Michiko’s POV Gabi na at naghahanda na nga akong mahiga noong narinig ko ang pagdating ng sasakyan ni Kuya Euan. Kaagad naman kaming lumabas ni Jiro sa kanya-kanyang kuwarto namin pagkatapos ay sabay rin kaming lumabas para salubungin sila. Nakita kaagad namin ang excited na si Tovee na kaagad namang yumakap sa amin ni Jiro noong nakalapit na sila. “Gabi na, ah? Ano ba ang nangyari? Bakit ginabi kayo ngayon sa pagpunta rito?” tanong ko sa kanila. “Wala namang nangyari, Michiko. Galing lang kami sa labas at itong pamangkin niyo ay biglang naglambing sa kapatid niyo na kung maaari ay rito kami matulog ngayon. Malapit lang dito ang pinuntahan namin kaya pumayag naman si Euan,” sagot sa akin ni Ate Rosaleen. Napansin namin na tumitingin sa paligid si Kuya Euan at nakita niya ang mga kalat

