Michiko’s POV May pinuntahan ako ngayon at malapit iyon sa bahay nina Vonn kaya naisipan kong bisitahin ang Mommy ni Vonn, si Mommy Ella. Nagulat nga siya sa biglaang pagdalaw ko kaya napahigpit ang yakap niya sa akin. Dahil anak na rin naman ang turing niya sa akin kaya hiniling niya noon na Mommy na lang din ang itawag ko sa kanya. “Nasaan po si Ate Calli?” tanong ko sa kanya habang nakaupo kami sa sala nila kung saan kami madalas mag-asaran ni Vonn noon. “May pinuntahan lang pero siguro ay pabalik na rin iyon. Kumusta ka na ba? Hindi ako nakadadalaw sa flower shop dahil marami rin akong ginagawa.” “Okay lang po, kaya nga po ako dumalaw rito ay dahil malapit na rin naman po itong bahay niyo sa pinuntahan ko. Kumusta na po kayo?” tanong ko sa kanya. Nag-abala pa siyang maghanda ng pag

