Chapter 13

1192 Words
Wala ang atensiyon ni Leandro sa meeting nila ng mga kaibigan. Naroon siya sa Santuario de Santiago, ang dating gubat na naging exclusive leisure club ng mga miyembro sa iba’t ibang panig ng mundo. Malaki ang kinikita nilang bilyon mula lamang sa membership, renewal, at miscellaneous fees. Hindi pa kasama ang mga produkto at serbisyong nakokonsumo ng mga ito sa loob ng Santuario. Lumipad papuntang St. Clare of Assisi Monastery ang isip niya. He could not believe Tiffany was a novice there. The woman who kicked his ass and humiliated him in front of the crowd was totally different now. Despite her simplicity, she has become prettier and younger. Maybe it was the serenity and contentment on her face that captured him. That was the kind of face he wished to see one day when he got home after a long day of work. She would greet him with her sweet smile. She would take care of their kids and make his house a home for their family. Damn you, Leandro! Have you lost your conscience? It ached him knowing he could not do anything to have her back again. He didn’t know what came over him, but he wanted her more. Maybe he was just curious. Maybe he had to be with her again to understand the clamor within her. Once he was okay, she was free to proceed with her vows. He would get back to normal and experience more fun. Napatigil siya sa pag-iisip nang tumama sa mukha niya ang hindi pa nabubuksang pakete ng chips. “What the hell?” Naiiritang napalo niya ang desk niya na nagpatahimik sa nagtatawanan niyang mga kaibigan. “You look like s**t,” nang-aasar na sabi ni Alessandro na nagpatawa kina Donatello at Lucas. “Mukhang in love ka ahh? Totoo ba iyan?” Komikero talaga itong sina Donatello at Alessandro kaya tiningnan niya ang mga ito nang matalim. “Pwede bang manahimik na kayo para magsimula itong meeting,” si Apollo na halatang iritable at namomroblema. Tiningnan niya ang mga kaibigan. Seryoso ang ekspresyon ng mga ito maliban sa tatlong gagong sina Donatello, Lucas, at Alessandro. Kumpleto sila maliban kay Vladimir na abala sa pagsasanay para sa laban nito sa susunod na buwan. Hindi alam ng mga tao na isa ito sa mga may-ari ng Santuario na ipinagpapasalamat naman nito. Sobrang bihira rin kasi itong umuwi ng Pilipinas bagaman ay para silang mga clingy na magkakaibigan na may video chat bawat linggo. Malaki ang kumpiyansa nila sa higante nilang kaibigan na mahusay sa larangan ng boxing hindi lang dahil sa taas at pangangatawan nito. They were all skilled fighters. Sabay-sabay din silang nag-aral ng ilang forms of martial arts at lahat sila ay black belter. Pare-pareho rin silang nagdesisyong sumabak sa West Point Training sa USA. Kailangan nila iyon dahil sila ni Isaac ay parehong pulitiko habang si Lucas ay may mataas na posisyon sa NBI. Si Vladimir ay isang sikat na boxer. Si Apollo naman ay abugado na madalas makatanggap ng death threats sa mga nababangga nitong pulitiko at malalaking businessman. Ang tatlong kolokoy na malakas mang-asar ay gusto lang sumama para cool daw ang mga ito lalo na sa mga chicks ng mga ito. Pilit na lang din muna niyang ibinaling ang atensiyon sa kanilang meeting. Ayon kay Apollo ay may grupo raw ng kababaihan na araw-araw nag-ra-rally sa labas ng Sanctuario. Mahigit dalawampu raw ang mga ito ayon sa security guard. Hindi naman naggugulo ang mga ito at may permit pero nakakaabala sa mga miyembro at baka magkaroon pa sila ng mga issue kahit hindi naman totoo. Inirereklamo raw ng mga ito ang pagiging sexist at chauvinist ng mga may-ari. Mula ang mga ito sa isang pribadong organisasyon na nangangalaga sa karapatan ng kababaihan. Ang hindi niya maintindihan kung bakit kailangan ng mga itong ireklamo na exclusive for men ang Santuario. Ano ba ang dapat patunayan ng mga ito? Bakit ba dumadagdag pa ang mga ito sa problema nila? “Marami namang ibang leisure clubs diyan. Doon sila mag-apply. Para sa mga lalaki lang ito.” “That’s exactly my point. I don’t want to take it seriously since we do not have issues with the legality of our operations. We also adhere to the environmental standards of the environmentalists. But their problem according to them are the rumors of p**********n in this sanctuary. Damn it!” “Where the hell did they get that stupid idea?” Nakakunot ang noo ni Lucas na halata ang pagkairita. Modesty aside, bros, we do not need to lift a finger to get the women we want. They are practically throwing themselves at us.” “Hear, hear,” magkakasabay na ayon nila rito. “Why don’t we just ignore them?” “I told you we can’t afford this stupid accusation to get the attention of the mainstream media. Other feminist groups and government agencies might interfere. Our members may get worried about their privacy.” “Those women,” sabi niya. “Let’s just play dirty to ward them off,” si Donatello. “We don’t do that, ‘tol.” kalmadong sabi ni Lucas. Binuksan ni Apollo ang laptop at LCD projector. Makikita doon ang CCTV footage na nangyayari sa labas. Parang lalo lang siyang na-stress nang makitang mas dumami pa ang mga babaeng raliyista sa labas. Napabuntung-hininga na lang sila sa kawalang-magawa. Lalong kumunot ang noo ni Isaac. “Wait, that’s my Belle,” anitong parang nag-aalala. Hindi naman nakikisali ang babae. Parang inaawat pa nga nito ang ibang babae. “What the hell is she doing here?” “May ipinadala akong dokumento,” balewalang sabi niya. “f**k!” Lalo itong nagmura nang makitang parang nagkakainitan na ang ibang babae at si Belle na ang pinagbalingan. Agad itong tumawag sa security. Kumalma lang din ito nang makitang hinila na papasok ng security guard ang babae. “Halatang-halata ka namang in love sa secretary ko,” pang-aasar niya. Bahagya niyang nalimutan ang mga alalahanin. “Loko ka, sinabihan na kita, Isaac ha. Man, not in my office.” “Tama,” natatawang sabi ng pinsan niya. “Shut up! That kiss didn’t mean anything! We just kissed,” naiirita pa nitong ikinumpas ang isang kamay sa kawalang-masabi. Natawa tuloy siya lalo. The proud man was into Belle, but he was in denial. “You kissed?” Akala mo mga audience sa isang talk show ang mga kaibigan nila maliban na lang kay Apollo na nanatili lang na nakatutok sa screen. “Bahala kayo sa buhay niyo,” naiiritang sabi nito at lumabas na ng opisina. Bago pa sumara ang pinto, nakita nila ni Lucas na sinalubong agad nito si Belle at hinila sa kung saan. Naisip niya na buti pa ang pinsan niya ay nakita na ang babaeng para dito. “Hay, Tiffany,” wala tuloy sa sarili na sabi niya. Mabilis na siyang tumayo at lumabas kahit hindi pa tapos ang meeting para iwasan ang mga mapang-asar na kaibigan. Kilala ng mga ito si Tiffany dahil sa nangyaring eskandalo sa engagement niya. Iisang babaeng may pangalan na iyon lang din ang kilala ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD