Caelen’s POV Hindi na nakatingin sa akin si Michiko ngayon kahit na nagsasalita pa ako. Simula noong nalaman niya na iniwan ako ni Melody sa mismong araw ng kasal namin ay hindi na niya ako tiningnan. Nakatingin lang siya ngayon sa baba habang ipinaliliwanag ko sa kanya na hindi ko siya magagawang saktan sa ganoong paraan dahil alam ko kung ano ang pakiramdam ng ganoon. “Isa pa, iningatan ka ni Vonn, Michiko. Hindi ko magagawang saktan ka lalo na ang iniisip mong gagawin ko sa iyo. Hindi ko kaagad nasabi sa iyo ang bagay na ito dahil ito ang nakaraan na ayaw kong balikan. Ito rin ang dahilan kung bakit naging ganoon ang pakikisama sa iyo ng pamilya ko. Hindi lang naman ako ang sinaktan niya dahil itinuring siya ng pamilya ko na parang anak na rin kaya sana ay maintindihan mo rin sila sa

