Chapter 3

2116 Words
Michiko’s POV Magkaharap na kaming dalawa ngunit isa man sa amin ay walang nagsasalita. Pinuntahan ba niya ako para titigan? Inuulit ko, naiintindihan ko na pinaghirapan niya ang nasira ko kanina kaya naiintindihan ko rin kung bakit ganoon ang naging reaksiyon niya noong nasira ko iyon. Ang ipinagtataka ko lang ngayon ay kung bakit niya ako pinuntahan at may dala pa siyang bulaklak na ibinigay niya sa akin. “Bakit ka nagpunta rito? Para saan ito?” pagtatanong ko habang itinuturo ang bulaklak na ibinigay niya. Nagkataon pa na ang Tulips na paborito ko ang ibinigay niya sa akin. Hindi ko maiwasan na tingnan ang tattoo ko sa braso na ganoong klase ng bulaklak din. Hindi na rin ako nakatiis sa ginagawa niyang pananahimik. Nagtitinginan lang talaga kami. Alam naman niyang may kadaldalan akong taglay kaya ako na ang nagtanong sa kanya. “I want to apologize for what happened earlier. I’m just tired, stress, confuse and I don’t know. I should not be defending my actions awhile ago. I didn’t mean to shout. I’m sorry, Michiko, kung sa iyo ko naibuhos ang stress ko.” “Naiinindihan ko naman. Kasalanan ko rin naman na basta na lang akong lumapit sa iyo,” sagot ko sa kanya. Naiintindihan kong stress siya pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang magpunta rito para sabihin iyon samantalang puwede naman iyong sabihin over the phone. “That’s not what I meant. Hindi ko naman sinabi na hindi ako masaya na nilapitan mo ako. Sobrang stress lang talaga ako kanina dahil hindi naging maganda ang simula ng araw ko,” pagpapaliwanag pa niya. “Okay lang, Caelen,” sagot ko sa kanya. Galing naman iyon sa puso ko. “Ako nga dapat ang humingi ng tawad dahil nasira ko ang pinaghirapan mo.” Muling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nagkatingin lang kami. Dapat na ba akong umalis? Magpapaalam na nga sana ako na aakyat na ulit pero tinawag niya ako. “Michiko.” “Bakit?” “Are you free tonight?” he asked. Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. “Bakit ulit?” tanong ko ulit sa kanya. “Let’s have a date. Puwede ka ba?” Doon na ako nalito sa sinabi niya. Inaamin ko naman sa sarili ko na baka nga may gusto ako sa kanya pero hindi ako sigurado at hindi naman ako nagmamadali na muling pumasok sa isang relasyon kung hindi pa ako handa. “May saltik ka ba, Caelen? Kanina lang ay parang may sakit ako kung makaiwas ka sa akin pagkatapos ay inaaya mo akong makipag-date ngayon? Daig mo pa ang babaeng mag regla, ah. Parang kanina lang din ay nagtatanong ka pa sa akin kung bakit ako lumapit sa iyo kaya nga nakagugulat na nag-effort ka pang pumunta rito para humingi ng tawad sa naging ugali mo kanina. Alam mo naman siguro ang ibig sabihin ng date? Baka pagkatapos mong magtanong ay bigla ka na naman mawala na parang bula. Kung nalilito ka, sana huwag mo akong idamay sa pagkalito mo.” “Michiko . . . I’m sorry. Nadala lang ako ng stress kaya uminit ang ulo ko. Mag-aaway ba talaga tayo ngayon? Ngayon na nga lang tayo ulit nagkita.” “Ganiyan nga ang naisip ko noong iniwasan mo ako kanina.” “Sorry na, Michiko. Nabigla lang din ako dahil hindi ko inaasahan na makikita kita rito at ngayong araw pa. I’m actually glad to see you. Nagulat lang talaga ako at totoong stress ako sa trabaho. Paulit-ulit na ako, baka hindi ka na maniwala sa dahilan ko.” Actually, hindi naman ako galit sa kanya o kung ano pa man, natutuwa pa nga ako na mahahaba ang mga sinasabi niya ngayon. Tahimik siya kaya nagulat ako sa pagsigaw niya kanina pero mas nagugulat ako ngayon na nagpapaliwanag talaga siya kahit paulit-ulit na. “Ano nga pala ang ginagawa mo rito sa Makati?” “Tingnan mo na, hindi ka pala talaga nakikinig sa akin. Nabanggit ko na iyon sa iyo kanina. But it’s okay, Caelen. Inabala pa nga kita sa trabaho mo kanina.” Kanina ay bahagyang