NANG makita kong lunch break na ng doktor na palaging kasama ni Dianna ay hinabol ko siya. Nasa hospital akong muli upang hanapin si Dianna. Nasa Baguio na rin sila Yannah ngayon at nagbabakasyon kaya hawak ko nang muli ang oras ko. "Doktora! Doktora!" tawag ko sa kaniya bago siya makalayo. "Oh? Yes, Sir? Tristan po, 'no?" Tumango ako. "Pwede ko po ba kayong makakwentuhan?" Pinag-isipan niya ang tinanong ko bago siya tumango. "Yes, Sir. Pwede naman po. Basta sagot niyo ang foods, ah?" biro nito. Napangiti ako. "No problem, Doktora." "So, saan tayo?" tanong niya. "May alam akong sikat na restaurant malapit dito sa hospital. Gusto niyo?" "Sure! Saktong-sakto at gutom na gutom na ako. Na-stress ako sa isang pasyente ko kanina. Hinahawakan ko pa lang ang catherer niya, e, naghihiyaw

