Simula noong araw na ‘yun ay palagi na akong maagang pumapasok. Lagi kong nauunahan sa pagpasok si Cassandra at kasama iyon sa plano ko. Tuwing umaga ay lagi ko siyang iniiwanan ng kape na may nakapakat na sticky notes. Araw-araw, iba-iba ang mga nakasulat sa sticky notes, at hindi ko inilalagay na sa akin nanggaling. Ngayon ay nagkunwari akong busy dahil gumagawa ako ng powerpoint presentation tulad ng ipinag-utos sa akin. Hindi man ako minamadali dahil bukas pa naman ng umaaga ang presentation, ay ginawa ko na kaagad. Ayoko nang nakatanga lang, pakiramdam ko ay nasasayang ang binabayad sa akin sa pagti-training dito. Ang laki pa naman, para na rin akong regular employee. Ilang saglit pa ay dumating na si Cassandra. Kinabahan na naman ako sa kinauupuan ko, at nararamdaman kong pinagpapa