uminit ang ulo ko sa tanong niya pero nag-e-enjoy na ako sa pang-aasar sa kanya at mukhang nakahahalata na siya. “Michiko, please? Sorry na nga.” “Okay na iyon. Naiintindihan ko naman na stress ka talaga kanina. Sorry din na talaga, hindi ko sinasadya na masira ang gawa mo. Paulit-ulit na rin ako ng sinasabi, napansin mo ba?” “Tara na?” Akala ko naman ay nakalimutan na niya ang pag-aaya sa akin. “Naku, hindi na. Ano ka ba? Okay lang talaga.” Puwede naman pala niya akong puntahan pero hindi niya ginawa para mangumusta manlang. Sana ginawa rin niya iyon noong namimiss ko siya. Ay, biro lang pala. Mayamaya ay nakita ko ang pag-ngiti niya. Ang lakas pa rin talaga ng dating ng ngiti niya. “Will you still say no? I’ll treat you to the best restaurant here in Makati.” Wala na, nabanggit na niya ang kahinaan ko at iyon ay ang salitang treat. “Nabanggit sa akin ni Celestine na ikaw lang mag-isa rito kaya wala kang ibang kakilala. Sasamahan na kita, ililibre pa kita. Tara na ba?” Kaya naman pala maganda ang ngiti niya. may balak siya sa akin. Bukod sa mga kapatid ko at malalapit na kaibigan, isa siya sa nang-aasar sa akin pagdating sa pagkain pero madalas naman kami noon na kumain na magkasama. Alam na rin siguro niya na nawala nalang ang pagka-inis ko sa kanya. Ganoon lang ay nawala na ang inis na nararamdaman ko sa kanya. Napangiti rin ako dahil sa sinabi niya bago sumagot ng, “Sige, tara na ba? Nagbibiro lang ako kanina, ah. Siyempre, hindi ko naman iisipin na ang ganiyang itsura ay may saltik. Ekspresiyon ko lang iyon at alam mo naman siguro iyon, hindi ba?” Lumabas na kami habang siya ay tumatawa pa. Aba, achievement na nga na mapa-ngiti at naging madaldal siya pagkatapos ay narinig ko pang tumawa! Iisipin ko nalang na hindi nangyari ang nangyari kaninang umaga. Babawi naman siya, ililibre naman daw niya ako kaya wala na iyon sa akin. Bati na kami. Sino ba ang nagsabi na sasama ang loob ko sa kanya dahil sa pagsigaw niya kanina? Paano ilalarawan ang marupok na hindi sinasabi ang salitang iyon? Ano pa ba? Ang sagot ay M-I-C-H-I-K-O! Ngayon ko talaga napatunayan na marupok ako pagdating sa pagkain kaya palagi na naman akong inaasar ng mga kapatid ko na tumataba na naman daw ako. Ang saya kayang kumain! “You’ve never change,” sabi pa niya bago ako ipagbukas ng pinto ng sasakyan niya. “Hindi rin naman nagbago ang katotohanan na nakabubusog ang pagkain, ah? Saan mo ba ako dadalhin? Alam ni Charlotte na ikaw ang huling kasama ko kaya kung may mangyayaring masama sa akin at kung may balak kang masama ay ikaw lang ang paghihinalaan nila. Umayos ka, ah? Hindi iyan babala, paalala lang iyan. Nakilala mo naman si Kuya Euan, hindi ka makaliligtas kapag may nangyari na hindi maganda sa akin.” Narinig ko naman ang pagtawa niya. Wow, may sapi yata ang isang ito ngayon. Kanina talaga ay umuusok ang tainga niya sa pagiging mainit ang ulo pagkatapos ay tawa nang tawa naman ngayon. “Yes, I’ll take note on that. I’ll make sure that you will be safe with me . . . like I always do, Michiko.” Sabagay, tama naman siya. Kahit ilang buwan ko lang siya nakilala ay malaki na ang tiwala ko sa kanya dahil maraming beses naman niya akong ligtas na inihatid pauwi sa amin at ibinabalik niya ang mga gamit na naiiwan ko sa sasakyan niya. Hindi naman ako burara sa gamit, medyo lang naman. Nanatili siya sa Baguio City noong huling taon ng 2018 para sa isang project nila at nagtagal pa siya roon dahil kinuha siyang architect ni Celestine. Masasabi kong isa siyang matagumpay na architect at responsableng anak. Hindi man siya pala-kuwento pero pala-tanong ako kaya nalaman ko na may kapatid siya at siya ang tumutulong sa mga magulang niya na hindi na niya pinagta-trabaho. Ngingiti siya pero tahimik lang talaga siyang tao. Likas ang pagiging masungit niya pero naging mabait naman siya sa akin. “Kumusta ka?” tanong ko sa kanya. Naitanong ko naman iyon sa kanya kanina pero hindi naman niya ako nasagot nang maayos dahil busy siya. “Okay lang. Ikaw ba? Kumusta?” Kahit ganoon lang ang tanong niya ay naging masaya ako na kinumusta niya ako. Siya na ang Caelen na nakilala ko. “Okay lang din naman.” Nakatingin lang ako sa labas habang nasa biyahe kami. Pagkatapos namin mag-kumustahan ay bigla nalang naging tahimik kaya tanging tunog mula sa radyo ng sasakyan niya ang narinig namin. “I’m sorry, Michiko,” usal niya kaya napalingon ako sa kanya. Iniisip pa rin pala niya iyon. “Huwag mo na isipin. Naiintindihan ko naman kung ba—” Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita dahil itinama niya ang nasa isip ko. “I was not talking about what happened earlier. I was talking about what I did in Baguio. I know I confused you with my actions and I’m sorry for doing that. I was not in the right mind that time.” Tama ba ang pagkaka-intindi ko sa sinabi niya? Wala siya sa katinuan kaya ganoon ang pakikitungo niya sa akin? Parang mas nalito ako sa sinasabi niya. “No, I mean . . . crap, I don’t even know how to explain it.” Lihim akong napangiti noong narinig ko ang salitang crap mula sa kanya dahil sa rami nga puwede niyang matutunan na ekspresiyon sa akin ay iyon pa ang natutunan niya. “Totoo lahat ng ipinakita ko sa iyo, ang ibig kong sabihin ay magulo ang isip ko kaya—” It was my turn to cut him off. “Kaya pagkatapos mong sabihin na nagugustuhan mo na ako at pagkatapos mong sabihin na handa kang iparamdam sa akin na malinis ang intensiyon mo sa akin ay bigla kang nawala?” Tatlong buwan kaming naging espesiyal para sa isa’t-isa at tatlong buwan din kaming walang komunikasiyon, mas mahaba pa ng ilang araw ang pagkawala niya kaysa sa pagkakakilala namin sa isa’t-isa. Inaamin ko naman na natuwa ako sa ginawa niyang pag-amin kaya nabigla rin ako na pagkatapos niya iyong sabihin ay nawala siya. Umiwas ako ng tingin. “Wala ka namang obligasiyon na magpaliwanag sa akin, Caelen. Alam mo naman din ang nararamdaman ko sa iyo pero dahil sa nangyari . . . mahirap nalang din magpaka-siguro na ikaw pa rin ang lalaking nakilala ko sa Baguio. Sa loob ng tatlong buwan, maraming puwedeng mangyari kaya maiintindihan ko kung hindi na ganoon ang nararamdaman mo. Wala ka namang ipinangako sa akin at . . . hindi naman kita hinintay.” Katangahan na naman ang ipina-iral ko. Hindi ko siya hinintay pero inaabangan ko siya. Magkaiba ba iyon? “Mag-enjoy nalang tayong dalawa kagaya ng pag-e-enjoy natin noon.” “Binigyan lang din kita ng oras para hindi mahirapan. Kahit hindi mo naman sabihin sa akin, alam kong naaalala mo sa akin si Vonn kaya nga mabilis kang nagtiwala sa akin. Ayaw ko lang na sa tuwing may ginagawa akong espesiyal para sa iyo ay si Vonn ang naaalala mo. Hindi ko naman hinihiling na burahin mo siya sa isip mo, Michiko. Ang hiling ko lang sa iyo ay makita mo ako bilang ako.” Sabi na nga ba . . . naramdaman niyang si Vonn ang naaalala ko sa kanya. Hindi ko man sinasadya pero nasasaktan ko rin pala siya sa tuwing binabanggit si Vonn sa kanya. Siguro nga ay nakatulong ang pagkakaroon namin ng distansya para malaman ko ang pagkakaiba nila. Si Vonn ay mahal ko . . . pero wala na siya rito . . . samantalang si Caelen ay nandito pa at handang mahalin ako. Ang ibig bang sabihin ay nasa akin na ang mali? “Huwag kang mag-alala, hindi na ako magpapapigil ngayon. Gagawa ako ng paraan para kahit maalala mo pa rin si Vonn, sisiguraduhin kong malalaman mo ang pagkakaiba namin. Iyon lang naman ang hinihiling ko sa iyo, bigyan mo ako ng pagkakataon para makilala mo ako.” “Pero . . . huli na ang lahat, Caelen.” “What do you mean?” “I have a boyfriend, Caelen.” I’m sorry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD