Chapter 10

1156 Words
Kinabukasan ay nasa orphanage naman siya ng mga bata. May mga bagong bata na dumating sa kanilang orphanage kaya kinailangan ang tulong ng ibang madre na nakaassign sa garden. Mabuti na lang at walang masyadong gagawin doon. Ilang buwan na kasi nang huli niyang maalagaan ang mga ito. May rotation din kasi sila every quarter para hindi maging monotonous ang kanilang gawain. Nakakatuwa rin na parang nasa office rin sila na isinasaalang-alang ang productivity and work-life balance ng bawat isa. Hindi pa alam ng mga sisters ang paglabas niya ng kumbento next week sa kahilingan na rin niya kay Reverend Mother na pinagbigyan naman nito. Ang kanyang pamilya ay wala pa ring ideya sa kanyang desisyon. Mukhang matutuwa ang mga ito. Kasalukuyan niyang binibihisan ang isang batang lalaki nang tuwang-tuwang sumigaw ito at pumalakpak. “Sister, may party po,” anito at may itinuro. Paglingon niya ay may mga lalaking may bitbit ng maraming pagkain mula sa isang kilalang restaurant na paborito ng mga bata. Napangiti rin siya. Masaya ang mga ito kapag may mga ganoong pagkain dahil hindi naman malaki ang kanilang pondo para mapakain ang mga ito nang may may mataas na presyo. May mga nagsasagawa lang ng outreach program sa orphanage at madalas ay mga toiletries at groceries ang dala. Kapag Pasko lang madalas na may isinasagawang party. Kasama si Reverend Mother at iba pang sisters na tinutulungan ang mga lalaki. Paglingon niya sa kabilang pinto ay nakatayo roon si Leandro at nakatingin lang sa kanya. Pormal na tinanguan niya lang ito at tinapos ang pagbihis sa isang bata. “Hi Sister.” Pumasok ito at tinabihan siya. Pumunta na lang din siya sa isa pang bata at pinalitan ito ng damit. Inagaw nito iyon at ito na mismo ang umasikaso doon. Napangiti na siya pero agad niyang kinalma at pinagalitan ang kanyang sarili. “Ahh Mayor, bawal po kayo dito.” Totoo naman iyon. Dapat kasi munang humingi ng permiso bago makapasok sa orphanage. “Nagpaalam ako kay Reverend Mother.” Hindi na niya ito pinansin at nang matapos ay lumapit na siya kay Reverend Mother na sinenyasan siya nang makita siya. “Bakit po Reverend Mother?” “Sister Mary Anthony, paki-estima muna si Mayor Lagdameo. Please talk with him while we are preparing the venue for the party.” Nagtaka siya dahil bakit kailangang makipag-usap lalo na at semi-cloistered order. Napahinto lang siya nang mapagtantong hindi siya totoong bahagi ng kumbento. Hinahayaan na lang muna siyang magsuot ng kanyang abito dahil hindi pa niya pormal na nakakausap ang iba pang madre. Kailangan na muna kasi niyang pirmahan ang mga release papers para maiayos ang mga dokumento niya. “Party po?” “Yes, sister. He came to my office this morning and asked for my permission to host a mini-party for the kids. Tomorrow there will be a party for the elders. There he is,” masayang anunsiyo nito nang makita si Mayor at iniwan na sila. “How are you, Tiffany? Kaswal na inabot ang kamay niya at pinisil. Malapad ang pagkakangisi nito. Naiinis na pumiksi pa siya pero mahigpit na hawak nito ang kamay niya. Nanlaki ang mga mata niya dahil kinikulabutan na siya dahil sa mga ginagawa nito. Hayun at nakaabito na siya, hindi pa siya pinalagpas ng lalaking maharot. Mariin niyang kinurot ang palad nito. Mukhang saktong medyo humaba na ang kuko niyang nakalimutan din niyang gupitan. Lalo niya pang idiniin ang kuko. Napangisi na siya nang makitang nanlaki ang butas ng ilong nito. Nakangiwi ito sa hapdi. Bumitaw na rin ito pero lalo niyang idiniin ang kuko. “Baby, you’re hurting me.” Agad niyang pinakawalan ito at nanlalaki ang mga matang tiningnan ito. Bakit ba ganoon ang ginagawa nito sa kanya? Sa loob ng ilang araw, para lang siyang nasa roller coaster dahil sa muling pagkikita nila. Totong malapit na niya itong sikuhin sa inis pero pinipigil pa rin siya ng kagandahang-asal at suot na abito. “Why are you doing this, Mayor?” “I just want to help.” “Fine.” “Why?” “Wala!” “I believe you are insinuating something.” “Insinuate-in mong mukha mo,” napipikon niyang sabi rito. Before she knew it, all the sisters were looking at them. Shock was evident on their faces lalo na ang mga nakatatanda na tutop pa ang bibig. “I’m s-sorry, S-Sisters. I-I was just s-shocked.” “Calm down, okay,” natatawang sabi nito. Hinarap niyang muli ito. “Layuan mo na ako, Leandro ha tatamaan ka na sa akin! Mukhang sugo ka yata ng kasamaan. Lalo akong nagkakasala dahil sa ‘yo. Parang awa mo na,” exasperated na sabi niya bago mabilis na lumabas ng building at tumakbo papuntang chapel. Halos isang oras din siyang nanatili sa chapel nang maramdaman niyang kumalma na ang kanyang kalooban. Nang maramdaman niyang may umupo sa tabi niya ay nagulat pa siya nang makita si Leandro. Hindi nakangisi o nakakunot ang noo, kung hindi parang batang may kasalanan ang hitsura nito. Kulang na lang ay patulisin nito ang nguso at pagdikitin ang mga palad. “Please Leandro. I’m tired.” “I’m really sorry, sister,” sinserong sabi nito. Mukhang noon lang nito napagtanto ang naging implikasyon ng kalokohan nito. “I did not know I crossed the line. It won’t happen again. I promise.” “You’re forgiven.” Ewan ba niya at hindi niya matiis ito. Mula noon ay hindi ito nabibigong pasunurin siya sa mga gusto nito. Ngayon naman ay para siyang may mood swings. Mabilis na siyang mainis dito pero mabilis din siyang mapangiti nito. “Thanks. Now, pwede na ba tayong bumalik sa building? Nagsisimula na ang party sa mga bata. Please.” “Alright. Tara na,” pilit ang ngiting sabi niya. Nagtungo na nga sila sa party ng mga bata. Bukod sa mga pagkain ay may mga inihandang palaro para sa mga ito. Ayaw man niya, hindi niya maiwasang mapangiti. Kailan ba siya huling nakaramdam ng ganoong kasiyahan? She couldn’t help but feel a warm feeling enveloping her heart as she saw the children filled with genuine joy and contentment. May namuong luha sa kanyang mga mata. The children were adorable. They were really happy. Napasinghot na siya dahil sa pinipigil na hikbi. Naaawa na rin talaga siya sa mga ito. Pagtingin niya kay Leandro ay nakangiti ito habang naglalaro ang mga bata. Nakakapanibago para sa isang semi-cloistered convent ang mga ganitong pagkakataon pero alam niyang magandang-maganda ang kinalabasan. Nang lumingon sa kanya si Leandro ay hindi na niya napigilang mapangiti at tanguan ito. She mouthed him “Thank you.” “You’re welcome,” ngiting-ngiting sabi nito. Lumapit ito sa kanya at inilabas ang panyo. Agad niyang tinanggap iyon at pinunasan ang kanyang mga mata. Isasauli na sana niya iyon pero nahiya kaya natawa ito at binawi iyon sa kanya at ibinulsa. Naghiwalay lamang sila nang matapos na ang party.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD