Chapter 9

1157 Words
Gusto niyang mapasigaw sa magkahalong frustration at kaba. He’s here to talk to me! He wants to see me! So what? Malapit na din niyang batukan ang sarili dahil sa hindi malamang kadahilanan ay kinilig siya. “But, Reverend Mother, he already thanked me earlier,” natatarantang sabi niya. “It’s okay, sister. He is waiting for you,” nakangiting sabi nito na parang ine-encourage pa siya. “Ayoko po siyang makausap, please po.” “Why?” “Kasi po, kasi po.” Hindi niya na alam kung ano ang idadahilan. “Kasi?” “Ahh nahihiya na po ako kay Mayor,” pagdadahilan na lang niya. “Nakakahiya naman po na Mayor siya at marami pa pong dapat ayusin pero nandito siya para lang po magpasalamat sa akin. He could have called.” “But he wants to talk to you personally.” “Hindi po talaga pwede, Reverend Mother kasi po,” wala na siyang lusot. “Okay. Kahit two minutes lang. Courtesy na lang din, sister, dahil malayo ang Santiago papuntang Santa Clara. Ako na ang nakikiusap.” “S-sige po. Pupuntahan ko na po si Leandro, Mayor Leandro, Reverend Mother.” Nagkakandautal-utal na siya dahil sa nerbiyos. Lumabas na siya at pumunta sa isang kuwarto malapit sa opisina ni Reverend Mother. Huminga muna siya ng malalim. Kabadong-kabado siya na hindi niya maipaliwanag. Bakit ba kasi hindi pa siya nito tantanan? Nagbigay muna siya ng warning knock bago binuksan ang pinto. Mabilis itong tumayo at lumapit sa kanya. “Tiffany-” “Sister Mary Anthony.” “Sorry, I always forget.” “What is it, Andoy?” His lips twitched a bit. “Andoy,” tumatango-tangong sabi nito sa kawalan habang nakangiti bago muling tumingin sa kanya. “I used to hate that name. But I’m starting to love it.” “Mayor Lagdameo, why do you want to talk to me?” “I would like to thank you.” “You already did many times. If you’ll excuse me-” “Bakit mo ba ako laging iniiwan? Are you avoiding me?” “We’re contemplative nuns.” “I already asked for Reverend Mother’s permission.” “I’m busy.” “Uulitin ko ha. I already asked for Reverend Mother’s permission,” nakangiting sabi nito. Goodness, she missed that smile, that smile she thought was only for her only to find out he only used to lure her into his trap. Unfortunately, she was just one of the poor women who fell for him and got dumped without a warning. He was heartless. Ayaw man niya ay nakadama na naman siya ng bitterness dahil sa mga alaala. Only, most of her happiest memories were with him alone. She still couldn’t believe that she survived the heartbreak, the pain, the betrayal, the poignancy, her secret longing years ago. “Hey, are you listening?” Pinitik pa nito ang mga daliri sa harap niya na nagpabalik sa kanya sa huwisyo. “Bakit ka ba kasi bumalik pa dito?” “Mag-te-thank you nga ako.” “Oh edi you’re welcome!” Tumayo na naman siya at lalapit na sana sa pinto pero mabilis itong nakaharang. “Bakit ba kasi ang sungit mo. Lagi mo na lang akong iniiwan eh,” naiinis na sabi nito. “Wow! Thank you ha!” “You haven’t changed a bit,” natatawang sabi nito. “Tara na nga,” naiinis na sabi niya at umupo na ulit. “Ano ba kasing kailangan mo bukod sa paulit-ulit na thank you? Ngiti ka pa nang ngiti hindi naman ako nakikipagngitian sa iyo. Hoy lalaki kung inaakala mong makukuha mo ulit ako, puwes hindi. Kilabutan ka nga! Nakaabito na nga ako lahat, malandi ka pa rin. Nagsawa ka na naman ba sa mga magagandang ka-date mo kaya ngayon nandito ka? Novice naman ngayon ang trip mo para kakaiba, ganoon?” “Hindi. Hindi ganoon, Tiffany,” natatarantang sabi nito. “Hindi naman kita pinuntahan dito para diyan. Pasensiya ka na ha? Hindi ko naman alam na magiging ganoon pala ang dating sa ‘yo.” “Ha?” “I mean I came here to thank you and apologize personally.” “W-wala iyon.” “I’m sorry, sister, for everything. I have no excuse then except that I was a jerk.” “Y-you’re f-forgiven.” “Thank you.” Hinawakan nito ang isa niyang kamay at pinisil kaya nailang na naman siya. “I have to go back to Reverend Mother.” Hinila na niya ang kamay at tumayo na. “Sasabay na ako sa iyo palabas. Dadaan lang din ako kay Reverend Mother para magpaalam.” Pagdating sa opisina ay nagpasalamat ito sa kanila ni Reverend Mother. Bago ito lumabas ng pinto ay tumingin muna ito sa kanya nang matagal bago ngumiti “Bye, Tiffany. See you again tomorrow.” “It’s Sister Mary Anthony!” “Yeah yeah whatever,” sabi na lang nito bago lumabas ng opisina. “Nakakainis po talaga iyang lalaking iyan napakayabang pa rin,” pagsusumbong niya kay Reverend Mother kaya nagulat siya nang bigla itong tumawa. “B-bakit po?” “Nothing, hija. I didn’t know you knew each other.” “Unfortunately, opo,” nahihiyang sabi niya. Pulang-pula na ang mukha niya kaya nagpaalam na siya rito at bumalik sa hardin. Pinagdiskitahan niya ang winawalis na nahulog na dahon. Naiinis na itinaktak niya sa basurahan ang pandakot habang iniisip na si Leandro ang pinapalo niya niyon at binubuhusan ng mga basura. Nanghilakbot tuloy siya dahil sa naisip. Natigil lang din tuloy siya sa ginagawa nang makarinig ng pagbusina. Pagtingin niya ay naroon si Leandro sa loob ng kotse. Bukas pa ang bintana nito. Kumakaway pa ang kolokoy sa kanya kaya inirapan niya ito at itinaas ang kamao na ikinatawa lang nito. Bigla niyang ibinaba iyon nang mapagtanto ang ginawa kaya lalo lang itong tumawa at nag-flying kiss pa bago itinaas ang bintana. Pagharap niya sa pinto ng hardin ay ganoon na lang ang pag-iinit ng mga pisngi niya. May tatlong madre doon na halatang naeskandalo sa kanila ni Leandro. Malamang na nakita ng mga ito ang ginawa niyang masyadong unbecoming para sa isang novice. Lalong nakakahiya dahil malamang ay nakita rin ng mga ito ang flying kiss sa kanya ng luko-luko. Talagang masasapak din niya ito kapag bumalik pa ito para inisin lang siya. Nagpasintabi lang din siya sa mga ito at nagmamadaling pumasok ng hardin para ituloy ang ginagawa. Naiinis pa siya dahil sa isiping nagawang baguhin ni Leandro ang kanyang disposisyon sa sandaling pagkikita. Tama nga yata talaga si Reverend Mother na hindi para sa kanya ang bokasyong muntik pa niyang piliin nang permanente. Pero kahit pa hindi siya naikakasal nang ganap sa Panginoon ay hindi magandang makita at marinig ang mga gestures at maaanghang na salita niya kay Leandro. Mukhang mauubos din talaga ang mga reserba niyang panalangin kaya magdadasal siya nang mataimtim sa kanilang chapel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD