Pasado alas-diyes na ng gabi ay nakababad pa rin sa bathtub si Tiffany. Masayang-masaya siya sa naging takbo ng usapan nila ni Leandro. Kahit naroon pa rin ang kaba, hindi niya maiwasang mapangiti. Naniniwala siya dito dahil kitang-kita niya ang sinseridad sa mga mata nito. Sa paraan ng paghalik at pagyakap nito sa kanya na parang takot itong mawala siya. Alam niyang hindi na siya nito magagawang saktan dahil pangako nito iyon na kanyang panghahawakan. Pakanta-kanta pa siya nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Napatili pa siya nang makita si Leandro. Nagulat din ito pagkakita sa kanya. Dahil adjoining ang banyo sa kuwarto nila, dapat ay isinasara niya ang pinto papunta sa kuwarto nito pero nakalimutan niya. “Naliligo pa ako, Leandro!” “Sus, kunwari pa. Iniwan mo lang din yatang buk

