Masayang sinimulan ni Leandro ang araw niya na parang nanalo sa lotto. Sa maraming pagkakataon, tamad na tamad siya kapag darating ang Lunes dahil panigurado ay tambak na naman ang dapat niyang basahin at pag-aralan. Pero kakatwang para siyang uminom ng isang litrong red bull dahil sa hindi maipaliwanag na sigla. Maliban sa pagiging mayor at engineer, pakiramdam niya dati ay walang malinaw na direksiyon ang kanyang karera. Wala siyang maayos na goal, kaya nga siguro ipinagkasundo siya ng daddy niya sa anak ng isa sa mga business partners nito na hindi rin naman natuloy. Pagkalipas ng halos apat na taon para siyang nagising sa isang mahabang panaginip. Pakiramdam niya tuloy ay rejuvenated siya at walang makakagulo ng kanyang magandang mood. Tiffany was his again and he would not lose her

