Michiko’s POV Nang makapasok na ako sa kuwarto ko ay inilapag ko sa kama ang sulat ni Vonn. Matagal ko iyong tinitigan bago ayusin ang sarili para matulog na. Pagkatapos naming kumain kanina ay nag-usap-usap pa kami bago tuluyang maghiwa-hiwalay na pumasok sa kanya-kanyang kuwarto para matulog. Nakatulog na si Tovee sa pagod sa pamamasyal nila pati na rin sa paglalaro nila ni Jiro kanina kaya nakatulog kaagad, binuhat na lang siya ni Kuya Euan paakyat sa kuwarto nila. Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay umupo na ako sa kama at muling tumingin sa sulat ni Vonn para sa akin. Napa-buntonghininga pa nga ako at tumitig pa roon bago hawakan ang maliit na envelope. Napansin ko ang panginginig ng kamay ko at pang-gigilid ng mga luha ko. Wala pa nga, eh! Maiiyak na kaagad ako! Sumandal ako sa kama

