Michiko’s POV Nabanggit sa akin ni Caelen ang tungkol sa naging pag-uusap nila ni Mommy Ella na inaanyayahan kami na pumunta sa kanila para makasama namin silang mag-dinner. Noong marinig ko iyon mula kay Caelen ay naging mabilis ang t***k ng puso ko dahil habang sinasabi niya iyon ay nakangiti siya kaya ang ibig bang sabihin ng ngiti na iyon ay naiintindihan na kami ni Mommy Ella? Sa totoo lang ay bumilib din ako sa pagkakatanda ni Caelen sa una naming pagkikita. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit bigla na lang siyang nawala at kung bakit ako kinaibigan ni Melody at kung bakit niya ako kailangang paniwalain na asawa na niya si Caelen. Ganoon na lang ang kagustuhan niyang mabawi si Caelen. Siya naman ang may kasalanan kung bakit ito nawala sa kanya dahil pinangarap na ni Caelen na

