CHAPTER 11 - FALLING IN LOVE?

1625 Words

ITINAAS ko ang kamay ko habang nakaupo sa silya upang tawagin ang isang staff na naglilista kung ano'ng klase ng coffee o milk tea ang gusto naming inumin. Break na ngayon at halos lahat sa amin ay namamahinga bukod sa mga camera man na nag-aayos nang nakuhanang eksena kanina. "Yes, Ms. Song Yo? Ano po ang sa inyo?" nakangiti nitong tanong nang lapitan ako. "Mocha latte," tipid kong sagot at muling ibinaling sa cellphone ang atensyon ko. Nagpatuloy ako sa pag-scroll sa social media account ko. "Okay po!" wika nito't ngumiti ngunit hindi ko siya pinansin. Clear naman na, e. "Sir Tristan, ano po ang sa inyo?" Tila naglakihan ang kanan kong tainga nang tanungin at lapitan niya si Tristan. Malapit lang sa likod ko nakaupo ang lalaking iyon. Bigla akong naging interesado sa iinumin niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD