Nakasandig lang si Tiffany sa matipunong dibdib ni Leandro. Nagpasya rin silang magpunta sa Santuario. Ayon sa lalaki ay maraming istorbo sa beachhouse ng pamilya nito lalo na at naroon ang kapatid nitong makulit. Nakasakay sila sa bangka at ito ang nagsasagwan. Siya ay feeling leading lady lang na naka-relax lang habang nakasandal sa katawan nito. Nasa dulong bahagi ng club ang ilog at medyo masukal papunta roon. Sinadya raw ng mga itong panatilihing ganoon ang bahaging iyon. Hindi na siya nagtanong kung for aesthetic purposes o mayroon bang sentimental value or emotional attachment ang Santiago Brothers doon. Nag-camping lamang daw kasi ang mga ito roon at mula noon ay pinangako ng mga itong gagawin iyong sanctuary. Napakahusay mag-isip ng mga ito lalo na si Apollo na nagsisilbing lider

