Chapter 20

1519 Words
Para lang silang mga batang naglalambingan habang nasa kotse kahit nahihiya siya sa driver at mga bodyguard nito. Hindi maitago ang ngiti ng mga ito. Alam niyang mabait din sa tauhan si Leandro pero hindi ito ganoon ka-showy. “Kiss mo ako,” bulong niya rito. Ngumiti ito at pinagbigyan siya. Nang makarating sa bahay ay si Yaya Meling ulit ang sumalubong sa kanila na napatutop na naman sa bibig nang makita siya. Paano ay wala na siyang suot na abito. Sa halip, pang-opisina na ang kanyang damit. “Tiffany?” “Magandang hapon, Yaya Meling,” nakangiting sabi niya rito. “B-bakit hindi ka na madre? Lumabas ka sa kumbento?” “Kayo talaga,” natatawang sabi niya sabay tumingin kay Leandro na nakangiti rin. “Andoy, nagugutom na naman ako.” “Sabi ko na nga ba mahal mo pa ang pasaway na alaga ko eh. Tamang-tama kagagawa ko lang ng lasagna. Hala, doon na kayong dalawa sa dining room at sabayan niyo na ang mommy, daddy mo, Leandro, at si Lisa doon,” pagtataboy sa kanila ng matanda. Pagdating nila sa dining room naroon nga ang mga ito at kumakain habang si Lisa na naman ang bumabangka sa usapan. “Mommy, Daddy, Lisa, nandito na naman kayo?” Nagkibit-balikat lang ang daddy nito at maang na napatitig sa kanya. “Ate Tiffany? What happened to you? One month pa lang, lumabas ka na agad? Sabi ko na nga ba mahal na mahal mo pa rin ang kuya kong gwapo eh,” masayang sabi nito. “Lisa!” “Hay ayan na naman si daddy,” reklamo nito at itinuloy ang pagkain. “But really, I’m happy for you.” Habang kumakain, napag-usapan nila ang tungkol sa negosyo at eleksiyon. Ramdam na ramdam niya ang conscious effort ng daddy ni Leandro na panatilihing iyon ang topic nila. Samantala sina Lisa at ang mommy ni Leandro ay patingin-tingin lang sa kanya at napapangiti. Lalo tuloy siyang nailang. Paano ba naman, panay ang subo sa kanya ng lasagna ni Leandro habang nakikipag-usap ito sa daddy nito. Halos doon na lang siya kumain sa plato nito. Siya naman, panay ang subo ng galing sa plato niya. “Leandro, magpalit na nga lang kayo ng plato,” natatawang sabi ng mommy ni Leandro na halatang hindi na napigilan ang pamumuna. Noon lang din napansin ni Leandro na halos ubos na ang plato nito dahil siya at siya lang ang sinusubuan nito. “Oh naubos na pala. Busog ka na ba?” “Busog sa pagmamahal,” pagbibida na naman ni Lisa. “Maria Lisa, kapag hindi ka tumigil, papupuntahin ko na talaga dito si Alessandro,” naiinis na sabi ng daddy nito. As usual nanahimik na naman ito. Nang mapatingin siya kay Leandro ay pinipigilan din nito ang matawa at sinenyasan siyang huwag nang pansinin si Lisa. Nang matapos silang kumain ay inihatid siya nito sa guest room para makapagpahinga. Nag-ayos siya ng sarili at nagpahinga sandali bago tumawag sa kanyang mommy para magpaalam na hindi makakauwi. Nang malaman nitong nasa beach house siya ng pamilya ni Leandro ay wala naman itong ibang sinabi na ipinagtaka niya. Parang masayang-masaya pa nga ito. Alam niyang mas pabor itong magkaroon siya ng pamilya at iba naman talaga ang karisma ng isang Leandro Lagdameo. Nang matapos ay nagpasya siyang lumabas ng kuwarto at pumunta sa tabing-dagat para makapag-usap na sila. Pagdating niya roon ay nakita niyang nakaupo sa hammock si Leandro at nakatitig lang sa papalubog na araw. Nang makita siya nito ay sinenyasan siya nitong lumapit. She sat and rested her head on his shoulders. She felt him hold her hand and pressed it gently. As they watched the sunset together, she felt a colossal need for propinquity. And it was so poignant because she understood that she never stopped loving him after all these years. She missed Andoy, her sweet Andoy. She has always loved calling him that name and no matter how irritated he seemed, he would just always sigh and kiss her with inextinguishable fervor. But he broke her heart and crushed it into pieces. Now, seeing him would mean another suicide. Yet, she could not help but feel so alive, whole, and content. Parang makita niya lang si Leandro, wala na siyang kakailanganin pa. And once again, she was falling head over feet. Pero handa na ba siyang ibigay ang puso rito at magtiwalang hindi na nito iyon muling dudurugin? Wala naman itong ipinangako mula nang may mangyari sa kanila. And she was so scared because no matter how hard she tried to run away from him, a strong force always seemed to pull her toward him. He kept kissing the top of her head while she was getting drowned with the overwhelming feeling that she tried to repress years ago. And like a tsunami, it seemed that her love had taken a strong momentum before surging back at her. The realization was so shocking that she could hardly contain it. Before she knew it, he tilted her head gently and wiped away the tears that streamed down her cheeks. He kissed her forehead and kept saying “I’m sorry.” “Andoy.” Iyon lang at niyakap niya ito nang mahigpit at hindi na napigilang umiyak sa dibdib nito. Ito naman ay patuloy lang sa paghagod sa kanyang likod. “Ssshh. It’s okay, baby. You can cry all you want.” “Ikaw kasi eh,” natatawa pero humihikbi pa ring sabi niya. “Sorry na please,” sinserong sabi nito nang pinakawalan siya nito at tinitigan ang mukha niya. Nagulat pa siya nang bigla itong lumuhod sa buhangin. “Huwag ka nang umiyak, Tiffany. Hindi ko na uulitin, baby, promise.” Nang tumango siya ay napangiti ito nang matipid at hinalikan ang tungki ng ilong niya at niyakap siya. Nanatili lang itong nakaluhod habang yakap siya at pinapatahan siya. Pagkalipas nang ilang minuto ay tumigil na siya sa pag-iyak pero nanatiling nakayakap dito. She missed the warmth of his embrace. It has been years, but the feeling did not fade away. It became stronger that it could devour her. Nang mangalay ay pinakatitigan niya ang seryosong mukha nito. Mukha itong batang may kasalanan kaya hindi niya napigilang mapahalakhak. Lalo siyang natawa nang kumunot ang noo nito dahil parang nasa kongreso ito at nakikipag-debate sa kapwa congressman. “Sorry na.” “Now, you’re laughing at my expense.” Hinaplos niya lang ang pisngi nito. Maya-maya’y hinalikan niya ang kaliwang mata nito, kanang panga, at gilid ng mga labi nito. “Andoy, my handsome baby, sorry ha. Hindi ko talaga sinasadya eh.” “Hindi mo pa pala sinasadya iyon, knockout na ako, may benda pa,” kunwaring nagtatampong sabi nito. “Nadala lang naman ako sa emosyon. Walang excuse doon sa ginawa ko kung hindi brokenhearted ako. Ikaw kasi eh.” “Sorry na nga,” malumanay na sabi nito. “Sorry din. Bakit pala natigil iyung supposed wedding mo?” “Bugbugin mo ba naman ako sa harap ng fiance ko eh, na-turn off tuloy,” natatawang sabi nito. “Sorry ha,” nahihiyang sabi niya rito. “Nah, I deserved it for being a jerk. I didn’t want to marry her anyway so it was fine.” “Sorry ulit ha.” Pinupog niya ng halik ang mukha nito. Paulit-ulit niyang hinalikan ang magkabilang pisngi nito, ang noo, ilong, at nag-landing siya sa mga labi. Hindi na nakawala pa ang mga labi niya nang ikulong nito ang mukha niya at palilimin ang halik. Maalab ang naging tugon niya kaya hingal na hingal sila nang maghiwalay sila. “Now, I wonder how I survived the past four years without those sweet kisses.” “Bolahin mo lelong mo. Huwag mo na akong utuin, Leandro. Ikaw pa?” “Eh iba naman iyon-” “So ano iyon, para kaming bibingka, may regular at special? Saan ako doon?” “Calm down, will you?” Bakas na bakas ang pagkataranta nito. "Fine, I admit to having dated a lot of women before. But the last time I saw someone was more than a month ago. Ikaw kasi eh, simula nang magkita tayo, pakiramdam ko palagi para akong nagtataksil sa iyo kapag susubukan kong makipag-date. Tuwing may hahalikan ako, makikita ko iyung mukha ng babaeng mukhang diyosa noong nakita ko isang gabi sa ilog sa likod ng kumbento.” “Totoo?” “Totoo.” “You’re not pulling my leg?” “Hindi kita lolokohin. Noon, nasaktan kita at walang excuse doon kung hindi ang katangahan ko. Pero pangako, hindi na kita sasaktan pa. Baka ako pa nga ang paiyakin mo eh.” “Andoy, natatakot pa rin ako pero magtitiwala ako sa iyo. Please, huwag mo nang ulitin.” “Baby, kapag umulit pa ako, puntahan mo ako kahit sa city hall. Magpa-live coverage ka. Bigyan mo ako ng flying kick, right hook, at kimura lock. I-knock out mo ako sa buong Pilipinas, hindi ako lalaban.” “Thank you, thank you, thank you, thank you, thank you,” paulit-ulit na sabi niya habang nakayakap dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD