Chapter 15

1190 Words

Michiko’s POV “Kasama ko nga pala si Caelen, ang kaibigan mo . . . at ang boyfriend ko, Vonn.” Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Caelen noong sinabi ko na boyfriend ko na siya. Wala siyang alam sa plano ko dahil ang sabi ko lang naman ay ipakikilala ko siya bilang manliligaw ko at alam ko na naging masaya na siya roon pero ganito naman ang plano ko. Kaya nga ganoon na lang kagulo ang isip ko noong mga nakaraang araw ay dahil sa nararamdaman ko para kay Caelen pero naging magulo lang iyon dahil iniisip ko kung ano ang maaaring maramdaman ni Mommy Ella kapag nalaman niyang nagmahal na ulit ako at nagkataon pa na kaibigan ni Vonn ang taong mahal ko. Malaking bagay iyong sulat na ibinigay sa akin ni Vonn dahil nalaman ko na susuportahan niya ako lalo na sa pagkakaroon ng bagong mahal.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD