“Mga kababayan, lubos akong nagagalak na itampok sa inyo ang napakabait, tapat, at masipag na alkalde ng Santiago, ang ating nag-iisang Mayor Pogi, Mayor Leandro Lagdameo,” masiglang bungad ng kanilang campaign manager.
"'Tol, tawag ka na," bulong sa kanya ni Isaac. Lutang siya sa dami ng iniisip kaya wala roon ang buo niyang atensiyon.
“Thank you, ‘tol” pasimpleng pasasalamat niya rito. Pinsang buo niya ito at itinuturing na kapatid at matalik na kaibigan. Tinapik lang nito ang balikat niya at itinuro ang mikropono.
“Magandang gabi mga kababayan,” nakangiting bungad niya sa mga tao. Agad na sinagot siya ng mga ito ng masigabong palakpakan at malakas na hiyawan. Nagmukhang concert ng boyband ang kanilang kampanya dahil sa kanila ni Isaac base sa mainit na pagtanggap ng mga tao. “Unang-una, nagpapasalamat ako sa napakainit niyong pagtanggap sa aming partido dito sa inyong lugar.”
“Mayor Lagdameo for governor,” malakas na sigaw ng marami habang itinataas ang kanya-kanyang banner. Lalo siyang ginanahan sa kanyang talumpati.
“Nakakatuwa hong makita at marinig ang inyong suporta. Alam kong malaking hakbang itong gagawin ko. Mula sa pamamahala at paglilingkod sa Santiago bilang mayor, tumatakbo ako ngayong gobernador ng buong lalawigan. Marahil para sa iba ay batang-bata pa ako para sa posisyong ito. Pero naniniwala ako na wala sa edad ang paglilingkod kundi nasa puso at gawa. Masaya akong ipagmalaki na ang Santiago City na mula sa fifth class city noong ako ay umupo, aalis akong nasa third class city na ito. At iyon ang isa sa mga gusto kong mangyari sa mga karatig-lungsod nito. Pero hindi naman iyon mangyayari nang ako lang ang kumikilos. Malaking tulong ang ibinigay ng aking pinsang si Congressman Isaac Lagdameo, kasama ng aking vice mayor, mga congressman, mga konsehal, mga barangay officials, at lahat ng mamamayan ng Santiago.”
“Mayor Lagdameo for governor,” muling sigaw ng mga tao.
“Maraming salamat mga kababayan.” Muli niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay para i-acknowledge ang suporta at kalmahin ang mood ng mga ito. “Ang isa ko pang sinisigurado sa inyo ay walang masasayang kahit na piso sa buwis na mula sa taumbayan. Ibibigay namin sa inyo ang nararapat na suporta at serbisyo. Pauunlarin natin itong lalawigan mula sa mga health and social services hanggang sa business establishments. Pero pananatilihin nating ligtas ang ating natural resources. Walang maiiwan sa kahit na sino sa atin. Sabay-sabay tayong kikilos at babangon para labanan ang korapsiyon, pagyamanin ang kung anong meron tayo, at pasiglahin ang buong lalawigan.”
“Mayor namin iyan,” sigaw ng ilang libong supporters niya na sumama sa pagluwas mula Santiago City papuntang bayan ng Santa Clara.
“Muli po, maraming maraming salamat sa mainit niyong pagtanggap at umaasa ako sa inyong suporta sa darating na halalan,” nakangiti niyang pagtatapos ng kanyang talumpati. Muli siyang bumalik sa kanyang kinauupuan at inabot ang tubig na bigay ng kanyang secretary. Pagkatapos magsalita ng kanilang campaign manager ay sabay-sabay silang pumunta muli sa unahan at nag-bow. Pagkababa niya ay marami agad ang sumalubong sa kanila. Pilit na lumalapit ang mga ito sa kanya habang ang mga bodyguards nila ay hindi magkamayaw sa pagharang sa kanila at pagkontrol sa mga tao.
Totoong natutuwa si Leandro sa natatanggap na suporta sa mga tao sa Santa Clara. Kahit siya ay hindi makapaniwala na ganoon na pala ang narating ng kanyang serbisyo. Nakakaisang termino pa lang siya bilang mayor ng Santiago nang piliin siya ng partido na kumandidatong governor. Si Isaac sana ang balak sanang patakbuhin ngunit malakas ang kalaban na reelectionist. Dahil likas na mas malakas ang karisma niya sa mga tao ay siya ang piniling tumapat dito. Maluwag naman iyong tinanggap ni Isaac na todo ang ibinibigay na suporta sa kanya. Kahit kailan hindi nila iniwan ang isa’t isa. Bagaman at ilang beses silang nagkaroon ng kompetisyon noong mas bata pa sila, madalas naman itong nagpaparaya sa kanya. Kaya naman lahat ng hilingin nito ay ibinibigay niya kahit gaano pa iyon kaimposible.
