Chapter 8

1318 Words
Mahigit isang oras nang nasa chapel si Tiffany. Mag-isa lamang siya doong nananalangin, nag-re-reflect, at binubuo ang nagulo na naman niyang sistema dahil lang sa manlolokong ex niya na nagawi malapit sa kumbento. Patuloy siya sa paghingi ng tawad dahil sa sunud-sunod niyang mga kasalanan nang mga nagdaang araw. Una, ang pagtakas niya para maglakad sa liblib na bahagi ng Santa Clara maligo sa ilog. Ikalawa, ang muli niyang pagtakas para magpunta sa kabilang bahagi at mag-isip. Ikatlo, ang pagpapatagal niya sa pagkausap sa kanilang Reverend Mother dahil sa pinaghalong hiya, takot, at panliliit. Pero para sa kanya ang pinakamalaki niyang kasalanan ay ang hindi niya mapigilang pag-usbong ng kilig sa gwapong ex niyang manloloko. Oo, buo na ang desisyon niyang lumabas sa kumbento. Pero mali iyon dahil nasa kumbento pa rin siya at nakasuot ng abito. Isa pa, hindi niya pa rin nasasabi kay Reverend Mother ang plano. Kumbaga sa magkasintahan, desidido na siyang makipag-break sa boyfriend niya para kay Leandro pero hindi niya pa nasasabi rito ang lahat. “Teka, paano namang napasok ang Leandro kolokoy na iyon? Hindi naman siya kasama sa plano ko! Well, in reference lang naman,” defensive na paalala niya sa sarili. Dahil dito patuloy lang siyang nagdasal nang taimtim hanggang sa hindi na niya mapigilang mapahikbi. Masaya siya dahil alam na niya kung ano ang gumugulo sa kanya. Masaya siya na alam na niya ang direksiyong dapat tahakin. Pero kasabay noon ay ang pagbaha ng kalungkutan dahil iiwan na niya ang kumbento na naging balsamo ng sugatan niyang puso at naging tahanan niya sa loob ng halos apat na taon. At least, mapapanatag na siya sa kaalamang hindi na niya kailangang magsinungaling sa sarili, kay Reverend Mother, at higit sa lahat sa Kanya. Pagkatapos ng tahimik niyang pag-iyak ay biglang gumaan ang kanyang kalooban. Tumayo na siya at lumabas ng chapel. Nagdesisyon muna siyang pumunta sa hardin at makitulong sa mga madre. Papasok na siya roon ng may pumigil sa kanya. Paglingon niya ay muling bumilis ang t***k ng kanyang puso nang makita si Leandro. “Yes?” Pasimple niyang hinila ang brasong hawak nito. “Ahm Tiffany-” “Sister Mary Anthony.” “Yes ahm Sister, I would like to thank you for helping me last night.’ “You’re welcome. The mercy of God saved you,” simple niyang sabi at tumalikod na dito pero muli siya nitong pinigilan. “Bakit?” “Are you really a nun?” “Ano?” “Madre ka ba talaga? Paanong nangyari iyon?” “Leando, I’m still a novice, but I’ll have my temporary vows next month. Now, if you’ll excuse me, I have to do my daily task.” ‘Wait, I still want to talk to you.” “Listen, we’re not allowed to talk.” “But it’s important.” “Not now,” she said flatly and left him. She started doing her tasks confused and bothered. Maya-maya’y may lumapit sa kanyang isa ring madre. “Yes, Sister Mary Margaret?” “Reverend Mother wants to talk to you, Sister Mary Anthony.” Iyon lang at tumango na ito bago lumabas ng hardin. Tumayo na siya at itinabi ang mga gamit bago lumabas ng hardin. Pagdating niya sa opisina ni Reverend Mother ay nagbigay muna siya ng warning knock bago binuksan ang pinto. “Good morning, Reverend Mother.” “Good morning, Sister Mary Anthony. Please sit down.” Matipid siyang ngumiti at tumango rito bago umupo. “Gusto niyo raw po akong makausap.” “Yes, Sister. I would like to ask how you and Mayor Lagdameo met.” “Ha?” Mabilis ang pagkabog ng kanyang dibdib. Mukhang naichismis pa ni Leandro ang past nila kay Reverend Mother. Gusto niyang mainis at sungalngalin ang lalaking playboy na ay chismoso pa pala. Agad