Goodness, when was the last time she tasted those luscious lips? When was the last time a kiss upended her world? Her lips quivered, and she was about to respond. “Sister Mary Anthony,” hiyaw ng konsiyensiya niya. Agad niya itong itinulak at galit na tiningnan. “What do you think you’re doing?” Lalo siyang nainis dahil sa ilang baliw na sandali ay tinugon niya ang halik nito. Bakit ba ito nandoon sa liblib na bahagi ng bayan at malapit pa sa kumbento nila? Ang hudyo parang mas naging kaakit-akit ang hitsura kaya hindi niya mapigilan ang pinaghalong pagkamangha at pagkainis dito, pero bakit hindi niya napigilang tumugon dito?
“Tiffany?” Tila noon pa lamang ito bumalk sa huwisyo. Gusto niyang matawa sa naging reaksiyon nito nakatingala ito sa kanya habang nakasandal sa puno. Tiningnan siya nito mula hanggang paa. Nakakunot pa ang noo nito na para siyang isang bidding na kailangang pag-aralan.
“What?” She wanted to punch his face for being ridiculously handsome.
“What happened to you?”
“Hindi ba ikaw ang dapat kong tanungin niyan? Paano ka napunta dito?”
“I was ambushed.”
“Goodness gracious!” Hindi niya tuloy mapigilan ang pag-aalala para dito at sa kanyang sarili. Kung ganoon pala ay may mga humahabol dito at mukhang madadamay pa yata siya.
“Nakatakas ako. I don’t know where I am. I have never been here before.”
“We need to call the cops right away.”
“I already called a backup to rescue me.”
“Good.” Patayo na dapat siya nang pigilan nito ang kamay niya kaya para siyang napapasong lumayo rito. “Don’t touch me,” maaskad na sabi niya sabay binawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito.
“Tiffany, can you please help me find a safe place, at least for now? They will not stop until I get killed.”
“Goodness! So they are still here? Madadamay pa tuloy ako sa ‘yo. Tara na!”
“Tiffany, let’s go,” anitong maliksing tumayo at hinatak na siya.
“Wait! Where are we going?” Dahil sa pagkataranta sa kaba sa panganib at presensiya nito ay hindi siya makakilos nang maayos.
“Ssshh. Be quiet, okay? Baka may makarinig sa atin.”
“This way.” Hinatak niya na ito papunta sa hindi mapunong bahagi. Iyon ang daan papuntang kumbento. nang may bigla siyang maalala. “Leandro, wait! I can’t let you stay in the convent. Baka madamay ang mga sisters. You’re putting us in danger,” she said indignantly.
“Just for tonight, Tiffany-”
“It’s Sister Mary Anthony to you,” inis na putol niya sa sinasabi nito.
“Okay, okay. Please. Kailangan ko ng ligtas na lugar habang naghihintay ng backup at mga pulis.”
“No! Hindi-”
“Ssshh,” putol nito sa sinasabi niya nang makarinig ng tunog at hinatak siya sa nakita nitong malaking puno sa dulo at nagtago sila.
“Pare, hindi pwedeng hindi natin makita si mayor. Malalagot tayo kay boss. Kailangan natin siyang mapatay.”
“Oo na, hirap na hirap na nga akong maglakad. Hayop na Lagdameo na iyan tinamaan ako sa binti ng bala.”
“Huwag ka na puro satsat. Tiisin mo na lang tutal may benda na iyan” sabi ng isa.
“Eh gago ka pala eh! Kung ikaw kaya ang barilin ko sa binti para malaman mo.”
“Oo na dami mong sinasabi.”
“Paano pala si Teban?”
“Eh ‘di wala. Napuruhan ni Mayor. Hayop na iyan asintado talaga.”