Ang vice governor naman nila ay hindi rin ganoon kalakas ang appeal sa tao. Kahit nagboluntaryo ito ay hindi rin naman pinaboran ng buong partido. Nalungkot ito nang malamang hindi ito ang napili ngunit tinanggap pa rin nito. Pinuntahan niya pa ito para humingi ng dispensa na tinanggap naman nito at sinabing nauunawaan siya. Ang sabi nga nito, iisa lang naman ang layunin nilang mapaunlad ang bayan at wakasan ang korapsiyon. Magiging reelectionist ito at mananatili sa partido nila.
“Maraming salamat, mga kababayan,” patuloy siya sa pakikipagkamay sa mga tao. Ang iba ay niyayakap at hinahalikan pa siya. Nasanay na rin naman siya kaya lang minsan ay naaasiwa siya kasi ang iba ay halos sa labi na siya halikan lalo na ang mga kadalagahan. Mga babae, iyon lang siguro ang nag-iisa niyang kahinaan. Sabi ng marami ay heartbreaker siya. Para sa kanya ay hindi naman. Kahit kailan ay hindi niya pinagsabay-sabay ang mga naging ka-date niya. Kadalasan pa nga ay ang mga ito ang pilit na nakikipaglapit sa kanya. In all fairness, lahat ay hinihiwalayan niya nang maayos kahit sabihin pang casual flings lang ang karamihan doon.
“‘Tol, si Stacy,” bulong ni Isaac sa kanya at pasimpleng itinuro ang babae. Reporter ito na naroon para i-cover ang pag-aanunsiyo ng kanilang kandidatura sa lalawigan. Isa ito sa mga naging casual flings niya. Of course, hindi lamang simpleng paglabas para kumain sa restaurants and hotels. Wala sa mga ito ang hindi nauwi sa kama. Lahat naman iyon, doon ang kinahinatnan. Nang mapalingon siya ay nakita niyo ito na nakaabang na at nakatingin sa kanya. Matipid niya itong nginitian at tinanguan.
“Hi Lean,” nakangiting sabi ni Stacy sabay pasimpleng halik sa pisngi niya kaya agad siyang napaatras nang bahagya,
“Hello Stacy, got to go,” nagmamadaling sabi niya.
“Not before this,” muli siyang hinatak nito at mabilis na kinintalan ng halik ang kanyang mga labi.
“Woah,” gulat na wika niya at muling umatras. Awkward talaga ang ginawa nito lalo na at sa harap ng maraming tao.
“Hindi yata maka-move on sa ‘yo ‘tol. Pagbigyan mo na,” nakangising sabi ni Isaac nang makarating na sa mga kotse nila.
“‘Tado,” nakangisi niya ring sabi. “Alam mo namang tapos na kami matagal na. Ikaw na lang ‘tol. Ikaw naman ang laging nagpapantasya doon.”
“Parang sinabi mong kainin ko iyung mga buto ng manok na naiwan sa plato mo,” natatawang wika nito.
“Loko ka talaga. Sige na sumakay ka na.”
“Sige ‘tol. Bukas doon na ako didiretso sa Santuario.”
“Okay,” sabi niya at tinapik ang balikat nito bago lumulan ng kotse niya. Napangiti siya nang biglang maalala ang kabataan nila. Sa totoo lang ay hindi pa rin siya makapaniwala na ang dating tambayan nilang walong magkakaibigan ay isa na sa mga sikat na exclusive leisure club for men. Dalawang taon pa lang ang Santuario de Santiago pero bilyon na agad ang kinikita. Siniguro nilang mangyayari iyon dahil mula sa luxury hotel sa loob ay may kanya-kanyang cabin ang mga miyembro. Bawat miyembro ay may access sa lahat ng leisure activities sa loob ng club. From sports to spa and restaurants, name it, and you can enjoy it there. It was a paradise, a sanctuary for men like thom who wanted to escape the stressful world outside.
Ang kinikita ng club ay mula membership fees, renewal fees, at renewal fees. Kasama na sa binabayaran ng mga ito ang maintenance at improvement ng buong club. Kahit maghapong magbabad ang mga ito sa swimming pool, mag-relax sa spa, at magpapawis sa kung anu-anong sports, walang problema. Pero kailangan pa rin magbayad ng miyembro sa mga pagkain sa restaurants, mga bibilhin sa department at supermarket sa loob mismo ng club, at hotel bookings.
Indeed, the Santiago Brothers have gone a long way. All of them were happy in their chosen careers. All their money and efforts paid off as they basked in their success.