Michiko’s POV Nararamdaman ko na medyo nawawala na rin ako sa mood dahil sa pagiging abala ni Caelen sa cell phone niya na may kinalaman iyon sa trabaho. Paano ba naman ay magkausap kami pagkatapos ay bigla na lang sasabihin na ihinto ko muna ang sinasabi ko dahil kailangan niyang sagutin ang tawag na iyon. Sa halip na excited ako sa kuwento ko sa kanya ay nawawala dahil paputol-putol iyon. Hindi naman sa ayaw ko na nandito siya pero pumunta kami rito para makapag-relax at siya lang ang bukod tanging nandito na abala sa pagtatrabaho. Iyong tipong nag-adjust na kami para sa kanya. Nakaiinis lang pero alam ko naman na ayaw rin niya ang ganito. Humihingi siya ng tawad sa akin at sa iba naming kasama pero halata naman na naaapektuhan na kaming lahat. Akala ko pa naman ay tapos na ang trabah

