Michiko’s POV Mukhang wala sa mood si Caelen ngayon dahil nakikita ko na panay ang pagsagot niya sa tawag sa kanya, marahil ay tungkol iyon sa trabaho kaya wala siya sa mood. Sino ba naman ang mag-e-enjoy na maabala sa munting pagbabakasyon, hindi ba? Mabuti na lang din at may kasama ako sa Dream Flower Shop kaya nakalalaya ako kahit papaano at saka kapag ganitong bakasyon ay hindi ako inaabala. Ganoon sana, iyong kaunting respeto lang sa pagpapahinga ay malaking bagay na. Kung ako siguro ang nasa sitwasyon ni Caelen ay siguradong nagsusungit na ako sa mga taong kasama ko rito. Bigla na lang binitiwan ni Charlotte ang braso ko na parang inihagis pa niya kaya naman napalingon ako sa kanya. “Aray, ah! Masakit kaya iyon! Ano ba ang problema mo?” pagtatanong ko sa kaibigan ko. May nakasasal