siyang pinamulahan ng pisngi. Oo, lalabas na siya ng kumbento pero nakakahiya pa ring malaman ang mga pinaggagawa niya noon. “No, no, Sister. That’s not what I mean. I would like to ask how you saw him. You know, malayo na iyon sa kumbento kung iisipin mo pero nakarating ka roon.” “I’m sorry, Reverend Mother.” “It’s okay. I would like to know why.” Doon na siya magsimulang magkuwento. “Next week pa po sana ako magtatapat sa inyo dahil doon pa lang po tayo mag-uusap pero dahil nandito na rin po ako, ikukuwento ko na po ang lahat. You see, I’ve been confused and bothered for five or six months, and I feel so guilty and ashamed. Next month, I’ll have my temporary vows. But, I’m afraid I can’t continue, Reverend Mother. I’m very sorry.” Doon na siya nagsimulang humagulgol dahil sa pinaghalong guilt at lungkot. “It’s okay, Sister Mary Anthony.” Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinisil tanda na nauunawaan siya nito at walang anuman dito ang kanyang desisyon. Tumayo ito at binigyan siya ng isang basong tubig. “Drink it, sister,” nakangiti nitong sabi. “Naiintindihan kita at masaya ako na may nakilala akong katulad mo. Baka hindi rin para sa ‘yo ang pagmamadre. We perfectly understand. Magandang may desisyon ka na ring nabuo bago pa ang tempary vows mo.” Ininom niya iyon at bahagya na siyang kumalma. “Thank you po.” “Now, can we continue?” “Yes po.” “So you were there because you were reflecting, right?” “Actually, ilang beses ko na pong ginagawa iyon. The night before that, I went to the other side of the convent.” Ikinuwento niya rin ang pagtakas niya at paliligo sa ilog. Bahagya pa itong natawa at sinenyasan siyang ituloy ang kuwento. “Last night, I was wandering aimlessly hanggang sa mapunta po ako dun sa kabilang side naman po. Habang naglalakad po ako, may narinig akong putukan. I don’t know why I got very curious, Reverend Mother. As a person, my natural impulse would have been to stay away from it. But I did not. I felt as if I needed to help somebody.” “That’s because you are kind,” nakangiting sabi nito. “You know, I’m very happy, kahit hindi ka magpapatuloy sa vocation, you kept the teachings in our convent in your heart. It was so ingrained to you that you acted like a saint in times of danger. And for that, I’m very very happy.” “Thank you po.” “One more thing, I guess God led you there for a reason. You were able to help Mayor Lagdameo escape those men. Sister Mary Anthony, you have no idea how much it would help the convent. Mayor Lagdameo and I talked earlier. He promised that he would donate to us. Ilang buwan na akong namomroblema dahil nagkukulang na tayo sa funds. Sapat na sapat na lang iyon to suffice our needs. Iniisip ko na ngang isara ang orphanage pero hindi ko magawa. Finally, nandiyan na ngayon si mayor.” “Praise God." “Yes, sister. The mercy of God will always help us,” masayang sabi nito. “Sister, mayroon po sana akong request if okay lang?” “What is it?” “Can I stay here a bit longer? I would like to prepare myself before I step out of the convent.” “Sister, you will always be welcome here. Kahit sinong dumating at umalis dito ay welcome. Only, you can no longer wear your habit once you step out. I hope you understand.” “Opo, Reverend Mother. But can I still join the morning prayer and the daily task while I’m still here?” “Of course you can. Anyway, when do you plan to leave?” “Next week po, kung okay lang.” “Very much,” nakangiting sabi nito. “By the way, Mayor Lagdameo wants to personally thank you. He is in the other room.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD