Michiko’s POV Hindi na ulit bumalik si Melody sa Dream Flower Shop pagkatapos namin magkaayos ni Caelen. Sa tingin ko naman ay nakarating na rin sa kanyang kaalaman na naging maayos na ulit kami. Ewan ko na lang kung makaharap pa siya sa akin. Dahil na rin sa sinabi ni Caelen sa akin na nangyari sa kanila noon ay mas naintindihan ko siya lalo na ang pamilya niya kung bakit ganoon na lang nila ako pakisamahan. Kahit sino naman sigurong magulang at kapatid ang makasaksi sa sakit na naramdaman ni Caelen ay ganoon ang magiging pag-aalala sa kanya. At saka nakita nila kung paano niya unti-unting binuhat ang sarili para lang matanggap ang nangyari sa kanila ni Melody. I still don’t completely remember our first meeting since I went to Mount Batulao many times already. Siguro ay mas maganda kun

