Chapter 11

1100 Words
Pasado alas-diyes na ay gising pa si Tiffany. Tapos na siyang magdasal ng kanyang night prayer. Masayang-masaya siya sa kinalabasan ng mga nangyari sa buong araw. Malaya na siya sa kalungkutan at kalituhang ilang buwan siyang inalipin. Nakita niya pa ang tunay na ngiti ng mga bata sa kanilang orphanage pati ang mga sisters na hindi niya akalain na kayang tumawa nang parang mga bata. Alam niyang marami–rami na naman silang babawiing dasal para bumalik sa kanilang contemplative mood at manatiling intact ang kanilang prayer life. Hindi na siya isang novice ngunit hanggang nasa loob siya ng St. Clare, mananatili siyang novice sa mga gawain. Ayaw sana siyang payagan ni Reverend Mother pero napakabait talaga nito at nadaan niya sa pakiusapan. Bigla niyang na-miss ang ilog kaya bumangon siya at nagdala ng tuwalya at flashlight. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng kanyang habit at nagmamadali na siyang pumunta sa hardin at tumalon palabas. Nang makarating sa ilog, umupo siya sa malaking bato sa gilid noon ay muli siyang nagmuni-muni. Hindi na siya matatakot kung makarinig man ulit ng mga ungol. Siguro hindi naman talaga totoo ang aswang at kung anu-ano pa. Sa halip, ang kanyang gwapong ex ang nakita niya. Nakakainis pero hindi niya mapigilang mapangiti. Siguro okay lang naman. Siguro pwede naman. Siguro wala namang masama. Nasabi niya na naman kay Reverend Mother ang lahat at gagawin ang nararapat. Nakapirma na rin naman siya ng release papers kaya pormal na ang paglabas niya ng kumbento. Pero hindi naman din siya lalapit sa apoy para lang muling mapaso. Alam na alam niya ang ginagawa ni Leandro. Ganoon ito sa kanya noong panahong nakikipaglapit sa kanya. Malamang kaya ganoon ito umakto ay nakapukaw lang sa interes nito ang kanyang abito lalo na at hindi maganda ang huling tabo nila bago siya pumunta ng Santa Clara. Iiwasan niya lalo ito. Alam niyang magiging mahirap iyon lalo na at kapag pinipigil ay lalo lamang itong nangungulit sa kanya. Baka mahulog na naman siya sa kanyang ex at matupok muli ng apoy na pinagniningas nito. Kapag nagkataon, wala nang St. Clare na darating para gamutin ang nalapnos niyang puso. Maya-maya’y nagulat siya nang makarinig nang kaluskos malapit sa kanya. Paglingon niya, bahagya pa siyang napahiyaw at muntik nang mawalan ng balanse. Paano ba naman nakita niyang nakatayo sa malapit si Leandro at nakatitig sa kanya. “What are you doing here?” Kabadong-kabado siya dahil para siyang malulunod sa paraan ng pagkakatitig nito. “Staring at you,” walang kagana-gana nitong sabi. “Bakit ka nandito?” Hindi niya maiwasang pagmasdan ito. Naroon ito at pambahay lang yata ang suot. Kung kailan gabi at nasa gubat ewan ba niya kung bakit noon nito naisipang magsuot lang ng manipis sando at walking shorts. Hantad tuloy sa mga mata niya ang makasalan nitong katawan. God help her because she could not stop ogling his arms, broad shoulders, and well-sculpted pecs. “Hindi ba ikaw dapat ang tinatanong ko kung bakit nandiyan ka? According to you, you are a semi-cloistered nun. Yet you’re here sitting on a rock like a river goddess. Why are you not wearing your habit and veil?” “None of your business,” mahinang sabi niya at kinuha ang flashlight at tuwalya. Lalagpasan na sana niya ito pero bigla siyang hinatak nito at kinabig. He was looking at her intently as if he was ready to kiss her. Involuntarily, her mouth quivered and her eyes shut, anticipating his kiss she suddenly yearned to savor. LEANDRO could not believe what he was seeing. He thought she was a goddess in the forest. Literal itong parang diwata na nakaupo sa isang bato at nakatingala sa buwan habang tinatangay ng hangin ang alon-alon nitong buhok. Nagpunta siya roon para tingnan kung may mga clue sa mga nagtangkang pumatay sa kanya. Ligtas na si Anton, ang kanyang driver, at si Andres, ang isa sa mga bodyguard niya. Habang si Leo naman ay hindi pa nakikita. Sikreto ang naging pagpunta niya roon dahil hindi siya pinapayagang lumabas at ayaw niyang mag-alala ang mga magulang. Kinutsaba niya lang ang isa sa mga security guard ng mansiyon nila at nagsama ng dalawang bodyguard at pinahinto na lang ang kotse sa main road. Siya na lang ang bumaba papunta sana sa pinangyarihan ng insidente pero nasa kalagitnaan pa lang siya ng daan nang mapansin ang isang diwata na ngayon ay nasa mga bisig niya. Iba ang daan na iyon pero mas magandang doon siya manggaling para mas maging pamilyar siya doon kung sakaling maulit man ang pagtatangka sa kanya at mga tauhan. Mabuti na lang at ligtas silang lahat dahil sisisihin niya ang sarili. But he could not think of it anymore. How could he when the woman who never failed to stimulate every fiber of his being was wrapped in his arms? How could he resist her sweet lips? The woman got him again. He looked at her intently. Her eyes were filled with inextinguishable fervor that he could not explain. He understood her, for he was feeling the same. Only her lips could calm the war inside him. He wanted to kiss her endlessly, make love to her under the moonlight, and bring her home. He lowered his face and buried it in her hair. It smelled wonderful just like before and was more than enough to make him lose his control. He cupped her face and was about to kiss her when a thought suddenly rang. “Don’t you dare, Leandro! She’s a nun! Have you no shame?” Bigla niya itong binitawan. He felt guilty and frustrated for a moment, but what the hell? He wanted her. “It’s late. You better sleep now.” He grabbed her hand and brought her back to the convent. Nang malapit na sila sa gate ay hinatak siya nito pabalik. “Wait, hindi dito ang dadaanan ko,” natatarantang sabi nito at nagmamadali nang lumakad palayo. Sinundan niya ito papunta sa likod ng kumbento. Hindi niya mapigilang matawa nang makita itong umakyat ng isang puno at parang unggoy na lumipat ng pader. “Goodnight, Andoy,” nakangiti nitong sabi. Lalo siyang natawa nang mapansing may hagdan pala doon. “Wala ka pa ring pinagbago. Goodnight, baby,” sinsero niyang sabi. Her face turned red before she went down. Doon niya na-realize ang kalokohan. “Damn, Leandro. How many times do you have to understand that she’s a nun? You can’t just flirt with a nun!” Hindi niya maintindihan kung bakit lalo niya itong gustong makita. Naihilamos na lang niya ang mukha dahil sa frustration na nadarama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD