NANG nasa kalagitnaan ng biyahe pauwi, tinanong niya si Sheila kung ano ang eksenang kukuhanan bukas para makapaghanda siya. "Kissing scene po yata, Ma'am," mahinhin nitong sagot habang abala sa pag-aayos ng make-up kits nito na nakapatong sa ibabaw ng hita niya. Nakasakay sila ngayon sa van at minamaneho iyon ni Bongu. "What? Seriously?" gulat na gulat at magkasalubong ang mga kilay nitong tanong nang lingunin niya si Sheila. "O-Opo, Ma'am. T-Tinignan ko po iyon kanina sa script na binigay sa inyo ni Direk. Naiwan niyo po kasing nakapatong lang iyon sa lamesa kanina nang tawagin kayo ni Direk para kuhanan ang susunod na eksena," mahaba nitong paliwanag na punong-puno ng kaba. Malaki ang takot niya kay Dianna dahil kilalang maldita at maarte ito pero mas gusto niya iyon. Mas sanay siya

