Michiko’s POV Naisipan ni Charlotte na bumisita sa Dream Flower Shop ngayong araw at malaki ang pasasalamat ko na dinalaw niya ako. Kanina pa niya pinupuna ang itsura ko at sinasabi pa sa akin na mukhang pagod na pagod ako ngayong araw. Hindi lang naman ang katawan ko ang pagod ngayong araw, maging ang isip ko ay pagod na pagod na. Habang nagmimiryenda kami ay nag-uusap lang kami tungkol sa kung ano-anong bagay na gusto naming pag-usapan. Hindi naman kami nawawalan ng pag-uusapan lalo na kung ang kausap ko ay ang kaibigan kong ito. Hanggang sa napunta ang usapan namin kay Caelen, nabanggit sa kanya ni Jiro ang tungkol kay Caelen kaya noong naalala niya ay tanong na siya nang tanong tungkol sa lalaking iyon. “Ano ba ang nangyari? Hindi ba’t sinabi ko naman sa iyo na huwag ka na magpakipo

