Katulad ng kanyang nakagawian, maaga pa lang ay nagsimula na si Tffany sa kanyang mga gawain sa kumbento. Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw kaya hindi pa siya naiinitan. Libang na libang na siya sa pagtatanim nang lumapit ang isang madre sa kanya. “Sister Mary Therese,” bati niya rito kasabay ng matipid na ngiti.
“Sister Mary Anthony, Reverend Mother wants to talk to you,” simpleng sabi nitong may tipid na ngiti at tinanguan siya, pagkatapos ay umalis na. Ganoon talaga sila dahil semi-cloistered order sila at hindi dapat basta makipag-usap kung wala namang mahalagang pag-uusapan.
Takang-taka siya kung bakit dahil napakaaga pa naman kung tutuusin at hindi pa naman iyon ang schedule ng pakikipag-usap niya rito. Mukhang tatanungin na talaga siya nito kung kailan siya lalabas. Lalo tuloy siyang nahiya nang maalalang kasama pa siya sa limitadong budget ng mga ito. Ipinangako niya sa sariling babawi sa mga ito paglabas ng kumbeto. Pero tumayo siya at lumabas ng hardin para pumunta sa opisina ni Reverend Mother. Bigla siyang kinabahan na hindi niya maipaliwanag. Pero naisip na lang niyang baka dahil guilty siya at kailangan na niyang sabihin ang lahat dito. Lagi kasi itong nagtatanong sa kanya tungkol kay Leandro. Para bang may alam na ito pero ayaw lang magtanong. Naiinis tuloy siya kay Leandro. Mas naiinis lang din siya sa sarili dahil lagi niyang naaalala ang naging tagpo nila sa ilog ilang gabi na ang nakakaraan.
Lago niyang naiisip kung ano ang maaaring nangyari kung hinalikan siya nito. Muli lang din naman niyang kinastigo ang sarili dahil sa mga kalokohang naiisip niya. Kumatok lang siya tanda ng pagsasabing papasok siya. Nang sumilip siya ay ngumiti sa kanya si Reverend Mother at pinapasok siya. Nang maisara na niya ang pinto ay doon pa lang niya napansin na hindi ito nag-iisa. Hayun ito mukhang ay seryosong pinag-uusapan kasama si Leandro.
Saglit siya napatda nang mabistahan ang ayos nito. Naka-pulang polo shirt lang ito, jeans, at sneakers. Malayung-malayo sa dapat na porma nito bilang mayor. Para bang lalo itong nagiging gwapo tuwing makikita niya na hindi naman dapat. “L-Leandro. I mean, Mayor Lagdameo.”
Tumaas ang kilay at isang sulok ng labi labi nito na parang natatawa sa kanya. “Good Morning, Sister Mary Anthony.”
“Please sit down, Sister Mary Anthony.”
“Thank you, sister.”
Nagsimula na itong magpaliwanag tungkol sa dahilan ng pagbisita ni Leandro. Napatingin siya dito nang sabihin ni Reverend Mother na personal nitong ipinausap na siya ang makatulong ni Leandro sa pagbabantay ng mga proyekto. Ipapa-renovate daw nito ang gusali ng orphanage ng mga matatanda. Gusto niyang itanong kung bakit siya pero baka magtaka si Reverend Mother at magtanong pa.
Nagpaliwanag si Leandro ng mga susunod nitong plano sa buong kumbento kaya masayang-masaya ang matandang madre. Pero siya naman ay tila sinisilaban dahil nakatitig lang ang lalaki sa kanya habang nagsasalita. Paulit-ulit pa nitong sinasabing na dapat ay siya ang kasama nito sa mga proyekto. “That’s it,” nakangiting sabi nito sa kanya.
“Ahm, thank you for trusting me, Mayor, but with all due respect, I don’t think I am a good fit for that. Besides, sa garden ang assignment ko ngayon. Next quarter nasa soap and shampoo area naman ako.”
“Reverend Mother,” parang nagpapasaklolong sabi nito sa superior niya.
“No problem, Mayor. Sister Mary Anthony, you will be reassigned to the orphanage once the renovation starts,” nakangiting sabi nito.
“Okay, Reverend Mother,” napipilitang sabi niya. Pagbaling niya nang tingin kay Leandro ay nakita niyang nakangiti ito sa kanya na para bang inaasar siya.
“Ahh, Reverend Mother, is it fine if I talk with Sister Mary Anthony in private? There are some things I want to discuss with her.”
