Chapter 64

2029 Words

Kinabukasan ay hindi ako nakapasok sa opisina. Nagising naman ako ng 7:00 AM pero sa tuwing naaalala ko ang sinabi ni Cassandra ay parang nanghihina ako na hindi ako makatayo man lang dahil sa bigat ng kalooban ko. Natulog na lang ulit ako at muling nagising noong lunch time na. Kinabukasan ay maaga ulit akong pumasok para dalhan ng kape si Cassandra. Natuwa ako nang makitang wala pa siya doon, kaya inilagay ko ulit ang kape na may sticky note. Ilang sandali pa ay dumating na siya. Nakita niya ang kape na inilagay ko sa kape. Noong kinuha niya ‘yon, akala ko ay iinumin niya. Nakita ko na lang na itinapon na niya ito sa basurahan. Pagkatapos noon ay umupo na siya sa upuan niya at nagsimulang magtrabaho na parang wala lang sa kanya ang ginawa niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD