Chapter 4

2399 Words
Pagkaupo niya ay natigil ang kanyang pagbabalik-tanaw. Agad niyang tiningnan ang kanyang cellphone. Gaya ng inaasahan, maraming text messages at missed calls iyon. Kung hindi sa kanyang mga kapartido ay sa kanyang pamilya. Pero mas marami doon ay mula sa mga naka-date niya. “Will you warm me up tonight, lover boy. You know what I want to do? I want to squeeze a can of whip cream all over your body and give you head that will drive you nuts. I want you to pound me all night, Mayor Hottie.” Napangisi na lang siya sa nabasa. Galing ito kay Katrina Bermudez, isang model at socialite. Isa ito sa mga ka-date niya na sinabihan na niyang hindi na ilalabas. Pero makulit naman ang mga ito at walang tigil sa pagtetext at pagtawag sa kanya. Sa cellphone man o telepono sa opisina niya. Mabuti na lang at maaasahan niya ang secretary niya at hindi na niya kailangan pang sabihan kung ano ang mga dapat na alibi ang sabihin niya. Isa pa ay may ka-date siya ngayon na plano niya nang tigilan dahil mas nagiging abala na siya sa kampanya. Nang magsawa ay ibinulsa niya na iyon at inilabas ang maliit niyang swiss knife na hindi niya alam kung bakit gusto niyang nilalaro kapag walang magawa. Paglingon niya ay nakita niyang nakatingin sa kanya ang secretary niyang si Belle. “What?” Painosente pa siyang nagtanong dito habang bahagyang nakataas ang mga kilay nito. “Mayor, kailan ba kayo titigil sa pagpapaiyak sa mga babae? Nakukulili na ang tenga ko sa ring ng telepono sa opisina. Nagsasawa na akong mag-isip ng kung anu-anong alibi sa kanila.” Hindi niya napigilan ang mapahalakhak dahil halata ang pagkainis sa mukha nito. Dahil siguro sa pagod kaya hindi na nito nagawa pang itago iyon. Mula nang maging konsehal siya ay ito na ang naging secretary niya kaya naman palagay na ang loob nila sa isa’t isa. “I’m sorry, Belle,” natatawa niyang sabi habang tinatapik ang balikat nito na parang nakababata niyang kapatid ito. “Hmp,” napasimangot lalo ito. “Sorry na nga.” “Seriously mayor, when do you plan to settle down?” “How about never?” “So you plan to sire bastards all over the country?” Para itong naeskandalo base sa reaksiyon nito. Lalo naman siyang natawa at nagdesisyong asarin ito. “That’s a good idea. I can be the local version of Genghis Khan, you know?” Siya, si Leandro Lagdameo, thirty-four years old, single and always willing to mingle, magpapatali? Never. Minsan na niyang muntik gawin iyon para pagbigyan ang kanyang ama na ipinagkasundo siya sa anak ng business partner nito pero mabuti na lamang at hindi natuloy. “And according to you, you’re not a ‘playboy’ whatever,” naiiritang sabi nito habang mabilis na gumuhit ng panipi sa ere at umismid. “Hey, nawawalan ka na ng respeto sa akin,” pang-aasar niya lalo rito. “Okay, I’m sorry. But you have to hear the truth. You’re a playboy or maybe a jerk. And I am concerned about you because I already consider you a good friend. Paano na kung biglang may mga eskandalo na dumating totoo man o hindi. Gusto mo bang makita ng mga tao ang mga private liaisons mo tapos sasabihin nila ‘Kung mga babae nga niloloko niya, tayo pa kaya?’” “Hey, that’s not fair,” nakasimangot nang sabi niya. “You know that I never dated many women at the same time.” “Still!” “Oh ano? May point ako aminin mo,” natatawang sabi niya. “Hindi rin, Mayor,” frustrated na sabi nito. “Bahala ka na diyan kapag may sumugod na naman sa ‘yo at i-flying kick ka bago pilipitin ang braso mo,” pang-aasar nito bigla. “Why did you have to bring it up again?” Hindi niya mapigilang mapasimangot dahil dito. Bumalik sa balintataw niya ang imahe ng isang napakagandang babaeng may maamong mukha. Oo, hindi ito ang pinakamaganda at kasing-glamorosa ng mga naging ka-date niya. But she was one of a kind, the most indelible among them. The longer he stared at her face, the more beautiful she became, at least to him. There was something in her eyes that seemed to know what’s on his mind and that was what he hated most. But she was different and he could not understand why. Unfortunately, she was one of those he had to dump because of that damn arranged marriage. Four years ago, he got engaged with the daughter of his father’s business partner. Because he did not care, he just said yes. During the engagement party, bigla itong sumulpot suot na