“But of course,” pagpayag nito. “But not too long,” nakangiting sabi nito at kinindatan pa siya. Shocks! Alam na ni Reverend Mother! Kulang na lang ay sabihin niya sa aking huwag na akong magpanggap na madre dahil obvious na may tensiyon sa amin ni Leandro. Loko-loko kasi itong lalaking ito. Lapit nang lapit sa akin! Kung kailan ako nakasuot ng abito, mas nagagandahan pa yata sa akin. Ayoko munang alisin ang suot ko dahil ito na lang ang proteksiyon ko mula sa kanya. Nagiging unmadre-like na ulit ang kanyang mga kilos at salita na napapansin ng ibang madre. Hindi lamang din kumikibo ang mga ito pero sa klase lang ng tingin ng mga ito ay alam niyang nababahala ang mga ito sa kanya.
“Thank you, Reverend Mother,” nakangiting sabi ni Leandro rito. “Let’s go, Sister Mary Anthony,” anito at inalalayan siyang makatayo.
Nagpatiuna na lang siya sa paglabas at binilisan ang paglalakad. Nakaagapay naman ito agad sa kanya habang hawak siya sa siko. Pumiksi siya at mabuti agad naman din siyang binitawan nito. Pagtingin niya dito ay nakangiti lang ito sa kanya kaya inirapan niya ito na nakapagpatawa rito. She missed his voice and the sounds he made while laughing like that. Pero hindi siya dapat magpadala rito kaya ipinagpatuloy niya ang pormal na pakikitungo rito. Hindi ito pwedeng basta na lang maging feeling close sa kanya. Naka-abito na nga siya ay pasimple pa ito sa mga the moves nito kaya nagngingitngit ang kalooban niya. Walang konsiyensiya talaga ang mga ganoong klaseng lalaki. “What are we gonna talk about, Mayor?”
Hindi muna ito sumagot at hinila siya papuntang hammock. “How have you been?”
“If it’s not for the project-”
“Please talk to me.”
“I told you we are semi-cloistered nuns-”
“I know that, alright?” Nagtaka siya dahil parang nainis pa ito sa kanya. Ano bang problema nito? Tumaas pa ang boses nito. Bumuntung-hininga ito at tumingin sa kanya. Halatang nahiya ito sa iniakto nito. “I’m sorry, sister. That was too hasty of me.”
“It’s alright.” Pinagbigyan na lang niya ito. “To answer your question, I’m okay and satisfied. I’ve been here for the past four years.”
“You mean, after you know, the incident?”
“Yes. Nagbakasyon muna ako dito sa Santa Clara. I needed to go away to heal. Habang nasa bayan ako at namamalengke, nakilala ko ang isang madre dito, and the rest is history.”
“I see,” tumatangong sabi nito.
“Ikaw kumusta ka naman?”
“Ito, mayor na sa Santiago,” simpleng sabi nito.
Nailang siya dahil katahimikan ang namagitan sa kanila nang mga sumunod na sandali. “Tara na, Mayor, tumataas na ang sikat ng araw.”
“Wait,” awat nito sa kanya. “You know, this is my favorite time of the day, especially at the beach house. Iyung ganito kaaga, nakaupo lang tayo habang papasikat ang araw, just you and me, no words, just your embrace and kisses-”
"Just stop!" Tatayo na sana siya nang pigilan siya nito.
"Wait, please talk to me. I need to see you again. I want to hear your voice again."
"Why, Leandro? Tahimik na ako dito. Huwag mo na akong guluhin."
"I'm sorry. Maybe I just want to see you smile again. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit ka nandito."
"You're forgiven. Matagal na iyon, Leandro," nakangiting sabi niya.
"You smiled at me again. Seeing you smile gives me joy, and I need it in my life now."
“Let’s go,” pormal na sabi niya at tumayo na. Nang titigan niya ito ay parang hindi nito alam ang sasabihin. Para itong nahipnotismo at noon lang nagising.
“I’m sorry, sister, I shouldn’t have said those things.”
“It’s alright. Thank you for helping the convent. If you don’t mind, I still have tasks to do.” Tumango lang ito at nangulit na ihatid siya hanggang sa bungad ng hardin. Nang makaalis na ito ay muli niya itong nilingon na palapit sa kotse nito na may mga nakatayong bodyguard. Hindi niya tuloy alam kung paano ito iiwasan gayong lapit ito nang lapit sa kanya. Ngayon naman, may proyekto sa kumbento at siya pa ang kasama nito sa pagbabantay.