Parang naging isandaang beses ang bilis ng kabog ng dibdib ni Tiffany sa mga narinig. “Lord, please save us.” Papunta na kasi sila sa kumbento kaya hindi na masyadong mapuno sa bahaging pinagtataguan nila. Parang naramdaman naman ni Leandro ang takot niya kaya hinawakan nito ang nanlalamig niyang palad at pinisil. Tila dininig naman agad ang kanyang mga panalangin dahil narinig niya ang isa sa dalawang tumutugis kay Leandro na may kausap marahil sa cellphone nito.
“Pare, may mga parating daw na pulis. Takbo na! Kailangan na nating makabalik. Hanapin na lang natin ulit kesa mahuli pa tayo dahil mas lalong mayayari na tayo kay boss.”
“Tara na nga at napakasuwerte niyang si Lagdameo. Bubugbugin ko iyan bilang bawi sa tama ko”
“Are we safe now?” Bahagya siyang nakahinga nang maluwag nang marinig ang papalayong yabag ng mga ito.
“Yes. I’m sorry for dragging you into this danger. Don’t worry. Nothing bad will happen to you and the sisters.”
“Promise?”
“Yes,” masuyo nitong sabi at kinabig siya nito para yakapin nang mahigpit.
“Thanks, Leandro,” mahina niyang sabi rito. Pero nang maalala na naman niyang nakaabito siya, mabilis siyang kumalas dito at tiningnan ito nang matalim. “Let’s go. Kaya mo pa ba?”
“Of course. Ako pa ba? Para namang hindi mo alam na mahilig tayo mag-hiking,” anito at bigla pang umakbay sa kanya. And for the life of her, he gave her the smile that never failed to send chills to her core. Pumiksi siya pero lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakaakbay sa kanya bago sinabing kailangan nito ng kanyang suporta. Napangiti lang tuloy siya habang dinadama ang pagkakadikit nila. Pero napansin niyang hindi naman ito nahihirapang maglakad kaya malakas na siniko niya ito. Bumitaw na ito habang nakangisi sa kanya. “You’re blushing, Sister Mary Anthony,” pigil na pigil ang tawang sabi nito.
Napahinto siya sa kilabot na naramdaman. Kinilabutan siya sa ideyang nakaabito na siya pero wala itong patawad sa ginagawang simpleng pananamantala sa kanya. Paano pa kapag nalaman nitong lalabas na siya ng kumbento? Mas lalo siyang kinikilabutan dahil tinatablan pa rin siya ng mga nakakakilig na da moves nito. Teka bakit ba kasi ako kinikilig? Hindi ito pwede! Wala talagang katulad ang manlolokong lalaking ito! Hanggang ngayon gamit na gamit pa rin ang style nitong DOM kahit sa kanya na isang madre. Iyon nga lang at hindi pa siya nakakakuha ng temporary vows. Pero kahit na! Nakaabito na nga ako at belo pero hindi ako pinalampas! Nanggigigil siya pero pinipilit niyang magtimpi dahil ubos na ubos na ang mga reserba niyang panalangin at may utang pa. Ang dami niya na ngang kasalanan, dumagdag pa talaga ang kolokoy na ito lalo at mukhang hindi pa siya totally immune sa presensiya nito. Sa naisip, kailangan niyang mas lalong mag-ingat dito kung ayaw niyang durugin na naman nito ang kanyang puso nang pinong-pino parang paminta. “Will you please stop, Leandro? I’m a nun, please spare me.”
Doon ito napahinto mukhang doon pa lang natauhan at hindi na siya kinulit. “Gaano pa katagal ang lalakarin natin.”
“A few minutes more.”
“Tiffany-”
“Sister Mary Anthony.”
“Okay, sister.”
Pagkalipas ng limang minuto ay natanaw na niya ang kumbento. “We’re here.”
“May kumbento pala dito? Bakit sobrang layo? Paano na kapag may emergency or natural calamities?”
“We’re doing fine.”
“But Tiffany-”
“Please, Leandro, it’s Sister Mary Anthony, not Tiffany or baby. And we are semi-cloistered nuns. Silent order kami, if you must know. So, as much as possible, we do not talk to other people unless it’s important. I hope I have made myself perfectly clear.”
“Okay, Sister.”