“Hanggang kailan ka na naman ba magmumukmok, Ford Isaiah?” rinig kong bulyaw sa akin ni Dad dahil ilang araw na rin akong hindi pumapasok sa trabaho ko. “Bumabalik ka na naman sa ugali mong ‘yan, gusto mo na naman bang lumayo ulit?” “Ayoko.” “Eh, anong plano mo? Habang buhay ka nang magmumukmok? Habang buhay ka nang maglalasing at uuwing parang walang buhay dito, ha?” Hindi na ako sumagot pa dahil paulit-ulit na lang din naman ang pinag-aawayan namin. Nagsasawa na rin ako ng kasasabi na okay lang ako at huwag nila akong isipin dahil nakikita kong mas nag-aalala sila sa akin. Mas nakikita kong nasasaktan ko sila. Then again, I hate for that. Simula noong gabing iyon na nagkausap kami ni Cassandra, hindi na ako pumapasok pa sa trabaho. Halos isang linggo na rin akong wala doon, at kita k

