Michiko’s POV Ramdam na ramdam ko ang kasabikan ni Caelen noong tumawag ako sa kanya para itanong kung busy pa siya ngayong araw at kaagad naman niyang sinabi na hindi kaya itinanong ko sa kanya kung puwede niya akong sunduin sa bahay at kung puwede kaming lumabas ngayon. Hindi ko pa nga natatapos ang sinasabi ko ay paulit-ulit na ang sagot niya sa akin na puwede kaming lumabas at susunduin na kaagad niya ako. Napangiti na kaagad ako dahil sa paraan ng pagsagot niya. Akala mo ay ang tagal naming hindi nagkita. Pagkatapos ng pag-uusap namin sa cell phone ay nakangiti pa rin ako dahil parang si Tovee na dadalhin sa playground ang tono ng pagiging excited niya. Nakita naman ni Kuya Euan na nakangiti ako habang nakatingin sa cell phone ko. Kung noon ay palagi niya akong inuusisa kung lalaki