nakabihis bilang isa sa mga staff ng hotel. That was the first time he saw her raging mad, ready to m**m him. “How dare you, Leandro!” “I’m sorry, okay. I thought I’d already made myself clear the last time we talked.” “Ikaw pa ngayon ang mayabang ha, Andoy?” “Will you stop calling me that hideous name? Paano ka ba nakapasok?” “You’re a monster! I gave everything I had.” “Look, I’m really sorry, but that’s it. Just try to believe that some things are not meant to happen. Baby er Tiffany, we are making a scene here,” nasabi na lang niya para tumigil na ito. “You’ll pay for this.” Before he knew it, nabigyan na siya nito ng isang flying kick. Sapul ang kanang panga niya bago siya binigyan ng isang right hook. Totoo pala ang pakiramdam na parang nakakita ng mga bituin kapag ganoon. Namalayan na lang niyang nakahiga na siya bago siya nito dinaluhong at binigyan ng matinding kimura lock na para silang nasa MMA competition. Napahiyaw siya sa sakit at pilit na inabot ito pero naka-lock na ito at wala na siyang magawa. Samantala ang mga bodyguard niya ay natulala at nagmistulang audience ng UFC. Siya naman ay patuloy sa pagtapik ng sahig na akala mo ay may darating na referee para awatin ang babaeng nabaliw na yata. Hindi niya na naalala ang sunod na nangyari dahil paggising niya ay nasa hospital suite na siya, may dextrose at splint sa kanang braso. “What happened?” Iyon agad ang tanong niya pagkakita sa mommy niya at kapatid na babaeng nakabantay sa kanya. “You can’t remember, Kuya Lean?” Hindi niya maintindihan kung bakit nakangisi nang nakakaloko ang kapatid niya. “Wait,” sabi niya at pilit na inalala ang mga nangyari. Nang bumalik siya sa huwisyo ay naalala na niya ang pinaggagawa sa kanya ng baliw na ex-lover niya. “Damn! Where is she? I’m gonna wring her neck.” Hindi niya mapigilan ang mabilis na pag-ahon ng inis. His right arm was injured. His ego was bruised. Damn that woman pero gusto niyang matawa sa kabila ng panliliit na nararamdaman. He did not know she was capable of knocking him out. Wala kasi sa hitsura nitong napakaamo at masyadong delicate. He taught her martial arts. Black belter siya sa limang forms ng martial arts. Noong kasama niya ito sa rest house ng pamilya niya ay nakita siya nitong nagpa-practice at kinulit siyang turuan ito. Ito lang naman din ang nakapanood ng training niyang mag-isa dahil sa lahat ng mga naging babae sa buhay niya ay ito lang ang dinala niya sa rest house. Dahil hindi niya mapahindian at gustong masigurong ligtas ito kahit wala siya sa tabi nito ay tinuruan niya nga ito. Iyon lang, sa kanya lang pala nito gagamitin ang mga itinuro niya. Well, at least it paid off, but at his expense. “Wring her neck, when she kicked your ass and knocked you out? I dare you, my lousy brother,” pang-aasar ng maldita niyang kapatid na biglang tumawa. Ang mommy naman niya ay napapailing-iling na lang bagaman may ngiting pilit na pinipigil. “Where is she?” “In jail, kuya. Why, you want a rematch?” “Shut up,” napipikon niyang sabi rito habang pilit na pinupulot ang nagkapira-pirasong ego niya. Sino ba naman ang hindi manliliit pagkatapos siyang bigyan nito ng mga pasa at patulugin sa harap ng maraming tao. “I’ll deal with that bitch.” “Oh no, son. You have to take total bed rest according to the doctor,” nababahalang sabi ng mommy niya. “But I’m fine now, mommy.” “No. You will have to stay here until tomorrow. And please stop whining like a sissy.” “Fine,” sumusukong sabi niya. He really had to talk to that deranged woman. Hindi pa sila tapos. Kinabukasan ay pinayagan na siyang lumabas at kahit pinipigilan siya ng kanyang mommy at kapatid ay walang nagawa ang mga ito. Pinauwi na niya ang mga ito habang siya ay dumiretso sa presintong pinagdalhan sa babaeng nambugbog sa kanya. Pagdating sa presinto ay in-escort-an siya ng isang pulis sa selda na solo nito base na rin sa instructions niya. “Look who’s here?” Hindi niya mapigilan ang maging sarcastic bagaman hindi niya mapigilang maawa rito. “Look who’s here? The cheater is here. Guess what? I beat him to a pulp last night,” nakaismid na sabi nito habang hindi maitago ang inis. “Well, aren’t you gonna apologize?” “And why is that?” “The face you loved to stare, the lips you loved to kiss are bruised.” “Oh poor little boy. Sorry for knocking you out. Aren’t you proud of yourself? You were the one who taught me those stunts. At least, you could say you were a good trainer.” “Are you happy seeing the one you loved with bruises and a splint?” “Shut up! I don’t love you!” Hindi talaga siya makapaniwala na sa liit nito ay nagawa siya nitong patumbahin nang ganoon kabilis. Pero hindi niya ba alam kung bakit gusto lang niyang matawa habang nasa harap ito. Napakaganda talaga nito lalo na ngayong bakas na bakas ang galit. He could not stop himself from flirting with her kaya sa kabila ng benda sa isang braso at mga rehas ay nagawa pa rin niyang kabigin ito palapit sa kanya. Sa pagitan ng mga siwang ay siniil niya ito ng halik. Ilang saglit lang ay maalab na itong tumutugon. Ipinagsalikop pa nito ang mga braso nito sa batok niya. “Oh s**t," kinakapos sa hiningang sabi niya at saglit na kumawala. “Not now," sagot ni Tiffany na agad siyang hinila at muling hinalikan. “You're so good at it.“ Hingal na hingal sila nang maghiwalay. Nang mapatingin siya sa mga pulis at mga bodyguard niya ay parang naestatwa lang ang mga ito. Muli niyang binalingan ito kasabay ng isang mapang-asar na ngisi. “Now, tell me you don’t love me.” “I don’t love you. And you deserved it, asshole!” “The kiss? It’s delicious, baby. Still the best,” patuloy na pang-iinis niya rito. “You know what? You’re a jock with an inflated ego. How did it feel to be knocked out in front of your constituents? Feeling mo ba sa kilos mo eh nakabawi ka pa. Oh poor, boy, tsk tsk.” Naramdaman niya tuloy ang biglang pag-iinit ng mukha dahil sa pagkapahiya. He was more than sure he was blushing in front of her. “Okay, I get it,” naiinis na sabi niya at binalingan ang isang pulis. “Hayaan niyo iyan dito.” “Hey, you can’t do that to me! Ikaw pa ngayon ang galit ha, Andoy?” “Just say you are sorry.” “No.” “Fine. Hayaan niyong mabulok iyan dito.” “Hoy, illegal detention ito! Hindi ko pa nakakausap ang lawyer ko! You can’t do that to me!” “Try me,” nakaismid niyang sabi bago iniwan ito. Paglingon niya dito ay tahimik na itong nakatanaw sa kanya. Galit na galit ito at parang handa siyang katayin pero hindi maitago ang pinipigil nitong mga luha na pumatak bago pa man ito makatalikod. Sa huli, gusto niya sapakin ang sarili dahil niya rin ito matiis. Kinausap na lang niya ang mga pulis na palabasin na lang ito ng hapon. Pagkalipas ng ilang araw ay naabutan na lang niya ang kotse niyang tadtad ng spray paint. “Leandro Lagdameo is an asshole. Leandro Lagdameo was knocked out by a woman. Don’t vote for him because he will also cheat on you.” Bukod doon ay may mga kung anu-ano pang obscene images. Napabuntong-hininga na lang siya. Nang tuluyan nang makalapit ay kabadong-kabado ang kanyang driver na kakamut-kamot na lang sa ulo nito. Nakita niya rin ang isang maliit na envelope na nakasiksik sa wipers. Binasa niya iyon. “You will pay big time, Leandro Lagdameo! I will remove your p***s, rip your guts out, and feed them to the dogs!” Gusto niyang kabahan pero hindi niya maiwasang matawa. Sure, his Tiffany was very sweet and a bit timid. He did not know that she was capable of doing that because she had a heart of gold. Alam naman niyang hindi nito magagawa iyon. At tama nga ang hinala niya dahil halos apat na taon na ngunit wala na siyang balita rito. Tumigil din siya sa pagbabalik-tanaw nang muling magsalita si Belle. “Eh kasi naman,” nahihiyang sabi nito tila noon lang narealize na sumobra ito. “I’m sorry.” “Okay lang, basta walang mali sa ginagawa ko,” pang-aasar niya ulit dito. “Hindi! Palagay nating walang mali. Maganda ba iyong gawing ehemplo ng mga kabataan. ‘Ay si mayor hindi pinagsasabay ang mga babae, pero kapag nagsawa pwede nang i-dump. Maghahanap na naman ng bago. Okay pala iyon kaya ganun na lang din gawin natin kasi effective.’” “That’s unfair, Belle. I did not just dump them, okay? We were dating, yet they were too possessive and acting as if we were official. Do you think that is fair to me? Isa pa kagaya ng sinabi ko, hindi ako nakikipagdate nang sabay-sabay.” “Fine, mayor. Well, I guess you have a point there,” defeated na sabi nito. “Hay Belle, you are a gem of a person,” natatawang sabi niya. Pagkatapos ay napasandal na lang sa upuan at mabilis na nakatulog dala ng antok, pagod, at gutom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD