Michiko’s POV Pagkatapos akong sunduin ni Caelen ay dumaan kami kay Vonn pati na rin kina Nanay at Tatay dahil naipakilala ko na rin naman siya sa kanilang lahat. Pupunta kami kina Caelen ngayon dahil may munting selebrasyon sa bahay nila at sinabi niya sa akin na sinabi ng mga magulang niya na anyayahan akong pumunta roon para makilala ng ibang kamag-anak nila. Natatandaan ko pa na matagal kaming nag-uusap doon dahil tinatanong ko siya kung talaga bang sinabi nila iyon o baka siya lang ang may gusto na dumalo ako sa pagtitipon nila. Alam ko naman na may ilang kamag-anak si Caelen na hindi matutuwa kapag nalaman na ang kasama ni Caelen ay ako na bagong girlfriend niya. Baka dapat ko rin asahan ang naging pakikitungo ng pamilya niya sa akin sa magiging pakikitungo ng ibang kamag-anak niya

