Chapter 18

1054 Words
Kung hindi pa tinawagan ni Isaac si Leandro ay hindi niya malalamang may interview ang governor. Napukaw ang kuryosidad niya sa nalaman kaya binuksan niya ang telebisyon. “Alam niyo mga kababayan, ganoon talaga sa pulitika eh. Panahon ng eleksiyon ngayon kaya maraming eskandalo ang ibabato sa iyo kahit hindi naman totoo.” Tahimik na pinapanood ni Leandro ang interview ng incumbent governor ng kanilang bayan habang umiinom ng beer. Isa ito sa mga suspect nila pero silang tatlong magpipinsan ay parang nagdududa. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay nasa loob ng partido ang tumatraydor sa kanya dahil tila alam ng mga ito ang lahat ng kilos niya. Lumipad na naman ang isip niya papuntang kumbento. He just made love to a nun. Hindi niya alam kung magi-guilty siya o matatawa. Kakaibang experience pero hindi siya naaaliw. Why did she have to make things difficult when it was obvious that she wanted him? The way she responded to his kisses and the way she touched him and called his name- it was different from the rest of the women he dated and bedded. It should have inflated his ego, but it did not. He was happy, and that felt natural for him. “Damn, Tiffany!” Naiinis siya dahil ang labo mag-isip ng babae. Marahil ay confused lang ito sa mga nangyayari kaya sinakyan na muna niya ang trip nito. Litung-lito rin siya pero babalikan pa rin niya ito sa ayaw man nito at sa gusto. God forgive him but he wanted her. He never wanted anyone as intense as that, only her. His Tiffany. She was his and he would make sure she would be his again. Babalikan niya ito at ipapakita niyang ang tunay na buhay nito ay sa piling niya. Sigurado na siyang nalilito lang ito dahil sa mga pagkakamali niya. He would give her time to think things over. He would wait, but he would definitely come back to her. Sa ngayon, kailangan niya munang ayusin ang gusot na kinakaharap at siguruhing magiging ligtas ang lahat ng tao sa paligid niya. After all, walang dapat madamay sa gulo niya. Bumalik na naman ang atensiyon niya sa pinapanood. “Sasagutin ko ito ng prangka,” sagot ng governor sa reporter. “Wala akong kinalaman sa nangyaring ambush kay Mayor Lagdameo. Totoong medyo nababahala akong baka matalo niya ako pero hinding-hindi ako gagawa ng ganoong bagay lalo na ngayong malapit na ang eleksiyon. Natural mapupunta sa akin ang bintang dahil ako lang naman ang katapat niya. Again, people, wala akong kinalaman sa mga ambush na iyon kay Mayor Leandro Lagdameo. Baka mamaya pala publicity stunt lang iyon. Kita niyo naman, ligtas si mayor at lahat ng staff niya sa parehong ambush. Kunwari lang na biktima pero planado na naman din lahat. Kung harapan niyang kausap ang lalaki, nasapak niya na ito. Hindi siya ganoon kadesperado para gumawa ng ganoon at ilagay sa panganib ang buhay niya at ng ibang tao. Inis na inilipat niya channel para hindi na lalong mabwisit. Kailangan niyang mag-focus at malaman kung sino at nagtatangka sa buhay niya. Kailangan niyang maiayos ang lahat. “HINDING-HINDI ko po malilimutan ang kumbentong ito. Ito ang naging tahanan ko sa loob ng apat na taon. Maraming salamat po dahil tinanggap niyo ako nang walang pag-aalinlangan. Sandali pa lang po tayong nag-usap sa palengke pero tinanggap niyo po ako na parang matagal niyo na akong kilala," naluluhang sabi ni Tiffany kay Reverend Mother. Iyon ang araw ng paglabas niya ng kumbento. Bittersweet ang pakiramdam niya ngayon. Masayang magiging malaya na siya sa pagkalito at gabi-gabing kahungkagan. Ngunit nandoon pa rin ang attachment niya sa kumbento. It was like letting go a part of her. Pero may mas malalim pang dahilan ang kalungkutan niya na ayaw na niyang i-entertain. Ilang araw na siyang lutang ang pag-iisip pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Leandro. Hanggang ngayon ay hindi niya maintindihan kung bakit nagawa niyang ibigay ang sarili dito. Pagkatapos ay pinipigilan pa siya nitong bumalik sa kumbento. Ano ba ang pakay nito? Mabuti na rin sigurong hindi nito alam na lumabas na siya dahil baka hindi na naman niya magawang lumayo rito dahil lalapit na naman din ito. Ilang araw pa lamang ang nakakaraan nang muli silang magkita nito ngunit nasanay na siya na araw-araw siyang pinupuntahan para lamang magpasalamat nang paulit-ulit. Ayaw man niya ay gusto niya ang presensiya nito. She terribly missed him after everything he did, and she hated him for that. Maybe Leandro was just a phase. Maybe he was a test to show that she was yet to strengthen her faith, to show that she was meant to be somewhere else. Lumabas na siya ng kumbento at nagpahatid sa nag-iisa nilang owner-type jeepney para ihatid siya sa bayan. Mula doon ay nag-tricycle siya papuntang sakayan ng bus bago sumakay sa rutang papuntang, Rosario, ang kanyang bayan. She could imagine her mom and sister hugging her tight, telling her everything would be alright. She would be humble to ask for her father's forgiveness. She would go back to work or ask for his help to send her to Manila or abroad to study again. She had to be away from Leandro. She had to start again and forget him as soon as she could. Pagdating niya nga sa kanila, bumaha ng luha sa kanilang mag-iina. Habang ang daddy at mga kuya niya ay hindi maitago ang kasiyahan. Niyakap niya ang kanyang ama na mainit siyang tinanggap muli. Humingi na siya ng tawad na ikinatawa lamang ng mga ito. Alam niyang sa pagkakataong iyon mas sigurado na siya sa landas na gustong tahakin at susuportahan siya ng kanyang pamilya. Nang mag-usap sila ng kanyang ama, bakas sa mukha nito ang pagkagulat sa kanyang desisyon ngunit masayang-masaya ito. Hindi na raw niya kailangang magtrabaho muli. Ito raw ang bahalang tumustos ng kanyang pag-aaral. Sandaling panahon lang naman iyon dahil ilang units at mga major subjects na lamang ang kailangan niyang kunin. And she was too confused and desperate to beg and accept his offer. Sa ngayon ay magpapahinga muna siya sa kanilang tahanan. Habang malayo pa ang susunod na school year, papasok siya sa kanilang opisina para personal na i-train ng kanyang daddy at mga kuya. She knew deep inside her that this time things would fall into place.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD