Chapter 6

1408 Words
“s**t,” tanging nasabi niya. Nagsimula nang makipagpalitan ng putukan ang dalawa niyang bodyguard at humingi na ng rescue kay vice governor. Tinawagan niya si Isaac na nagmamadaling itinanong ang lokasyon niya at nagpapunta na rin ng ng backup. Nagulat pa siya nang biglang kabigin ni Anton pabalik ang sasakyan at iharap sa mga humahabol sa kanila. Agad na tinapik ni Leandro si Anton sa balikat. “Bakit mo ibinalik? Ano bang ginagawa mo? “Leo, Andres, bumaba na kayo ni Mayor. Itakas niyo na bago pa tayo ma-corner dito.” “Hindi pwede!” “Mayor, ako nang bahala, kailangan ko silang harangan para makatakbo pa kayo at makatakas. Masikip na itong daanan at babagal ang takbo natin.” “Mayor, tara na,” nagmamadaling sabi ng katabi niyang bodyguard at maingat siyang inilabas. “Anton, hindi ka pwedeng hindi makauwi nang ligtas! Hindi ko ibibigay ang benepisyo mo!” Pilit niyang inabot ito pero itinulak na siya nito kasabay ng paghila sa kanya ng dalawang bodyguard niya. Pinasok na nila ang mapunong bahagi ng Santa Clara. Sobrang layo na nila sa kabayahan at kung marinig man ang putukan ay mahihirapan ang mga taong tukuyin ang pinagmumulan nito. Patuloy sila sa pagtakbo nang makarinig ulit siya ng putok at marinig ang reaksiyon ni Andres na parang nasaktan bago biglang bumagsak. Paglingon niya ay nakadapa na ito at duguan. Tanaw na niya ang mga humahabol sa kanila kaya binilisan nila ang pagtakbo. Paglingon niya, huminto na ang sasakyan at nagsimulang maglabasan ang mga armadong kalalakihan. “Mayor, takbo na. Ako nang bahala rito! Kailangang may makaligtas sa atin dito,” nagmamadaling sabi ni Leo, at itinaboy siya bago inabot ang isa pa nitong baril sa kanya. “Leo!” “Sige na, mayor, takbo na!” Tumakbo na siya at lalo pang binilisan kahit parang puputok na ang dibdib niya sa pagod at nerbiyos. Ganoon pala ang pakiramdam ng ina-ambush pero ayaw niyang mapasama sa mga napabalitang napatay nang walang kalaban-laban. Kailangan niyang makatakas at mabuhay. Kung hindi man, lalaban siya ng p*****n kahit isang baril lang dala niya. Nakakita siya ng isang malaking puno sa pagitan ng dalawang daanan. Paliko na siya sa kanan ng makarinig ng putok at makaramdam ng hapdi. Nadaplisan pala siya pero hindi na niya ininda dahil hindi siya pwedeng hindi makaligtas. Gumanti siya ng putok at tinamaan ang isa sa mga tumutugis sa kanya. May dalawa pang natira pero mahina ang laban niya dahil nag-iisa siya kaya tumakbo pa rin siya habang gumaganti ng putok hanggang sa matamaan niya ang isa at napahinto naman ang isa pa. Bababarilin na rin sana niya ngunit wala nang bala kaya hinagis na niya iyon at tumakbo lalo. Nang makalayo siya at lumingon muli, nakita niyang wala na ang mga humahabol sa kanya. Mukhang huminto na rin ang isa upang tulungan ang mga kasama nitong natamaan niya. Patuloy lang si Leandro sa pagtakbo hanggang sa hindi na niya kayanin ang pagod. Naghanap siya ng mapagtataguan at doon umupo. Doon niya napansin na duguan na ang braso at barong niya. Doon niya naalala ang swiss knife niya. Agad niyang hinubad ang suot at pinutol ang malaking bahagi ng barong gamit ang swiss knife. Ibinenda niya iyon sa sugat upang mapigilan ang pagdurugo. Nang makapagpahinga, muli na siyang tumayo at tahimik na naglakad para maghanap ng mas ligtas na pagtataguan. Alam niyang hahanapin siya ng mga humahabol sa kanya kaya kailangan niyang mas lumayo pa at pigilan ang pagdurugo ng sugat para hindi siya ma-trace. Nang mapagod ay eksaktong nakakakita siya ng mas mayabong na puno at doon na umupo. Hindi na niya namalayang nakatulog na siya. TAHIMIK na naglalakad si Tiffany papunta sa tingin niya ay pinaggalingan ng narinig niyang putukan ng mga baril. Imbes na sa ilog, ay nagdesisyon siyang sa kabilang bahagi naman pumunta. Nang magsimula na siyang tahakin ang daan ay saka niya narinig ang mga ingay. Bigla siyang kinabahan pero lumapit pa rin siya doon. Ewan niya kung bakit pero pakiramdam niya ay kailangan niyang magmadali papunta roon nang makarinig ng mga putok ng baril habang naglalakad. Baka may nangangaso nang dis-oras ng gabi. Hindi ba, ipinagbawal na ng mayor ng Santa Clara iyon, bakit may mga nakakalusot pa? Nang makarating sa lugar ay may narinig siyang mahinang ungol. May nag-se-s*x sa kakahuyan ng ganitong oras? “Lord, please forgive me and my dirty mind.” Lalo siyang nakaramdam ng matinding hiya nang marealize kung saan patungo ang kanyang ideya. For heaven’s sake, isa pa rin siyang madre sa puso at diwa kahit desido na siya sa paglabas. Sa loob ng ilang taon niyang pamamalagi sa kumbento ay hindi niya dapat naiisip ang mga ganoong bagay. Ipinilig niya agad ang ulo para mabura ang kung anumang mga hindi kaaya-ayang isipin. Binagalan na niya ang lakad at pinakinggang mabuti ang ungol. Pilit niyang hinanap kung saan ang eksaktong lokasyon nito. Habang papalapit sa lugar na tingin niya ay pinagmumulan nito, bigla siyang napaatras. Natakot siya sa mga ideyang pumasok sa isip niya. Naalala niya kasi ang usapan ng mga matatanda sa orphanage nila ng minsang ma-assign siya doon. Tungkol sa mga aswang at lamanglupa ang pinag-uusapan ng mga ito. Madalas daw kasi ang mga iyon sa mga liblib na lugar katulad ng bayan ng Santa Clara. Kapag nasa paligid ang mga ito ay mga ungol o hindi kaya ay huni ng ibon at tunog ng baboy ang maririnig kapag nasa malapit sila. Pwede ring sutsot o mga nakakakilabot na halakhak. Ang iba pa ay kayang gayahin ang anyo at boses ng isang tao. Lalo siyang nahiya sa mga naisip. Bakit iyon pa ang kanyang naisip samantalang isa siyang novice na malapit nang maging isang madre? Dahil sa kaalamang iyon ay tinalo ng matinding curiosity niya ang kabang bumabalot sa kanya. Maya-maya’y narating na niya ang pinagmumulan ng ungol. Nakita niya ang isang lalaking nakayukyok ang ulo at may benda ang braso. May marka iyon ng dugo tanda na may hindi magandang nangyari dito. Lalapitan na niya ito nang bigla siyang mag-alangan. “Paano kaya kung aswang ito baka kainin ako,” bulong niya sa sarili. “Iyong totoo, Sister Mary Anthony, naniniwala ka sa aswang?” Mukhang mauubos na naman ang mga reserba niyang panalangin. Pero paano kung serial killer ito na tinutugis ng mga pulis? Baka malagay pa siya sa panganib. Ilang saglit siyang nanatiling nakatayo lang para pag-isipan ang gagawin. Sa huli, nanalo na naman ang pinaghalong curiosity at awa para dito. Nang makalapit dito ay nabistahan niyang mabuti ito. Wala itong suot na pang-itaas ngunit naka-slacks at leather shoes ito. “Yayamaning aswang,” tili ng isip niya. Lumuhod siya sa harap nito at nakita ang buong anyo nito pero nakayuko pa rin dahil mukhang nakatulog na ito. “Nice pecs and biceps. Nice abs. Parang gusto ko nang magpahawa ng pagiging aswang dito. Aba kakaiba ito ha!” Ewan niya kung anong masamang espiritu ang sumapi sa kanya at dinama ang leeg nito at pinakiramdaman kung buhay pa ito. Naramdaman naman niya ang normal na t***k doon. Dinama niya ang dibdib nito para makasiguro o para maka-tsansing. “Buhay pa! Buhay na buhay siya! Pero bakit parang ako ang mas buhay na buhay ngayon?” Agad niyang na-realize ang ginagawa niyang panlalapastangan sa isang lalaking bumaba mula sa Mount Olympus. Nakaramdam na naman tuloy siya ng hiya at muling humingi ng tawad sa Diyos. Pero naalala niya bigla ang naging usapan nila ni Reverend Mother. “When in doubt, faith will spring out and lead you to the right path.” Iyon na nga ba ang isa pang sign na hinihingi niya. Kumbaga sa furniture, buong-buo na. Ang machong lalaki sa harap niya ang hinihintay niyang finishing touches. Natigil siya sa pag-iisip nang muli itong umungol kaya lumuhod na siya upang gisingin ito. Tinapik niya ito sa pisngi pero muli lang itong umungol. Nilakasan na niya ang ginawang pagtapik dito at mukhang nagising na kaya ganoon na lang ang pagkatulala niya nang kumilos ito at mag-angat ng tingin. “Tiffany baby,” nanghihinang sabi nito. “Are you gonna kill me now?” “What?” Kill him? Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Pero mas hindi niya maintindihan ang biglang pagsasal ng kanyang dibdib. Mukhang sinamantala iyon ng lalaki dahil muli na naman itong humirit. “You’re beautiful.” Iyon lang at mabilis na ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito at siniil siya ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD