Halos isang buwan nang pumapasok sa kompanya nila si Tiffany para sa kanyang mandatory training. So far, maayos naman ang takbo ng lahat. Hindi niya inaasahan na mag-eenjoy siya sa ginagawa. At times, she still missed the convent and doing things for the children. But she had to be busy or else her mind would keep drifting somewhere in Estrella. She tried to forget what happened between him in Leandro a month ago, but the memories lingered. Sa mga oras na nag-iisa lang siya sa kuwarto at pinipilit ang sariling makatulog, ito at ito lamang ang pumapasok sa kanyang isip. Kasabay nito ay ang pagdagsa ng kakatwang kasiyahan, kahungkagan, at init na tanging si Leandro lang yata ang makakapagbigay ng paliwanag. Kung kailan namang malapit nang mag-Pasko saka naman siya binabaha ng lungkot. Mabuti na lang malaking tulong sa kanya ang training dahil nagiging abala siya kaya kahit nagugulat sa kanya ang pamilya dahil pinapagod daw niya ang sarili ay parang robot lang siyang patuloy na gumagawa. She had to for she did not want to think of Leandro. Ayaw man niyang aminin, miss na miss na niya ito. "Para kang tanga, Tiffany. Niloko ka na nga ng palikerong iyon at ipinakulong pa. May nangyari lang sa inyo, miss mo na agad?"
Nawala siya bigla sa mood. Gusto na muna niyang umuwi para magpahinga. Biyernes na naman at tapos na niya ang kanyang daily tasks. Pumunta na muna siya sa opisina ng kanyang daddy para magpaalam. Pinayagan naman siya nito at sinabihang magpasundo sa driver nila. Ayaw na ayaw nitong mag-commute siya. Pero iyon, sobrang mapilit lang din talaga siya. Sa huli, napahinuhod na lang niya itong mag-bu-book na lang siya ng masasakyan. Malaki nga siguro ang naging pagbabago niya simula nang makatapak siya ng St. Clare of Assisi Monastery. Hanggang ngayon ay nadala niya ang payak na pamumuhay na lalong ikinatuwa ng kanyang mommy.
Nang may tumanggap ng kanyang booking request ay mabilis siyang nagligpit at bumaba ng lobby. Kasalukuyan siyang naghihintay sa labas ng building dahil limang minuto lang ay naroon na ang sasakyan. Nagulat siya nang may isang van ang huminto at bumukas bago naglabasan ang ilang mga bata at nag-formation sa harap niya. Gulat na napatingin siya sa mga ito nang magsimula ang mga itong mangaroling. Pagtingin niya sa sasakyan ay nakita niya si Leandro na nakatingin sa kanya. Hayun ito at gwapong-gwapo kahit halatang ilang araw na itong hindi nag-aahit. Biglang kumabog ang kanyang dibdib kaya iniwas niya ang tingin. Doon na lang muna siya sa mga bata nag-focus. Hindi tuloy niya maiwasang mapangiti habang pinapanood ang mga itong kumanta. Paano ba naman may isang batang matabang lalaking na naka-costume pa ng Santa Claus ang umaakto at pasayaw-sayaw pa habang ang iba ay may mga Santa hat.
“Hark! The herald angels sing Glory to the newborn King. Peace on earth, and mercy mild, God and sinners reconciled. Joyful, all ye nations, rise. Join the triumph of the skies. With th' angelic host proclaim Christ is born in Bethlehem. Har, the herald angels sing Glory to the newborn King.” Parang may mainit na kamay na humaplos sa kanya habang pinanonood ang mga ito.
Nang matapos kumanta ang mga ito ay tuluyan na siyang napangiti. Bumaba si Leandro ng sasakyan at lumapit pero tumigil ilang metro mula sa kanya. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya habang siya ay hindi alam kung ano ang gagawin. God knows how much she missed him. And no matter how hard she tried to brush him off, everything about him kept bugging her mind. Nang ibuka nito ang mga kamay ay wala na siyang pag-aalinlangang lumapit at yumakap dito. Ilang segundo lang silang nasa ganoong posisyon nang may lumapit na guard para patabihin sila dahil marami nang empleyadong galing sa lunch break ang nag-aalangang dumaan dahil sa eksena nila.
“Let’s go,” sabi nito at hinila na siya papuntang sasakyan.
Pasakay na sila nang tumunog ang cellphone niya at nakitang dumating na ang sasakyan. “I can’t.”
“Why?”
“Nag-book ako ng sasakyan pauwi.”
“That’s all?” Hindi na nito hinintay na makasagot pa siya at lumapit na ito sa kotse at binayaran ang driver. “Okay na.” Wala na siyang nagawa kung hindi sumakay sa van. Hindi niya maiwasang mapangiti nang makita ang mga batang kasama nilang nagsisisiksikan sa van.
“How did you find out?”
“Bumalik ako sa convent. Pumunta ako sa bahay niyo. Nakausap ko ang mommy mo.”
“And she was not angry with you?
“No. Why?”
“Eh alam niya na ikaw ang nagpaiyak sa akin dati,” nahihiya niyang sabi.
“Oh that.” Napapakamot sa batok na sabi nito. “I’m sorry.”
Hindi na siya tumugon at itinutok na lang ang tingin sa daan. “Where are we going?”
“Doon ulit sa orphanage sa Estrella. Christmas Party nila kaya nangaroling muna kami.”
“Why?”
Hindi siya sinagot nito at nagkibit-balikat lang. “Ayaw mo?”
“Okay lang naman. Pero ikaw, may pasok ka, kung saan-saan ka pumupunta. Hindi ka ba nahihiya sa binabayad na tax ng mga tao?” Hindi niya ito maiwasang sermunan.
Pinuno ng malakas na halakhak nito ang sasakyan. “Ngayon lang naman. Nag-overtime naman ako kagabi, offset lang ngayon.”
“Siguraduhin mo lang, Mayor. Pero hindi ba delikado itong ginagawa mo? May nagtatangkang gumawa ng masama sa iyo, isinama mo pa ang mga bata? Hindi mo ba naiisip iyan?" Bigla ang naging pagbangon niya ng inis.
Bumuntung-hininga lang ito at itinuro ang maraming van at motor sa unahan, likod at gilid ng van nila. “Baby, I got everything under control. Do you trust me?”
“No?” Malakas na natawa na naman ito kaya takang-taka ang mga bata. Oh she missed this childlike side of Leandro. Ayaw man niya ay bigla siyang nalungkot.
“Are you okay?”
“I guess.”
“Can we talk after the party?”
“Why?”
“We’re going to talk about a lot of things.”
“Leandro,” maang na napatitig siya rito.
“Please, Tiffany, please.” Pinagsalikop pa nito ang mga palad nito na parang batang nanghihingi ng candy. How could she refuse this gorgeous man?
“Okay.” Hindi niya naiwasang pisilin ang pisngi nito kaya napangiti lang ito. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at pinisil.
Nang makarating sa orphanage ay nagsimula na agad ang programa. Pinakain agad ang mga bata at pinalaro. Pagkatapos, binigyan ni Leandro ang mga ito ng regalo. Tinulungan niya ito sa pagbibigay ng mga regalo. Habang ito ay may nalalaman pang halik sa pisngi niya paminsan-minsan kaya siya naman ay kinukurot ito sa tagiliran. Noon niya napansin na nakatingin lang sa kanila ang mga staff ng orphanage at napapangiti sa kulitan nila.
Pagkatapos ay nagkaroon ng bukod na party para sa mga staff at lahat ay sumali sa mga laro. Pati sila ni Leandro ay nakigulo kaya tuwang-tuwa siya sa buong programa. Nang apple dance na ay sila ulit ni Leandro ang partner. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang mahulog ang mansanas at naglanding sa bandang leeg niya. Agad naman itong nasundan ni Leandro. Damang-dama niya ang pag-iinit ng pisngi at pagtatayuan ng balahibo habang dumadampi ang hininga nito sa kanyang balat. “Hoy, lalaki ha, ayusin mo!”
Umalog-alog lang ang mga balikat nito. “Bango talaga ng baby ko. Dito na lang ako lagi.”
“Kakainis ka!” Hindi niya naiwasang mapapadyak kaya gumalaw ang mansanas at eksaktong nag-landing sa dibdib niya. Sumunod naman ito doon at nanatiling nakahalik sa mansanas. “Leandro! Rated SPG na iyan!”
“We’re all adults, baby.”
“Ano ka ba? May mga madre,” nagpapanic na sabi niya.
Noon ito biglang natauhan at humiwalay sa kanya kaya sabay na lang silang napatitig sa nahulog na mansanas. Hinawakan siya nito sa mga balikat at pinakatitigan. “Thank you for making this day, extra special, baby.”
“Thank you rin, Leandro,” kinakabahang sabi niya.
At tila naramdaman nito ang secret wish niya kaya mabilis siya nitong kinintalan ng halik sa mga labi at inakay pabalik sa upuan. Inulan tuloy sila ng palakpakan at tilian ng mga staff habang napapangiti lamang ang mga sisters. Pasado alas-kuwatro na natapos ang party kaya agad silang sumakay ni Leandro sa van. “Now, we will talk,” nakangiting sabi nito.
“Saan tayo pupunta?”
“Sa beach house.”
“Pero-”
“Please, please, please. Luluhod ako dito pumayag ka lang.” Lumuhod nga ito habang umaandar ang van. Nang igala niya ang paningin ay nakita niyang napapangiti ang driver at isang bodyguard sa unahan. Ang ilang bodyguards sa likod naman ay nakatingin lang sa bintana pero halata namang pinipigilan ang mapangiti.
“Oo na, sige na.”
“Thank you,” nakangiting sabi nito habang hinahaplos ang pisngi niya. Niyakap siya nito nang mahigpit bago ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito at paliguan ng halik. Hiyang-hiya siya dahil may mga audience pa pero parang hindi naman nito iyon alintana.