko. “Is he still interrogating your visitors?” he asked. Maging ako ay natawa na ginamit niya ang salitang interrogating. Ganoon siguro ang naramdaman niya noong nagpunta siya sa amin para may ibalik na gamit. Hindi ko nga rin alam kay Kuya Euan kung bakit kinausap kaagad siya na parang manliligaw ko na. Nakahihiya talaga iyon kapag naaalala ko! “Yes, you can say that. Kaya nga ayaw ko na may mga kaibigan akong pinapupunta sa bahay dahil akala yata niya ay ganoon kaganda ang kapatid niya para magkaroon ng maraming manliligaw. Nakahihiya kaya iyon lalo na kung hindi ko naman talaga manliligaw!” “But you’re really beautiful,” bulong niya pagkatapos ay sumubo pa ng pagkain kaya hindi ko naintindihan ang sinabi niya. “Ano?” tanong ko dahil alam kong may sinabi siya pero hindi ko lang talaga iyon naintindihan. “Ang sabi ko ay may bumibisita pa rin pala sa iyong lalaki kahit ganoong kasungit ang kuya mo.” Hindi naman ganoon kahaba ang sinabi niya kanina, ah? Kung ayaw niyang ulitin ay hindi ko naman siya pipilitin. Pagkatapos niyang sumagot sa tanong ko ay kumain na ulit siya. Mukhang madalas siya rito dahil kahit hindi siya tumingin sa menu ay alam na niya ang order niya. Akala ko nga ay dadalhin niya ako sa mamahaling kainan dito sa Makati pero mabuti na lang na dinala niya ako sa simpleng kainan. May karamihan ang tao at karamihan sa mga iyon ay magbabarkada na maingay at malakas na nagtatawanan. Mag-a-alas-diyes na pero kapansin-pansin na marami pa ring tao sa paligid at mukhang normal din naman iyon dahil kahit sa mga lugar na dinaanan namin ay marami pa ring tao sa labas. Napansin kong nakatingin lang siya sa akin habang naghihintay ng sagot ko. “Oo, dati mayroon madalas magpunta sa bahay kaya lang dahil wala na akong nakalilimutang gamit sa sasakyan niya kaya hindi na siya bumabalik sa bahay para ibalik ang mga gamit ko,” pabirong sagot ko pa. Ang sabi ko pa naman ay ayaw ko iyong balikan pero ako pa ang nagbalik sa usapan na iyon. Hay naku, Michiko! He smiled. “Are you referring to me?” he asked while still smiling at me. Nakapaninibago ang ganoong pagngiti niya dahil madalas ay seryoso lang ang itsura niya noon. Palabiro naman siya sa amin noon pero parang si Kuya Euan lang din ito na kahit nagbibiro ay madalas na seryoso pa rin ang mukha. “Bakit ka ngumingiti ngayon? Hindi ko na mabilang kung ilang beses kang tumawa at ngumiti ngayon. Nakapaninibago dahil matipid ka naman sa pagbibigay ng mga ganiyan noon, ah?” Kung makapagsalita naman din ako ay parang napakatagal naming nagkakilala noon. Hindi ko alam, sa tingin ko talaga ay kilalang-kilala ko na siya. Siguro ay ganoon talaga ang maiisip kapag lubos na kasundo mo na ang isang tao. Kaya nakalulungkot noong umalis siya na hindi man lang nagsabi sa akin o sa amin nina Charlotte. Nagtatanong sila pero hindi ko rin naman alam ang sagot at kahit isang beses ay hindi man lang nakuhang mag-iwan ng mensahe sa isa sa amin. Sa ganoong paraan ay naalala ko lang ulit kung paano mawalan. “Palagi mo rin naman akong tinatanong ng ganiyan. Hindi naman ako nagtitipid ng ngiti at tawa sa iyo. Kapag may ibang tao lang tayong kasama ay tahimik ako pero kapag tayong dalawa lang naman ay ganito naman talaga ako sa iyo,” sagot niya sa akin. “Palagi mo lang yata akong tinatanong ng ganiyan para paulit-ulit ko rin sabihin sa iyo na hindi ako nagtitipid ng pagngiti sa iyo,” dagdag pa niya. Sabagay, mas madalas lang na may kasama kaming iba noon kaya mas madalas ang pagiging tahimik niya. “Hindi ka nga nagtitipid sa akin kaya nga pati ang pagka-inis mo kanina ay hindi mo naman ako tinipid.” Kaagad namang sumeryoso ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko. Wala siyang magagawa dahil maaalala at maaalala ko pa rin iyon. “Michiko, sorry talaga. Kaya nga tayo nandito dahil bumabawi ako sa iyo, nabigla lang talaga ako kanina.” Tumango naman ako habang nakangiti. Isa pa ito sa napansin ko sa kanya kaya sinabi ko na rin, ganoon kami kakomportable sa isa’t isa. “Alam mo, may napansin din ako sa iyo na kakaiba,” panimula ko. Durugtungan ko na sana pero nagtanong kaagad siya ng, “Ano?” Tumingin ako sa mga mata niya at saka sinabing, “Napansin ko na dumadaldal ka na rin.” Gusto ko sanang idagdag na mas bagay sa kanya iyong pagiging pala-ngiti at pagiging madaldal kaysa sa seryoso na parang dala niya ang problema ng buong mundo. “Ah, iyon ba? Marami nga ang nakapansin sa pagiging madaldal ko. May kaibigan ako na sobrang daldal kaya pati ako ay nahawa na sa kanya. Maging ang pagiging malakas sa pagkain ay nagaya ko sa kanya.” Natawa ako sa sinabi niya. Ako ba ang tinutukoy niya?! Pati ba naman ang pagiging malakas ko sa pagkain ay binanggit niya! “Hay naku, madaldal ako at malakas kumain pero hindi naman kita sinabihan na gayahin mo ako!” He laughed again! Wow naman! May sapi talaga ang isang ito. Sinabihan ko na nga kanina na may saltik pagkatapos ay may sapi naman ngayon ang sinabi ko. Sa guwapo niyang iyan ay talagang nasabihan ko pa siya ng ganoon. Bukod sa angking kaguwapuhan niya ay napukaw niya ang atensyon ko dahil sa pagkakaroon ng kayumangging kulay at napakaraming nunal sa mukha na bagay na bagay naman sa kanya. Talagang napakarami dahil natatandaan ko noong ipinakilala siya sa akin na matagal akong nakatitig sa kanya dahil binibilang ko ang nunal niya sa mukha! Kapag tumatawa pa naman siya ay halos nawawala na ang mata niya, singkit na nga at lalong nawawala kapag tumatawa o ngumingiti siya. “But seriously, Michiko, nagiging madaldal lang din ako kapag ikaw ang kausap ko. Ganoon yata talaga kapag gusto mo talagang kausap ang isang tao.” Yumuko ako saka kumain nang kumain ulit bago magsalita ulit. “Gusto mo ba talaga akong kausap? Kaya pala kanina ay iritable ka sa pagiging madaldal ko. Ang lakas din ng tama mo, ah? Binobola mo na lang yata ako ngayon,” biro ko pa sa kanya pagkatapos ay natuon ulit ang atensyon ko sa pagkain. Totoong masasarap ang pagkain dito. Gusto ko ulit bumalik pero sana ay kasama ko pa rin si Caelen dito. Kung minsan ay hindi lang naman iyong lugar ang gusto mong balikan, puwede rin na gusto mong balikan ang mga ala-ala kasama ang isang tao at hindi ko itatanggi sa sarili ko na masaya na nakasama ko ulit siya. “Paano kung sabihin ko sa iyong malakas talaga ang tama ko?” Hindi ko inaasahan na itatanong niya iyon habang seryoso ang mukha niya kaya pakiramdam ko ay namula naman kaagad ang mukha ko. Grabe, bakit naman ganito ang sinasabi niya? Kanina ko pa napapansin ang paraan ng pagkausap niya sa akin pati na rin sa mga banat niya. Ang ipinagtataka ko nga sa sarili ko ay kung bakit hindi ako naiilang sa kanya kahit na matagal din kaming hindi nagkausap at nagkita. Tumingin akong muli sa mukha niya, inilapit ko pa ang mukha ko para makita siya nang malapitan. I need to change the topic again. “Pero . . . ilan ba talaga ang nunal mo sa mukha, Caelen? Hindi mo pa rin iyon sinasagot, eh.” Kagaya ng inaasahan ko ay ngumiti lang siya sa akin. “Are you still curious of these moles?” tanong niya pero nahiya siya sa pagiging malapit ng mukha namin sa isa’t isa kaya lumayo rin naman kaagad ako. Siya naman ang tumitig lang sa akin bago sabihing, “It’s really nice to see you again, Michiko. Magkikita pa naman ulit tayo kaya sana sa pagkakataong iyon ay parehas na tayong handa.” Nalito naman ako. Ano ang tinutukoy niyang paghahanda? “Handa saan?” “Handang pag-usapan ang nakaraan. Napansin ko naman na iniiwasan mo iyon at kagaya ng dati ay iginagalang ko ang desisyon mo.” Muntik na akong matunaw sa malalagkit na tingin ng singkit niyang mga mata. Handa naman ako, Caelen. Ayaw ko lang itong pag-usapan ngayon para may susunod pa ang pagkikita natin. Ikaw nga itong hindi handa. Kailan ka kaya magiging handa? “You are not avoiding an eye contact right now, Michiko. I like it when you look at me in the eyes too. And . . . I missed you.” Crap!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD