NANG makauwi galing sa taping ang dalagang si Yannah, bigla niyang naisipan na kumain ng masasarap na pagkain. Bigla na lamang pumasok sa kaniyang isipan ang matatamis na pagkain tulad ng lechec plan, graham balls, at cofee jelly. Bigla na lamang siyang nanakam sa mga ganoong klase ng pagkain. Tinawagan niya ang kaibigan niyang si Flora at agad na pinapunta sa kanilang tahanan. Inutusan niya rin itong bumili ng mga pagkaing ninanais niya. Pagdating ni Flora ay sinalubong niya ito. Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay hindi na niya nagawang makipagbatian sa kaibigan. Kaagad niyang kinuha ang hawak ni Flora na mga plastic na may lamang pagkain na bigla-bigla na lamang niyang naisipang kainin. "Hoy! Bukod kaya sa mga pagkaing iyan ay nandito rin ako. Like, hello? Ako kaya ang bumili ng m

